Nagsimula na nga ang unang taon na pagsusunog ng kilay sa kolehiyo. Bago ang lahat para kina Athena at Kenjie hindi lamang dahil sa environment kundi dahil sa hindi na sila magkasama, sa pagkain, paglalakad sa buong paaralan at kasama sa mga kalokohan.
"Athena ito nga pala yung mga gagamitin natin sa play, sabi nga pala ni professor na dapat matapos na tayo" salubong ni Stella kay Athena na nakaupo lang naman.
"Salamat Stella, paki ayos na lang dyan at pakisabi kay professor na malapit na" walang siglang sabi ni Athena ni hindi tinapunan ng tingin si Stella.
"Teka nga muna bakit ba napaka tamlay mo nanaman huh Atheng?" May pagtatakang tanong muli ni Stella.
"Wala Ito huwag mo akong pansinin, sige na tapusin niyo na yung ibang props para makauwi tayo ng maaga" turan muli ni Athena na ganoon parin ang tono ng boses.
Lumapit lamang si Stella at di sinunod ang utos ng leader nila "Naku si pinsan nanaman ba ang tumatakbo diyan sa isip mo?" Sabay akbay nito kay Athena.
Si Stella ay pinsan ni Kenjie na Isa naman sa naging kaibigan ni Athena, Isa siya sa basher at fan ng love team Ng dalawa.
Napatingin naman si Athena kay Stella as if saying tigilan mo na huwag mo na ituloy.
"So 9 months na, kamusta naman ba ang puso mo Athena?" Di natakot sa titig ni athena at tinuloy paring magtanong.
"Ayos pa naman, bakit mo naman na tanong.? Diko talaga mapigil yang bibig mo eh noh!" Medyo natatawa nang sambit ni Athena.
"eh Baka kasi Hindi na si pinsan ang tinitibok niyan" she crossed her arms as if facing a criminal and raised her left eyebrow to Athena. "naku lagot ako dun pag nagkataon" at nagawa pang mag sign of the cross.
"Baliw ka talaga, ngayon loyal ka sa pinsan mo parang kahapon lang pinagtutulakan mo ako sa iba" and Athena look fiercely. "Buti pa Tama na ito tara na para di kung anu-ano tinatanong mo"
"Sige na nga gusto ko lang naman ma-try maging interviewer eh" maktol pa ni Stella.
Tinitingnan lang naman muli siya Ng masama ni Athena.
"Oo na po eto na kikilos na ako, di na po magtatanong" tila pasukong sabi ni Stella.
Nagpunta na sila kasama ang iba pa nilang mga kaklase. Habang naglalakad ay naka isip nanaman si Stella nang gusto niyang itanong.
"siya nga pala. . ."
"Ano nanaman Ella!" tanong ni Athena na tila nagrereklamo na sa kakulitan ni Stella.
"Ayy grabeh nickname ko na, Ito naman may itatanong lang eh" palambing naman ni Stella.
Huminga lang naman Ng malalim si Athena senyales na nakikinig siya.
"Wala ka bang balak na palitan yung profile mo sa Facebook?" Pagsisimula ni Stella.
"Hindi na ako nag o-online eh, bakit ba?" Pabalik agad na tanong ni Athena.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...