Thank you for waiting😘, God bless you all😊.
**********
Manager: Gretchen!
Gretchen: ano iyon?
Manager: dalhin mo itong mga order sa dulong table.
Kinuha ni Gretchen ang tatlong basong ice tea at cake na nakalagay sa isang tray.
Nakita niya ang table agad siyang lumapit.
Gretchen: ito na po ang order niyo.
At isa isa niya iyong inilapag.
Francine: pwede mo ba kaming saluhan?
Chaka lang napansin ni Gretchen ang dalawang customer.
Nasa pang apatan na table sila, magkatabi sina Francine at Celine.
Celine: maupo ka.
Gretchen: anong ginagawa niyo dito?
Francine: gusto ka naming makausap kaya maupo ka.
Gretchen: kung tungkol ito sa aksidente noon. . .
Francine: hindi, napatawad kana namin sa bagay na Yan kahit hindi ka humingi ng tawad.
Gretchen: kung ganoon bakit kayo narito?
Francine: maupo ka muna.
Nag aalinlangan si Gretchen na maupo sa harap nang dalawang bata.
Celine: don't worry bayad na ang araw mo ngayon.
Agad na naupo si Gretchen at hinarap ng seryoso ang dalawa.
Francine: handa kana bang sumagot sa mga katanungan namin?
Gretchen: wala akong ano mang sasagutin sa mga tanong niyo.
Francine: isang sagot isang daang libo ang kapalit.
Nabigla si Gretchen, maging si Celine ay nagulat sa sinabi ni Francine.
Gretchen: nasisiraan kana ba?
Francine: katotohanan lang ang gusto ko at ikaw pera ang kailangan mo.
Gretchen: ano bang ibig mong sabihin?
Francine: lubog ka sa utang, hindi ba mapapadali ang buhay mo kung may kikitain ka sa pagsagot lang ng Tanong ko?
Gretchen: ano ang gusto mong malaman?
Huminga ng malalim si Francine, ipinatong sa mesa ang dalawa niyang kamay at tinitigan si Gretchen.
Gretchen: wala paring nagbago sayo, dala mo parin ang matang nakita ko noong una tayong magkita.
Francine: ikaw din nakikita ko parin ang kasamaan na taglay ng mga mata mo.
Natawa ng bahagya si Gretchen.
Gretchen: ano na ang Tanong mo?
Naglabas nang papel si Francine at ballpen, agad siya pumirma at inilapit ito ng bahagya kay Gretchen.
Francine: 100 thousand! May kinalaman ka ba sa mga pagbabanta sa pamilya namin?
Napatingin si Gretchen sa hawak na papel ni Francine.
Gretchen: para lang sa kasagutan ng Tanong na Yan ibibigay mo ang isang daang libo?
Francine: oo! Ano bang pakielam mo? Sasagot kaba o pupunitin ko ito sa harap mo?
Gretchen: paano ka nakakasiguro na ang mga isasagot ko sayo ay pawang katotohanan lang?
Francine: hindi ako nagpunta dito para interviewhin mo! Sagot!
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Diversos"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...