Chapter 82✓

436 19 5
                                    

ATHENA'S POV

Tinititigan ko Ang bunso naming anak , habang tumatagal ay Lalo niyang pinapakita na napaka lakas Niya.

Ilang minuto pa lamang ay bigla na lamang nag ring Ang cellphone ko.

Nang Makita ko Ang pangalan ay agad ko iyong sinagot.

"Hello!" Bungad ko sa taong nasa kabilang linya.

"Ate si tita Rosana" bungad Naman sa akin ni Samantha.

"Anong nangyari?" Nag aalala Kong tanong sa kanya.

"Nakakausap na siya Ng maayos, hinahanap ka Niya ate."

Napatigil ako, Alam kong sa araw na makapagsalita na si mama ay mabibigyan na Ng kasagutan Ang mga tanong namin.

Binabaan ko na si Samantha, tumingin muli ako sa aming bunso.

"Ynha anak magkikita na kayo Ng daddy mo, dito ka Lang muna huh" sambit ko at hinaplos Ang salaming nakaharang sa pagitan namin Ng anak ko.

Sumakay ako Ng kotse, tinungo Ang kinaroroonan ni mama.

Halos paliparin ko Ang aking sasakyan makarating lamang doon.

Habang hinihintay ko Ang pag usad Ng sasakyan ay tumunog muli ang cellphone ko.

At halos pangapusan ako Ng hangin nang Makita Kung Sino ang tumatawag sa akin.

Walang pag aalinlangan ko iyong sinagot.

Puno nang galak na halos walang mapaglagyan, na sa kabila Ng lahat Ng pinagdadaanan nang aming pamilya ay may mga Bagay padin palang magbibigay Ng liwanag sa madilim na daan.

"Hello!! Kenjie?Hello!! Kenjie!" Agad na sagot ko.

Sa una ay halos mabingi ako sa katahimikan sa kabilang linya.

"Kenjie, na saan kayo?" Sunod Kong tanong..

At nagulat ako sa sumunod Kong narinig, sa hikbi pa lamang Niya ay Alam ko na.

Tumahimik ako Ng panandalian, Ang sayang nadarama ko kanina ay parang binalot na Ng kaba at pagtataka.

"Fra---ns--y?"

At sa sinabi Kong iyon ay humagulgol na si Francine.

"Mommy!" Yun lamang Ang tangi Kong narinig sa Gitna Ng kanyang pag iyak.

"Anak bakit na sayo Ang cellphone Ng daddy mo?" Yun Ang tanong na Sana ay Hindi ko na lamang tinanong pa.

********

NOBODY'S POV

"Anak bakit na sayo Ang cellphone Ng daddy mo?"

Hindi iyon sinagot ni Francine, tinibayan Niya Ang kanyang loob at agad na sinabi Ang kalagayan Niya at Ang kinaroroonan nilang magpinsan.

Puno man nang tanong Ang isipan ni Athena ay agad siyang nagtungo sa police station. Pinagpaliban muna Ang pagpunta sa kanyang Ina.

"So madam anak niyo pala Yung dalawang batang Yun?"

"Kilala niyo sila?"nagtataka muling tanong ni Athena.

"Isa sa kanila Ang tumawag sa Amin na naroon daw Ang mag aamang Delos Reyes sa bahay ni ms. Suarez." Paliwanag ng Isa sa mga pulis.

"Maari bang pumunta tayo ngayon doon?"

"Madam Hindi Po pwede dahil baka Kung ano nanamang trip nang mga anak niyo iyan"

"ANO BA! NASA PANGANIB ANG ANAK KO!"

Hindi na napigilan pa ni Athena.

"Gusto ko Lang makasiguro na ligtas sila" sambit muli ni Athena na pilit pinakakalma Ang sarili.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon