Chapter 7✓

522 29 0
                                    

NOBODY'S POV

Habang tahimik na nagsususlat si Athena sa kanyang kwarto biglang tumunog ang kanyang cellphone.

'Athena pwede ba tayo magkita bukas, sa park I need to talk to you  please.' text ni Kenjie.

Nagreply si Athena ng 'I'll try' at agad niyang Tinawagan si Lucas.

"hello Athena?" Si Lucas.

"ammm, Lucas pwede bang i-reschedule natin yung pagkikita natin?" Sambit ni Athena.

"sure no problem! Bakit may lakad ka ba?" Tanong ni Lucas.

"magkikita kasi kami ni Kenjie tomorrow" sagot naman ni Athena.

"Aba, nangangamoy magkakabalikan ah." Tukso ni Lucas kay Athena.

"Baliw ka talaga Hindi naman naging kami, anong magkakabalikan" natatawang sambit ni Athena.

"oh sorry naman Athena! Pero I can feel na this time magkakatotoo na ang gusto ng parents niyo." Sambit ni Lucas.

"Malabo na yun Lucas." Sagot ni Athena habang napapailing na lamang.

"bakit? Ipinagpalit kana ba niya? O may iba nang laman yang puso mo?" Tanong ni Lucas

Natahimik si Athena.

"silence means Yes pero diko alam kung saan ang sinagot mo" pahayag ni Lucas.

"I need to talk to him,to clear everything about us.... para makamove on na din." Sambit ni Athena.

"always remember Athena Narito lang ako. Just call me if you need resbak bukas okay?" Saad ni Lucas.

"Oo na po" natatawang sambit ni Athena. "so ayos lang sayo huh baka Naman magtampo ka niyan" dugtong na tanong ni Athena.

"Opo na po boss, di ako marunong magtampo noh" sagot ni Lucas

Natahimik bigla si Athena sa sinabi ni Lucas.

Flashback
(chapter 1: Their Story)

Kenjie: enough na Athena!

Athena: Ayoko nga nag-eenjoy pa ako eh.

Kenjie: masakit na Athena!

Naawa naman si Athena at binitawan ang tenga nito.

Athena: you should watch your words Kenjie, or else Hindi lang pingot ang makukuha mo sa akin sa susunod.

Kenjie: Opo na po boss. Sorry na po!

Athena: tigilan mo nga yan !

Lumapit si Kenjie at hinalikan si Athena sa pisngi na siyang ikinagulat ng dalaga. Napatitig lamang Ito Kay Kenjie.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon