Chapter 27

393 18 5
                                    

Ito na po nakapag update na me😂 salamat sa lahat nang patuloy na nagbabasa nang mga kalokohan ko. .. wala na kasing ganap ang CharDawn😭

********

Athena: Cindy natapos mo na ba ang list ng mga lugar na ating pupuntahan sa Pilipinas?

Cindy: yes dra. ibinigay ko na din po kay Ma'am Lea.

Athena: oh siya maghanda kana din dahil dalawang linggo na lang ay pupunta na tayo sa pilipinas.

Sa sinabing iyon ni Athena may kung ano ang nabasag mula sa pintuan.

Napalingon si Athena, doon nakita niya si Francine at ang basag na baso.

Athena: Fransy?

Agad na napatakbo palabas si Francine at agad naman siyang sinundan ni Athena.

Athena: Fransy wait, anak!

At nang maabutan niya ito hinawakan niya sa braso si Francine.

Athena: anak Anong problema?

Humarap si Francine nang may luha sa kanyang mga mata.

Francine: don't go.

Athena: saan? Sa pilipinas?

Francine: yes! Diba sabi mo never tayong pupunta sa pilipinas?

Athena: anak pasensya na pero may medical mission kami doon.

Francine: no Ayoko, please mommy i don't want you to go in that place.

Athena: pero. . .

Agad na tumakbo si Francine palabas ng hospital.

Athena: anak Francine!

Ngunit hindi na niya naabutan si Francine.

**********

Lumipas ang Araw at habang palapit ang muling pagbabalik ni Athena sa Pilipinas patuloy namang lumalayo ang loob nang kanyang anak.

Athena: Manang na saan po si Fransy?

Manang: naku nasa kwarto na.

Athena: kumain na po ba?

Manang: hindi pa wala daw siyang gana.

Athena: Sige po at pupuntahan ko na lang.

Nagpunta na si Athena sa kwarto ni Francine at pagbukas niya nang pinto nakita niya ang kanyang anak na nagbabasa nang paborito nitong aklat.

Athena: Gabi na bakit gising ka pa?

Hindi sumagot si Francine, lumapit na lang si Athena at hinalikan ito sa noo.

Athena: anak nagtatampo ka padin ba?

Umiling lang ito, naupo si Athena sa tabi nang kanyang anak at niyakap ito.

Athena: huwag kana magtampo, babalik din naman ako eh pagtapos na pagtapos nang medical mission babalik agad ako.

Francine: bakit ba kasi sasama ka pa mommy, Marami naman pong ibang doctor.

Athena: anak they need me, at ako ang nagrequest na magkaroon nang medical mission every year.

Francine: mom ayoko sa Pilipinas, Ayoko nang bumalik doon.

Athena: bumalik? Pumunta ka sa pilipinas?

Nagulat din si Francine sa kanyang nasabi, nahiga siya at tinalikuran si Athena.

Athena: Francine Salman magsabi ka nang totoo nagpunta ka nang Pilipinas?

Francine: as if naman makakapunta ako.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon