I wiped my sweaty hands on the bottom of my dress. Taking deep breaths, I concentrated on the task at hand - getting my make up on by my one and only bestfriend. Yes, ganito ako palagi. Kabado. Hindi ko nga alam kung bakit - boyfriend ko naman ang kadate ko. Pero bakit ganun? Palagi akong kinakabahan. Na para bang may magagawa akong nakaka turn off na pwedeng kahantungan ng breakup namin.
Insecurity. Oo, katulad ng iba meron din ako niyan - pilit tinatanggal pero palaging bumabalik.
Pano ba naman, kung boyfriend mo ay isa sa pinaka well-sought lawyers dito, sino ba naman hindi maiinsecure? Ang dami kasing mga babaeng nagkakagusto sakanya. Pero ganun pa man, may tiwala parin ako. Tiwala na hindi niya ako pagpapalit sa iba.
"BES!" Nagulat ako sa sigaw ng bestfriend - slash - sister from another mother ko. "Huy!" Pinitik niya ang daliri niya with perfectly manicured nails sa harap ko. "Anyare, te?"
"Huh? Ahh, wala wala." Sumilip ako sakanya, opening my right eye a little. "Pwede na ba ako tumingin?"
"Helloo, kanina pa kaya ako nagsasabing pwede na. Eh ikaw naman yung walang response." Tinignan ako ni Nina at sabay umiling iling. Her long brown soft curls following her every move. This is Nina - Pranka pero supermodel ang dating. Yes, pag dating kay Nina, no filter needed - in picture and in words. Siya yung tipong palaging pinagtitinginan sa labas. Matangkad, sexy, maganda at maputi - perfect sa paningin.
Usually pag may nangyayari sa paligid, pag may events o away dyan sa tabi tabi, ako ang humaharap. I'm the expert in calming the crowd and showing a poker face in spite of disaster brewing. Ang tawag nga nila sakin poker queen.
Pero Nina and I know best.
Sa likod ng calm smile ko is a woman doubting her steps.
I'm Angel Marie Fueco, 23 years old, daughter ng isang co-owner ng Tres Delicieux, a French restaurant which means "Very Delicious" here in the Philippines. Natural lang din na dito na ako nagtrabaho simula pag graduate ko from college. I graduated in one of the top schools here with a course AB in Literature. Nagkaroon pa nga ng gera nung sinabi ko kay Papa na yun ang gusto kong course. Mahilig kasi ako magsulat, dream ko talaga maging writer.
But when you're one of the daughters na mag hahalili ng restaurant, you're expected to follow the steps of your parents. Katulad ni Nina. Kinuha niyang course is HRIM para related sa restaurant. Despite of this, willing naman ako matuto from the kitchen. Kahit iba course ko, nagpapaturo ako sa mga chef and waitress kung paano ihandle ang mga bagay bagay.
And eventually,
Nakita ng papa ko ang effort ko from this and yes pumayag na siya ipursue ang course ko for writing. As of right now, nag-iintern kami ni Nina sa restaurant - learning the ropes of the business kumbaga.
Nagsmile ako kay Nina at tumingin sa salamin. Looking in front of me is an elegant woman. Yung brown curls ko na abot shoulders ay nakacurled perfectly compared sa natural frizzy curls. My face is painted in a subtle and simple nude makeup para fresh na fresh ang mukha. I'm wearing simple but elegant pieces of jewelry in my ears and hands - pearl beads. My maroon off shoulder fitted dress which hits a few inches above my knees, showed my curves sexily.
All in all, this is a new me. Hindi kasi ako yung tipong fashionista. Ang nasa isip ko palagi is comfort above everything else kaya nga puro pants and shirt lang ang nasa closet ko.
"Wow Nee!" Ang sabi ko kay Nina. Tumingin ako sakanya at yinakap siya. "Sobrang thank you dahil may kikay akong friend na katulad mo!"
"Ano ka ba? Wala yun noh!" Tinignan niya ako from head to toe at tumango na para bang judge sa isang TV Show. "Ready ka na, wait anong.."
Ding. Ding.
Naputol ang sabi niya sa doorbell ng apartment ko.
"OMG! Andyan na ata siya?" Ang sabi ko.
"Yes! Buksan mo na dali!" Tinulak ako ni Nina sa may pinto at binuksan nito.
Bumungad ang malaking bouquet of roses na hawak ng pinakagwapong lalaki para sakin.
Gerard Kristoff Pineda.
His hair was swept neatly with wax/gel na bagay sa black suit niya. He paired it off with a brown pair of leather shoes plus elegant watch.
"WAAAW, gwapo ahh!" Ang sabi ni Nina. "Teka teka, picture muna kayo." Tinulak kami ni Nina ng malapit at pinicturan. Sabay tinulak palabas ng apartment. "O ayan, alis na kayo baka hindi niyo abutan ang mga reservations." Pumunta siya sa harap ni Gerard at sinabing, "Ibalik mo yung best friend ko ng buhay ah!" na siya namang ikinatawa ni Gerard. Alam niya na kasi ugali ni Nina. Mas overprotective pa nga tong bestfriend ko kesa sa boyfriend ko.
"Grabe Nina!" Ang gulat kong sabi sakanya. Si Nina talaga, ang isip ko sabay iniiling ang aking ulo. Hinawakan ko ang braso ni Gerard at hinatak siya palabas, away from Nina. Baka kasi kung ano pang masabi ni niya.
"STAY SAFE HA!" Ang pahabol na sabi niya.
Tumingin ako sakanya ng pagulat at sabay umiling ulit.
"Hahahaha." Narinig ko ang cute na pagtawa ni Gerard.
"Bakit?"
"Ang cute niyong dalawa. Wag ka magalala, love. Okay lang naman sakin, sanay na rin ako kay Nina." Yinakap niya ko sideways at ever gentlemanly, binuksan ang pinto for me.
"Thanks."
"Kahit ano basta sayo, love." Pumunta siya sa driver's seat at tumingin sakin, nagsmile bago stinart ang kotse.
"So, saan ba tayo?"
"Basta, love. Perfect place para sana sa perfect night."
"Huh, bakit may sana?"
"You'll know later, love." And he smiled very gently. The kind of smile na liliwanag ang mundo mo.
And yes, that night was a surprise.
A very good one.
He asked me to marry him on our second year anniversary.
Little did I know, he's good at surprises. Yung tipong mapapa-nganga ka sa gulat. Life-changing and will surely rock your world.
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...