Epilogue✓

664 20 26
                                    


"Mabuhay ang bagong kasal!"

Masayang sigaw ng mga tao, habang nagsasaboy ng talulot ng bulaklak, kanya kanyang kuha ng litrato malapit man na kapamilya o hindi at nang makalabas ng simbahan muling ginawaran ng groom ang kanyang bride ng napakatamis na halik.

Dumating ang puting kotse na may napakagarbong dekorasyon. Nang tuluyan ng makaalis ang bagong kasal unti-unting nag-alisan ang mga tao upang magtungo sa resepsyon.

***************

Bakas sa mukha Ng mga naroon Ang saya.

Habang sa garden...

"Halika na sa loob" aya ni Gretchen.

"Dito muna po ako"maikli namang sambit ni Francine.

"Bakit parang hindi ka masaya dyan huh Francine!?" Tanong ni Gretchen.

Nakatitig lamang si Francine sa bagong kasal na masayang kumakain sa solo nilang mesa na puno ng masasarap na pagkain, tanaw na tanaw niya dahil glass wall lamang ang nakapagitan sa Garden at sa mismong resepsyon.

"Hindi ka ba masaya para sa kanya?" Muling tanong ni Gretchen at mas lumapit pa kay Francine.

"Malaking pagbabago dahil kinasal na siya, yun ang nakakalungkot tita..." Napayukong sagot Naman ni Francine.

"Bubuo na siya Ng bagong pamilya niya tita. . ."dugtong pa nito at tila nagtutubig na Ang kanyang mga mata.

"Pamilya Niya pa rin naman kayo, ayaw mo nun may bagong part Ng family" sambit ni Gretchen upang mapagaan ang loob ni Francine.

Sa pag-uusap nila ay may umakbay sa kanilang dalawa.

"Anong pinag-uusapan niyong magtita at napaka seryoso niyo?" Usisa ng babae habang nasa pagitan nina Francine at Gretchen Ang ulo nito.

"Hay naku Athena kausapin mo yang anak mo, nalulungkot" Sagot ni Gretchen bago tumayo at pinaupo si Athena sa upuan.

Agad namang napansin ni Athena ang naiiyak na niyang anak.

"Ayos ka Lang ba anak?" Panimula ni Athena.

Napatingin naman si Francine Ng masama kay Gretchen.

"Ooppss. . .Kukuha lang ako ng maiinom huh Athena" paalam ni Gretchen.

"Sige" maikling sagot ni Athena bago muling ibinaling sa anak ang tingin.

"Mommy wala po ito, don't worry about me napuwing lang po ako, just go inside they need you there." palusot ni Francine saka umayos ng upo.

"Dahil ba sa kasal ng Ate Celine mo?"

Yumuko lamang siya sa tanong na iyon ng kanyang Ina.

"Anak, huwag kang malungkot dahil wala namang magbabago eh, ayaw mo nun may bagong member sa family natin" pagpapagaan ni Athena sa loob ng kanyang anak.

Hindi parin kumibo si Francine.

Napangiti na lamang si Athena at hinawakan sa baba ang kanyang anak upang maiharap ito sa kanya.

"Ayaw mo ba si kuya Kleo mo para Kay Celine? Eh diba ikaw pa naging tulay kaya sila nagkatuluyan?" Tanong nito Kay Fransy.

"Kuya Kleo is a nice man" maikling sagot ni Francine.

Hindi nila alam ay napansin sila ni Celine na tila masinsinan sa pag uusap.

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon