Kabanata 14

2K 42 1
                                    


Huh?

Ano daw?

Siguro ngayon kasing laki na ng bola ang bibig ko sa gulat. Ano daw? Tutulungan niya ako? Saan? Hindi naman niya ako kilala para gawin yun. Tsaka sino ba siya? Sa dami kong tanong ay isa lang ang nabanggit ko. "Ano, pake ulit?"

Medyo lumaki mata niya sabay tumawa. "Hahahahahahaha grabe, iba ka talaga." Sira ulo, ba ito? Nagtatanong ng maayos ang tao eh.  Sinandal niya ang likod niya sa upuan, nagcross legs at dinugtong ang mga kamay. Pinagmasdan niya ang nagkukunot kong noo at tumigil sa pagtawa. Napansin niya yata na naiinis na ako. 

"Ano nangyari sayo?" Ang tanong niya. Naging seryoso siya bigla na para bang ibang tao ang nasa harap ko. Ibang iba ang paglolokong mukha niya sa pagiging seryoso. Nakakatuwa na nakakainis pag tumatawa pero ngayon, ngayon nakakatakot siya tignan - nakakaintimidate. Yung tipong ayaw mo makabangga. 

"A-ano?" 

"Ano nangyari sayo kaya mo nagawang saktan ang sarili mo?" Inulit niya ang tanong pero this time mas klaro, mas straight to the point at mas ayokong sagutin.

Hindi ko siya kilala. Hindi naman normal na mag open up ka sa taong kaka kilala mo lang. Lalo na sa mga personal na bagay. Kaya ginawa ko ang classic Angel move - i-avoid kung ano man ang ayoko sagutin. Yes, change of topic. 

"Ha? Wala yun. Uhmm, may tubig ba dyan? Kanina pa kasi ako nauuhaw eh." Ayun, sigurado naman na mas priority niya ang health ko kaysa sa question niya, diba? 

Tumayo siya at pumunta sa may desk sa sulok kung saan, ngayon ko lang nakita, ay mayroong pitsil ng tubig at mga baso. Binuhos niya ang tubig sa isang baso at binigay saakin ang tubig ng dahan dahan para hindi matapon. Kinuha ko ito at nagpasalamat. Nang matapos ako uminom ay akala ko hindi niya na ako tatanungin ulit pero naunahan niya ako magsalita. 

"Sasagutin mo ba yung tanong ko?" 

Malamang hindi pero ayoko naman maging rude para sabihin yun kaya ang nasabi ko nalang ay, "Uhmm, nasan si David?" Yes, ang galing ko talaga noh? Hindi ako makaisip ng maayos na topic kasi nagulat ako sa tanong niya. 

"Tatawagan ko na ba si Ernesto Fueco para malaman niya na nasa ospital ang anak niya?"

Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Nickko. Tatawagan niya si papa. Hindi pwede. Walang dapat makaalam ng nagawa ko. Lalo na ang papa ko na nadepress ng nawala si mama. At mas lalong ayoko malaman nila Nina, baka tawanan lang nila ako. 

Tinignan ko si Nickko. Paano niya nalaman kung sino si Papa?

"Pano mo.."

"...Nalaman kung sino Papa mo at kung ano contact details niya?" Bago ko pa natapos ang tanong ko ay siya na ang nagbuo nito. Ngumiti siya sakin, yung ngiting parang siya ang predator at ako ang prey - nakakakaba. "We have our ways." 

We have our ways?!

"Pero don't worry Angel, dear. I'm your guardian angel now. I won't harm you." Ngumiti siya sakin at sumandal sa upuan niya. Sobrang sigurado siya sa sarili niya na parang nagjojoke lang siya. Pero syempre may feel ako na hindi yun joke - na si Nickko yung tipong tao na seseryosohin kung ano man ang sinasabi niya. 

Lumipas ang mga ilang minuto na nagiisip ako kung ano ba ang gagawin ko. Kung magtitiwala ba ako sa isang stranger - a dangerously mysterious handsome one. Inintay niya naman ako habang nagkakaroon ako ng debate sa utak ko which I'm really thankful for. At the end, napagisip isip ko na wala naman mawawala saakin kung tatanggapin ko ang tulong niya. Tutal wala narin naman mawawala saakin, as long as hindi ko ibibigay ang buong tiwala ko sakanya ay okay lang. Kung ang matagal ko na ngang naging kaibigan linoko ako, ano naman ang mawawala saakin kung tatanggapin ko ang tulong ni Nickko. 

"Linoko nila ako..." Kaya ayun, nagsimula sa bulong ang pagkwento ko sakanya. Habang nagsasalita ako ay nakikinig lang si Nickko. Walang interruptions, puro ako lang ang nagsasalita at habang nagkikwento ako ay nakatitig lang siya sakin. Occasionally  ay nakikita ko ang kamay niya na humihigpit ang hawak sa upuan na para bang nagpipigil siya ng galit. Napatawa na lang ako sa loob dahil kahit hindi niya ako kilala ay nararamdaman niya ang sakit na naranasan ko. 

"Kaya eto, nandito ako because I'm weak. I'm weak to face the consequences of their actions." Tinapos ko ang kwento ko by saying the things na nagpush saakin para magpakamatay kasi behind the pain of their betrayal, the one thing I'm most afraid of facing is the consequence. Yung hiya na mararanasan ko pag nalaman na ng mga tao na wala na kami  - wala ng engagement. Pinagpalit ako sa iba, na I'm not good enough. 

"You're not alone anymore." 

Yung sagot ni Nickko made me burst to tears at ang warm embrace niya saakin just confirmed na I'm not really alone, atleast for now. His muscular arms caging me and his warm chest that my head is leaning at makes me feel safe. 

Safe.



✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon