Dahil masaya kahapon si Author eto na ang maikli kong update😂.
************
Francine: hello ate Celine!Celine: kamusta kana Fransy?
Francine: okay kami dito ate.
Celine: buti naman kung ganoon.
Francine: ate pwede bang humingi ng pabor?
Celine: oo naman ano iyon?
Francine: kailangan kong makaluwas dyan sa Manila.
Celine: ano? Bakit?
Francine: ate please, wala akong maisip na dahilan. . .
Celine: dahilan? Bakit hindi mo sabihin kung ano talaga ang reason ng pagpunta mo dito?
Natahimik bigla si Francine sa kabilang linya.
Celine: huwag mong sabihin na may binabalak ka nanaman?
Francine: ate hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakakausap ang Gretchen na yun!
Celine: hayaan mo na ang mga pulis na humanap sa kanya.
Francine: ate hindi ako maghihintay lang dito kung alam ko naman na makakatulong ako!
Celine: anong ibig mong sabihin Fransy? May hindi ka ba sinasabi sa ate?
Francine: alam ko kung na saan siya.
Celine: totoo? Kung ganoon dapat na nating sabihin sa mga pulis.
Francine: ate hindi, gusto kong ako ang pupunta sa lugar niya.
Celine: nasisiraan kana ba? Akala mo ba ganoon lang yun kadali huh Fransy!
Francine: ate I know her weakness, I need to do this bago pa mahuli ang lahat.
Celine: pero. . .
Francine: ate kung hindi mo ako matutulungan, please huwag mo na lang sasabihin ang mga ito kina mommy.
Natahimik lamang si Celine sa kabilang linya.
Francine: ate please sana hindi makalabas na alam ko kung nasaan siya.
Celine: alam mong Mali ito.
Francine: ate kaya ko ito.
Tumahimik panandalian si Celine.
Celine: tatawag ako dyan pagnakaisip na ako ng idadahilan ko.
Francine: tutulungan mo ako?
Celine: oo, kahit alam ko na maaari tayong mapahamak, alam mo naman na hindi kita matitiis.
Francine: then thank you ate Celine.
And after that day na nag usap sila agad na nakaisip si Celine ng maaaring maging rason nila.
Athena: alam mo kung hindi ko lang talaga mahal yang si Celine hindi kita papayagan.
Francine: mom grabe ka naman kasi 1 week lang akong mawawala.
Athena: anak napaka tagal nun and the worst is sa Manila ka pupunta.
Francine: mom kina mamita ako pupunta wala pong mangyayari, swear!
Athena: may magagawa pa ba ako?
Francine: yiiieehhhh, thanks mom, I'll be okay.
At humalik siya sa pisngi ni Athena.
Kenjie: huwag magpapagabi sa kahit na saang daan!
Francine: I will dad! Aalis na po ako!
Humalik din kay Kenjie.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*
Random"This is the story about happiness How far someone go to get it, And how far we went to get it back." Si Athena na isang Salman at si Kenjie na isa namang Delos Reyes mga puso nila'y pagbibigkisin. Hindi nagkamali si kupido sa pinakawalan niyang pa...