Angel Marie Fueco's POV
Madilim.
Malamig.
Masakit.
Kung tatanungin ako kung ano ang nararamdaman ko ngayon, yan ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na ganito pala sumakabilang buhay. Akala ko pag tapos na ay gagaan na ang nararamdaman ko, na makakalimutan ko na ang mga nangyare sakin. At higit sa lahat ay mananahimik na ako. Pero hindi pala. Walang malaking pagbabago. Andito parin ako, nararamdaman ang sakit ng kahapon. Ang difference lang ay mas masakit kasi nararamdaman ko rin ang mga sugat sa magkabilaan kong braso, sobrang lamig at ang dilim dilim.
Ganito pala magkasala.
Kahit ano pang isipin ko na sa huli ang pagsisisi ay wala na akong magagawa dahil nangyare na, wala na akong mababago. Pero kung papapiliin ako kung maibabalik ko ang oras, ganun parin ba ang gagawin ko ay siguro sasabihin kong oo. Oo dahil nasaktan ako ng sobra. Oo dahil hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Pero ngayon madali nalang, dito nalang ako. Oo, malungkot pero atleast alam ko na hanggang dito nalang ako.
"Kamusta siya?"
"Hmmm, sa ngayon kaylangan niya magpahinga pero okay na ang.."
Mga bulong.
May narinig akong mga boses sa paligid. Huh? Pano nangyare yun? Hindi ako magisa dito? Bakit? Cinoncentrate ko ang utak ko para pakinggan pa ang mga naririnig kong salita. Masyado kasing mahina na para bang nage-echo pa sa panrinig.
"Nakuha mo ba ang impormasyon tungkol sakanya? Kung sino siya?"
Huh? Hindi ba dapat mayroon dito na automatic alam na lahat? Wala ba database si Lord? Ahh, baka naman sa impyerno ako napunta at iniintay lang nila makuha ang information ko from Heaven? Ganun ba yun? Parang library? O sa utak ko lang yun? Sabi nga nila ang mga Virgo masyadong organized? Pero pag hindi ganun, hindi ba sila malilito?
Nako, Angel. Nag ooverthink ka nanaman. Patay ka na, ganyan ka pa rin? O tignan mo, Angel ang pangalan ko pero bakit ako mapupunta sa impyerno? Ahh, kasi nga nagkasala ako. Isa sa pinaka pinagbabawal sa simbahan ang ginawa ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon nagawa eh. Bakit ba naman ako nagmamadali mamatay. Hay, ganun talaga.
"Hindi." Ang sabi ko sa sarili ko.
"Ano?"
"Gising na siya?"
Ikinagulat ko na may nagreply sa salita ko. Huh? Bakit ganun, wala naman akong makita na tao sa paligid? Ang dilim parin. Siguro dapat tanungin ko kung sino sila.
"Umm, w-w-who's there?" Ang tanong ko. Ano ba ito bakit ba ako nau-utal? Syempre natatakot ako magtanong ng pabalagbag kasi baka diretsyo impyerno na ako nito. Hmm, walang sumasagot. Baka siguro kaylangan ko ulitin, in Tagalog na siguro. "Erm, Sino po sila....po?"
Shems naman Angel. Bakit naman para kang tanga, dalawang po pa. Ano to popo? Hay naman. Baka mamaya ang sabihin nila ang tanga nito idiretsyo na sa impyerno. Sige hinga malalim, Angel. Kaya natin to. Hintayin lang natin sila sumagot.
Isang eternity na ata ang nakalipas ng may narinig ako na nagusap. Syempre hindi naman siguro eternity, medyo oa lang talaga ako at wala ako orasan dito sa outer space. Yes, outer space kasi ang dilim pero this one, walang stars dahil ako yung star. Charot. SHHH. Weird na utak ko, please please pleaaase, wag ka na magiisip nang kung ano ano. Baka nakakabasa sila ng thoughts. Kalma. Yes, kalma ka lang girl at pakinggan mo sila. Hmm.
".......vital signs niya, okay na. Thanks to the blood transfusion.."
Blood transfusion? Huh? Baka nasa hospital scenario ako?
"I-hold mo muna ang pagcontact sa mga kakilala niya, kelangan muna natin malaman from her directly kung ano nangyare at baka inaapi na siya duon..."
Huuuh? Ano daw? Bakit nila kokontakin ang mga kakilala ko? Makisingit na nga, "Hello?"
Isang mahabang oras ang lumipas bago sila sumagot. Pero joke lang, mga isang minuto ata, basta wala ako orasan.
"Miss.."
Isang lalaking boses ang narinig ko. Deep, chocolate-y baritone ang labas ng boses nito, followed by a more calmer voice.
"Miss, pag ready ka na, you can open your eyes."
Eto kalmado at nakakarelax, pero kung papapiliin ako, mas gusto ko yung una. Hindi ko alam pero parang may authority na ang sexy sexy ng boses niya.
"Miss..."
Inulit ni sexy voice. Yes, sige go. Ulitin mo pa.
"Buksan mo na ang mga mata mo."
And just like that para akong naka in trance. Sinunod ko ang boses at onti onting binuksan ang mabigat kong mata - mahirap, dahan dahan pero para akong naliwanagan. Puting puti ang nasinagan ng mga mata ko parang light outside the tunnel - nakakasilaw at napaka warm pero gusto ko parin yakapin. Heaven na ba ito?
Nang maliwanagan ang mga mata ko, isang mukha ng lalaki ang bumungad saakin - rugged na clean ang mukha niya. Kitang kita ang prominent jawline niya na nagpasexy sa mukha niya. Equipped ng matangos na ilong, long lashes at chocolate dark eyes, para siyang galing sa magazine. Tall, dark and handsome. Napatitig ako ng matagal, inaabsorb ang kagwapuhan niya.
"Ano pangalan mo?"
Oh my gosh. Hindi ko alam na pwede pa pala magpagwapo ang boses.
"Erm, umm, Angel...."
"Angel?"
"Angel Gabriel, is that you?"
Yes, Angel Marie Fueco everyone.
![](https://img.wattpad.com/cover/162889333-288-k573996.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...