Chapter 62: Ating Balikan

508 19 2
                                    


Francine: good morning mommy!

Athena: good morning din anak.

At hinagkan niya ito, bago humarap sa hapag kainan.

Francine: mukhang masarap po ang tulog niyo.

May pang aasar na sambit ni Francine sa kanyang ina.

Athena: tigilan mo nga yang kapilyahan mo anak, na saan ang daddy mo?

Francine: maaga po siyang umalis mom, sabi niya may bibilhin lang daw po siya sa bayan.

Athena: parang kabisa na niya dito sa Vigan huh.

Rey: aba syempre anak, nung nawala ka ,dito ang takbuhan nina Celine at Kenjie, halos dito na nga sila manirahan.

Sabat naman ng ama ni Athena.

Athena: pa, hinanap po ba ako ni Kenjie?

Rey: halos halughugin na niya ang pilipinas para lang mahanap ka.

Rosana: anak mahal na mahal ka ni Kenjie.

Athena: ganoon din po ako, and I don't know how to live without him.

Rey: huwag mong iisipin yung mawawala siyang muli ang pagtuunan mo nang pansin yung ngayon.

Athena: I will po pa!

Kenjie: good morning everyone!

At sabay sabay silang tumingin sa pinto may dala itong isang bouquet ng bulaklak.

Francine: wow! dad para po ba yan kay mom?

Tumingin siya dito at agad na iniabot kay Athena ang mga bulaklak.

Athena: Salamat! Para saan ito?

Kenjie: wala lang bumili kasi ako nang mga prutas tapos nakita ko yan kaya binilhan kita.

Naupo na ito sa tabi ni Athena at nagsimula na silang kumain.

Habang kumakain. . .

Rosana: bakit napaka rami mong biniling prutas hijo? Don't tell me buntis na ang asawa mo?

At halos mailuwa ni Athena ang kinakain niya.

Kenjie: ma naman kagabi pa lang namin sinimulan buntis agad?

At yun na nga halos umakyat lahat nang dugo ni Athena sa kanyang mukha, inis at hiya ang nararamdaman niya.

Rosana: ay naku Francine be ready!

Athena: ma!

Agad na tinapakan ni Athena ang paa ni Kenjie na siya namang ininda nito.

Kenjie: aray ko naman love.

Tumingin siya dito ngunit nakatingin talaga sa kanya nang masama ang kanyang asawa.

Rey: mga anak gusto ko lalaki huh!

Athena: pa naman eh, pwede ba pag usapan niyo yan pag wala ako?

Francine: mommy as if naman bago ito sa inyo!

Athena: at isa ka pa, napaka bata mo pa nakikisali ka sa usapang pang matanda.

Francine: okay I'll shut my mouth.

Nagtawanan lamang sila, habang si Athena pulang pula na talaga ang pisngi.

*************

Nag decide sila na maglakadlakad muna habang hindi pa mainit ang sikat nang araw.

Magkahawak kamay sila habang nakapaa na nilalakad ang malawak na buhanginan.

Athena: kenj!

Kenjie: bakit?

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon