NOBODY'S POVTuwang tuwa si Rey na kakwentuhan ang nobyo ng kanyang anak.
"Malaki ang tiwala ko sayo Kenjie na Hindi mo sasaktan ang anak namin." Sambit ni Rey.
"Pa! Mahal ko po si Athena, I'll do everything just to make her happy." Sagot naman ni Kenjie.
"At dyan naman ako sobrang natutuwa."
At Muli tumagay sila, sa di kalayuan pinapanood ni Athena ang dalawa at napapansin niya na marami nang naiinom ang dalawa.
Lalapit na sana siya nang pigilan siya ni Albert.
"Athena! Saan ka pupunta?"
"Ah eh doon lang Kay papa! Mukhang naparami na ang naiinom niya" Simpleng sagot ni Athena.
"Ah Oo nga, sino ba yung kasama niya?" Nagtataka namang tanong ni Albert.
"Si kenjie boy.." wika ni Athena ngunit hindi pinatapos ni Albert.
"Hindi niya ba alam na hindi pwede si tito na uminom ng marami? Akala mo kung sino ah, dayo Siguro" sambit ni Albert habang nakatitig lang kay Kenjie at Rey.
Napatingin na lamang si Athena sa dalawa at napansin niya na Lumapit na ang mama niya at si Liz kaya nagpunta na din sila doon.
"Mahal tama na yan lasing na si Kenjie oh" awat ni Rosana kay Rey na tinatagayan pa ang binata.
"Kaya nga kuya Rey, Hindi naman umiinom itong inaya mo eh" sabat naman ni Liz.
"Ma, tita okay lang po" Nakangiti na sagot ni Kenjie.
Halata na ang pagtama ng alak kay Kenjie. Sa kabila ng di kaputian niyang kulay ay halata mo parin ang pamumula nito dahil sa kalasingan.
"Sige na nga gusto ko lang naman makabonding ang anak ko eh" sagot ni Rey.
"Hay Naku, halika na at Matulog kana mahal. Liz kayo nang Bahala Kay Kenjie!" Sambit ni Rosana at inakay na si Rey.
"Sige po Ate"
Agad na napansin ni Athena.
"Athena nandyan ka pala, halika na at ipasok na natin Ito sa loob" aya ni Liz.
"Ako na po tita Liz" sambit naman ni Albert.
"Ay Hindi na Albert, tumulong kana lang doon at kaya na namin Ito ni Athena" pigil naman ni Liz sa binata.
"Pero. . ."
"Sige na Albert! Kaya namin Ito ni tita" sambit ni Athena at kinuha na ang kamay ni Kenjie.
Wala nang Nagawa si Albert kundi hayaan sila.
Pumasok sila sa loob at nang maihiga na siya sa kama.
"Si papa talaga alam na nga niyang Hindi umiinom itong si Kenjie eh, pinilit pilit pa kasi" naiiritang wika ni Athena habang isinasara ang bintana ng kwarto.
"Naku Athena, kahit ang hindi umiinom ay mapapainom kapag nagseselos na!" Pasimpleng sambit naman ni Liz habang inaayos sa higa si Kenjie.
"Ano po iyon tita? Nagseselos?"
"Oo nagseselos si Kenjie"
"At kanino naman po?"
"Sino ba ang buntot ng buntot sayo na parang aso simula nung dumating ka dito huh?" Balik na tanong ni Liz.
"Nagseselos po siya Kay Albert?"
"Mismo!"
"Pero wala naman po siyang dapat Ika selos, magkaibigan lang po kami ni Albert" paliwanag ni Athena.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...