Kabanata 2

2.6K 44 15
                                    

Okay, Gel. Stop focusing on Nina for a while. Yes, I care for her and I want the best for her. Gusto ko na may lalaking magpapabago sa tingin niya sa relationship. Na sana may isang guy na magbibigay sa kanya ng enough to make her commit - yung parang saamin ni Gerard. I want that for her. And one of these days, iseset up ko siya with someone. Maybe kawork ni Gerard or basta maghahanap ako ng businessman or careerman para idate niya. Yes, kelangan ko na siguro maging match maker para kay Nina.

Pero for now, focus muna ako sa surprise ko. Palagi nalang kasi si Gerard ang nagsusurprise. Well, dapat ako naman. For our last anniversary, sinurprise niya ko nung dinala niya ako sa Tagaytay for a picnic na sobrang ganda ng setup. Romantic lights were lit all over the space tapos may tent and ready made food sa gitna. Meron din siyang hinire na mga musicians to play for our dinner. The best thing was when he proposed to me.

Tandang tanda ko pa ang panginginig ng kamay ko habang tumutulo ang tears of joy sa mukha ko. Yes I still remember that day. The most unforgettable day of my life and hopefully not the last with Gerard. And after, we watched a dozen of romantic/ horror and comedy films throughout the night hanggang nag umaga na. We didn't consummate anything. I believe in sex before marriage kasi. Mas worth it kasi pag nagintay ka sa ganun. No need to rush anything.

O ayan. Andito na ako sa may condo niya. Nagpark ako sa may Mcdo kasi per condo ang parking dito, for sure hindi ako makakapasok if duon pa ako magpapark. Hindi din naman madami ang mga tao na walang parking sa paligid kaya eto dito muna ako. Linabas ko ang mga kargamento kong medyo mahirap pala bitbitin ng sabay sabay. Kinuha ko muna ang susi sa condo niya at linagay sa bulsa ko for safe keeping. And yes, nag exchange na kami keys. Naisip kasi naming dalawa na hindi pa time for living in together. Gusto namin na after marriage saka kami mag shshare ng Bahay. And according to him, pag pareho kami ng Bahay ay baka hindi siya makapagpigil. Sabi niya na kahit nagpromise siya na after marriage ay lalaki parin naman daw siya.

Kilala narin ako ng mga guards kasi palagi naman ako nasa condo niya kaya hindi na ako tinatanong sa concierge at diretsyo na sa elevator. Pinindot ko ang 16th floor at inintay ang mabagal na pag akyat nito. Kinakabahan ako para bang masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Andito nanaman ba ang insecurity ko? Nope. Not today.

Deep breaths Angel. Kaya mo to.

Lumuwag ang isip ko na siya namang sinabayan ng ding ng elevator. Eto na, 1610 ang condo niya. Nagintay ako sa labas at inikot ng dahan dahan ang susi para hindi niya marinig. Dahan dahan kong binuksan ang pinto kahit struggle na pumasok sa condo niya dahil sa mga bitbit ko. Ilalapag ko sana ang cake pero naisipan ko na wag nalang. Mas effective kasi kung itutuloy ko na at walang paputol putol baka biglang lumabas pa siya at masira pa ang surprise ko sa kanya.

Nakapatay ang ilaw sa harap, baka nasa kwarto siya natutulog? Okay kung ganun kasi pwede pa ako magluto para sakanya. Napagod kasi siguro siya sa last case na inasikaso niya. Lately kasi sobrang busy, palaging cancel dito, cancel duon.

"Waaah, babe ano ba!"

Nagulat ako sa sigaw ng isang babae na siya namang ikina- laglag ng susi na dala ko. Ano yun? Ibang apartment ba napasukan ko? O baka may pinaovernight nanaman si Gee na kaibigan niya at nagdala yun ng babae?

Babe?

Yung boses pa, parang ang familiar.

No, hindi pwede.

Pinulot ko ang susi at huminga ng malalim. Wala lang to. Baka umalis si Gerard at pinahiram ang condo niya. Yes, pwede yun mangyari.

Ayoko, ayoko isipin na may babae siya.

Hindi. Wag si Gerard.

Pero imbis na umalis ako ay pinilit ko harapin ang problema. Pumunta ako sa may bedroom kung saan ko narinig ang sigaw. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ang bumungad sakin ang hinding hindi ko makakalimutan.

At siguro magiiwan ng malaking pagbabago sa buong buhay ko.

May babaeng nakatalikod at nakapatong kay Gerard. Hindi ko pa masyado makita ang mukha niya dahil tinatakpan ng magulong buhok niya ang likod niya. By now, hindi pa nila ako napapansin kasi naghalikan na ulit sila.

"Babe..." Ang sabi ko ng mahina para matigil sila sa ginagawa nila.

Para bang may nagpause saka biglang napatigil at napaupo ang babae ng straight. Isa, dalawa, at tatlong segundo pa bago nagsink in sakanila na andito ako sa kwarto. Sabay silang napatalon at nagulat nanaman ako sa nakita ko.

Humarap saakin ang babae at ang bumungad sa harap ko ay ang gulat na mukha ni Nina.

Nina Mae Zaldueco. Yung bestfriend ko.

at si

Gerard Kristoff Pineda. Yung fiancé ko.

Nasa kama - parehong nakahubad.

Tinignan ko si Gerard at sinabi ang kanina ko pang rinerehearse na salita, "surprise".

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon