Chapter 10✓

382 19 0
                                    

NOBODY'S POV

Mabilis na lumipas ang panahon, at sa patuloy na pag takbo ng kamay ng orasan ganoon din ang pagpapatuloy ng kwento ng dalawang nag iibigan.

"so paano ba yan mauna na ako huh, finally tapos nanaman ang mahabang araw" paalam ni Janice.

Palabas na sila Ng hospital at planong umuwi na upang makapagpahinga.

"sige Ingat sa pag-uwi, Wala ka atang sundo?" Si Athena.

"Busy ngayon si James, hayyst miss ko na nga Yun eh" sagot naman ni Janice.

Natawa nang bahagya si Athena sa sinabi ni Janice.

Ilang minuto pa ay dumating na service ni Janice.

Habang busy si Athena sa pagkontak sa service niya, bigla na lang huminto ang isang itim na kotse sa harap niya .

"hi love!" Magiliw na bati ni Kenjie.

Napa angat ng tingin si Athena "babe? Akala ko ba busy ka? Bakit mo pa ako Sinundo?" Tanong ni Athena.

"I just want to be with my love." Sagot ni Kenjie at akmang bababa sa kotse.

"Huwag na!" Pigil ni Athena, dali-dali siyang pumasok sa loob ng kotse at humalik sa pisngi ng kasintahan. "Teka nga lang muna, bakit lagi kang nakatiming pinababantayan mo ba ako?" Sabay tanong nito.

"no! I have your schedule kaya alam ko kung kailan ang labas mo." Wika ni Kenjie nang nakangiti.

"you really wanted to be with me huh!, Masyadong pahalata na Inlove sa akin" tukso ni Athena sa kanyang kasintahan.

"syempre naman" masayang sagot ni Kenjie. "dinner date?" Dugtong na tanong nito.

"sure, gutom na din ako eh." Excited na sagot ni Athena.

Agad na nag maneho si kenjie, may kalayuan ang ka-kainan nila kaya't nakatulog si Athena sa Byahe.

Matapos maitabi ni Kenjie ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"love, gising na."

"babe nandito naba tayo?" Tanong ni Athena na nakapikit parin ang mga mata.

"Opo my princess!" Sambit ni Kenjie at tinanggal na ang seatbelt ni Athena.

Napangiti si Athena at agad na minulat ang mga mata.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Athena at inilibot ang kanyang paningin pilit inalala kung na saang lugar sila.

"sa favorite mong Kainan!" Sagot ni Kenjie.

Gulat na napatingin si Athena kay Kenjie "no! Your just kidding!"

"I'm not...."

Hindi na pinatapos pa ni Athena ang sasabihin ni Kenjie dahil agad na niya itong tinakpan sa bibig.

"kenjie!" Banggit niya sa pangalan Ng lalaki at agad na lumabas si Athena sa kotse doon Nakita niya ang lugar kung saan gustong gusto nilang kainan noong high school sila.

"I can't believed this, thank you so much love." Sambit ni Athena at nilingon ang kanyang kasintahan na pababa pa lamang ng kotse.

"sabi na eh, sasaya ka." Sambit ni Kenjie.

Hindi na nakasagot pa si Athena hinila na lamang niya si Kenjie at pumasok na sila sa loob ng Kainan.

Pumasok sila sa isang old-fashioned eatery. Tapat lamang ito nang isang school kung saan nag aral ang dalawa.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon