Chapter 76

532 23 20
                                    


Ilang buwan na ang lumipas, hindi na muling dumalaw si Francine. Madalas paring kulitin ni Rosana ang kanyang anak at apo kung bakit naging ganoon ang pangyayari sa pagitan nilang mag ina ngunit wala siyang nakuhang sagot sa mga ito.

Stella: congratulations pwede niyo na siyang iuwi, pero kailangan niya parin ng nurse na mag aalaga sa kanya.

Athena: hindi ba pwedeng ako na lang?

Rosana: anak medyo malaki na yang tiyan mo dapat nagpapahinga kana.

Stella: tama si tita, yung nurse Saturday and Sunday lang siya pupunta sa bahay niyo para icheck kung may pagbabago sa kilos ni Kenjie.

Rosana: yun naman pala, ikaw parin ang doctor ng asawa mo.

Natawa lamang sila, ilang minuto lamang ay naayos na nila ang mga gamit at nag aabang na lamang sila kung pwede na silang umalis.

Athena: babe uuwi na tayo, malapit na ring umuwi si Jk magaling na raw siya sabi ni Karyll.

Ngumiti ng bahagya si Kenjie Tanda na natutuwa siya dahil sa nalaman niya.

Ilang minuto pa ay naayos na ang mga dapat ayusin sa Hospital.

*Sa labas ng Hospital*

Nang makapasok na sa Kotse sina Rosana at Kenjie.

Athena: thank you Stella!

Stella: basta para sa inyong dalawa.

Athena: hindi kana ba sasama sa amin?

Stella: hindi na alam ko naman na nandoon ka para alagaan ang asawa mo chaka nandoon din ang munti mong doktora!

Nakangiti na sambit ni Stella, pilit naman ngumiti si Athena ng marealize kung  sino ang tinutukoy ni Stella.

Stella: Hanggang ngayon ba naman Athena?

Athena: sige na mauna na kami.

Tatalikod na sana ito ngunit pinigilan siya ni Stella.

Stella: Athena bigyan mo ng chance ang anak mo, patawarin mo siya.

Athena: hindi ganoon kadali yun Stella pero susubukan kong maging okay kami alang alang na lamang sa pamilya namin.

Stella: umaasa parin ako na babalik sa dati ang samahan niyong mag ina.

Sa huli niyakap na lamang nila ang isa't isa at tuluyan ng nagpaalam.

*************

Makikita sa mga mata ni Kenjie ang saya ng muling makatapak sa bahay na minsan ay pinangarap lamang niyang matirhan nila. Bumalik sila sa pinagawang bahay ni Kenjie dahil umaasa sila na doon ay makapagsisimula sila ng tahimik.

Maayos ang lahat tahimik man ang bahay ay pilit parin na nilagyan ng ingay.

Rosana: Tara na at kumain.

Athena: babe halika na?

Inalalayan niya si Kenjie na maupo sa upuan.

Rosana: manang na saan nga pala si Francine?

Manang: nasa kwarto niya.

Nakikinig lang naman si Athena habang busy sa pagkain ng nakahain na adobo sa harap nila.

Rosana: aba Bakit hindi pa siya bumaba?

Manang: naku hindi raw siya nagugutom.

Napadako naman ang matanda sa pwesto ni Athena.

Manang: tama nga si Francine magugustuhan mo yang adobo na manok pagtuyo.

Natigilan sa pagkain si Athena at tumingin sa babae.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon