Chapter 2: The Deal

722 37 0
                                    


Nanatili nga si Athena sa bahay ng Delos Reyes, madalas silang Nasa sala at garden tuwing umaga para mag-aral, at tuwing gabi nag momovie marathon.

Habang busy sa panonood si Athena naramdaman niya ang pag hawak ni Kenjie sa kanyang kamay.

"Do I have a chance?"tanong ni Kenjie ng Hindi tumitingin Kay Athena.

Napabuntong hininga lang naman si Athena bago pabalik na tanongin ang binata "Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko noon?"

Hindi nakakibo si Kenjie at tinutok lang ang kanyang pansin sa pinanonood nila.

"Siguro naiisip mo lang Ito dahil gusto mong pasayahin ang mommy mo, tulad mo nalilito pa ako." Sambit muli ni athena.

Bahagyang nagulat si Kenjie sa mga sinabing iyon ni Athena.

"Ibig sabihin?"

"Oo na kung ano man iniisip mo Yun na Yun!" Natatawang turan ni Athena. "Umabot na nga sa punto na iniimagine ko na ang sarili ko na ako ang magiging bride mo." Dugtong pa ng dalaga.

"Ganoon naman pala, pero bakit Pilit mong pinipigilan? Ayaw mo ba na maging masaya tayo?" Tanong ni Kenjie at hinarap na nang tuluyan si Athena.

"Gusto Kong maging masaya tayo, pero kenjie bata pa tayo, I am not sure kung talagang pagmamahal ba Ito o Hindi." Paliwanag ni Athena.

"Let's try! Para Malaman, Kailangan nating sumugal." Muling pagkumbinsi ni Kenjie kay Athena.

Umiling lang naman ang dalaga "Yes your right, pero huwag tayong sumugal sa paraang alam natin na magiging awkward ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kenjie ng may pagtataka.

"let's have a deal!"magiliw na sambit ni Athena.

"deal!? Tsk. . . Ano Ito laro ,?"tanong ng binata bago hawakan sa kamay ang dalaga "Athena alam ko tototo itong nadarama ko."

"At ganoon din ako, pero maaalis mo ba sa akin na matakot? Ayokong sa unang pagmamahal ko ay masaktan ako." Sambit ni Athena

"eh paano kung ako na yung una't huli mong mamahalin?"

Tumingin si Athena sa pinapanood nila"at yun ang gusto kong bigyan ng linaw, magulang lang natin ang nagbigay ng bakod na tayo ang nakatadhana sa isa't Isa."sabay sambit nito.

"Gusto mo bang tanggalin na yung bakod na yun?"muling bato ng tanong ni Kenjie.

Tumingin muli si Athena kay Kenjie ng seryoso "Kung tayo talaga ang para sa isa't Isa kahit mawala ang bakod na iyon, at magkaroon ng daan ang iba upang makapasok sa buhay natin pagbibigkisin at pagbibigkisin parin tayo ng tadhana."

"Ano ang gusto mong gawin natin?"nag aalangan na tanong ni Kenjie.

Huminga muna ng malalim si Athena "After ng High school besides next school year 4th year na tayo . .."

"then Ano?" Pagpuputol ni Kenjie sa sinasabi ni Athena.

"mag-aral ka sa States."mabilis na sambit ni Athena na siyang ikinabigla ng binata.

"Sa states? for my college? Seryoso ka ba?" Sunod sunod na tanong ni Kenjie

Tumango si Athena "Oo, Ayaw mo?"

Everlasting Love (CharDawn) *Still Editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon