Chapter 66

408 24 6
                                    


Ilang linggo pa ang lumipas ay pinayagan ng lumabas sa Hospital sina Athena.

Kenjie: kaya mo ba talagang alagaan si Jk kahit nagpapagaling ka pa?

Athena: oo naman, at chaka ayokong ipagkatiwala ang anak natin, nakaya ko noon kenj ngayon pa kaya na nandito ka naman.

Ngumiti lamang si Kenjie sa sinabi nang kanyang asawa.

Kenjie: sige halika na at dalhin na natin siya sa kwarto niya.

Athena: babe pwede bang ipalipat mo muna yung kanyang crib?

Kenjie: huh?

Athena: para naman makasama natin si baby jk.

Kenjie: oh siya sige pero pag malaki na siya sa kwarto na niya siya matutulog huh?

Tumango lamang si Athena at sabay na nilang tinungo ang kanilang kwarto.

***********

Nasa pool area sina Athena at si Jk nang marinig niyang may nag door bell.

Athena: Manang may tao po ata!

Ngunit walang sumagot.

Athena: ya! Paki tingnan yung tao sa gate mukhang may ginagawa si Manang.

Yaya: sige po ate.

Naririnig ni Athena ang paulit ulit na pag door bell nang kung sino man yun, parang gigil na gigil sa pag pindot nang kanilang door bell.

Naglakad na siya kasama si baby jk, at nakasalubong niya ang kanilang kasambahay na takot na takot.

Athena: ya anong nangyari?

Yaya: eh ate may lalaking nagtutok sa akin nang baril.

Athena: ano? Na saan?

Yaya: naku huwag niyo na pong puntahan ate at baka mapahamak pa po kayo.

Athena: pero! Okay ka lang ba ya?

Manang: anong nangyayari dito?

Athena: manang paki tawagan nga po si Kenjie.

Manang: sige!

Pumasok sa loob nang bahay si Manang, napatingin naman si Athena sa gate.

Yaya: ate doon na lang po tayo sa loob.

Athena: buti pa nga.

Nasa sala sila, medyo kabado padin ang kasambahay nila.

Manang: oh ito uminom ka muna nang tubig.

Yaya: salamat po.

Manang: ikaw Athena ayos ka lang ba?

Athena: opo! Iniisip ko lang kung sino yun.

Ilang saglit lang ay sabay sabay silang napatingin sa pinto dahil sa biglaang pagkabukas nito.

Kenjie: love?

Athena: I'm here!

Agad na lumapit si Kenjie kay Athena at niyakap ito .

Athena: babe ayos lang ako, si ester ang tinutukan nang baril.

Ibinaling ni Kenjie ang tingin niya kay ester.

Kenjie: ayos ka lang ba ester?

Yaya: ayos lang po kuya.

Kenjie: nakilala mo ba kung sino yun?

Yaya: naku kuya hindi po, naka helmet po siya.

Kenjie: pina check ko na sa guard kung paano nakapasok yun pero ang sabi wala namang pumasok ni lumabas sa village na ito.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon