Kabanata 20

1.8K 33 2
                                    

I think it's safe to say na sanay na ako sa surprises so this one doesn't surprise me as much - if ever magkakilala si Nina at Nickko. Mas na surprise pa nga ako na andito si Nic since I really thought na hindi na kami maguusap. Although, ang awkward lang kasi pabalik balik si Nina ng tingin samin. Kasama din namin sa audience ang mga tauhan sa resto habang kami naman ay nakatingin sa isa't isa, not minding Nina at all. Well,  ako hindi ko na pinansin si Nina. I don't know about him.

But I'm so mesmerized by this man. 

He's in a crisp black suit with a red necktie which makes him look 10x classier.  Sobrang nakatulong din ang swept hair niya para sa look.  And imagine this handsome bachelor holding a bouquet of roses and sunflowers while looking at you.  At ngayon ko rin lang nakita ang cute dimples niya pag smile niya, tamang combination lang ng ruggedness and cuteness. 

Natigil lang ang staring session namin ng dumating si papa. "Kilala mo siya Ang?"

"U-uhm.."

"Yes sir.  Magkakilala po kami ni Angel." Ngumiti siya kay papa sabay inextend ang kamay at nagpakilala,  "Ako nga pala si Nickko Romano."

Kumunot ang noo ni papa at tinignan si Nic from head to toe. Pagkatapos ay tinitigan niya si Nic ng matagal na hindi tinatanggap ang kamay nito. 

And this is where I butt in.  Syempre ayoko naman malagay sa hot water si Nickko.  "Magkakilala kami,  dad." Ang sabi ko.

"We already established that.  Pero ano ang pakay niya dito at may kasama pang bulaklak?" kumunot ang noo niya at tinignan ako,  "May kaylangan ba kaming malaman?"

Classic Dad intimidation move. 

Alam ko na style niya dahil parehong pareho ang ginawa niya noon kay Gerard pero syempre this time it's different, mas prepared na ako.  Plus,  hindi ko alam kung seryoso ba si Nic but I still need to save his ass on this one. 

"Ano kasi dad.."

"Sir,  mawalang galang na po.  Pasensya na naka abala ako ngayon pero gusto ko po sana manligaw sa anak niyo?"

"manligaw?!" Nagulat kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Nina.  Napatingin kami sa kumukunot na mukha niya.

Tumingin siya kay Nic na para bang nanghihingi ng explanation pero imbis na sagutin siya ni Nic ay binalewala niya ito. Pumunta saakin at ngumiti sabay abot sa bulaklak na syempre hindi ko nakuha dahil humarang si papa. 

Sigh. Parentals.

"Pa... "

"Nina,  kilala mo to?" Hindi niya ako pinansin at lumingon kay Nina.  Well,  curious din ako sa sasabihin niya. Lahat kami ay tumingin kay Nina. 

"H-h-ha? Uhm.." Tumingin siya kay Nic muna bago saamin tapos sa sahig.  Mga ilang segundo pa ay inangat niya ang nanlilisik na mata papunta saakin. "Ahh,  hindi ho Papa..." ang simula niya sabay ngiti,  "Kasi po nagulat lang ako kasi kakahiwalay lang ni Angel may kalandian agad.  Makes me think kung totoo ang pinagkakalat niya."

Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Nina.  At surely, pati si papa naiinis. Ay hindi lang pala kami,  halos lahat kasi pati empleyado at si Nic nag iba mukha.

"With all due respect.." Ang simula ni Nickko pero tinigil ko siya.  This is my fight.  Hindi ko kaylangan ng iba para ipagtanggol ako. 

"At ano naman ang pinagkakalat ko, Nina?"

"Let's just say may proweba na para malaman kung sino ang unang nag landi kaya ka walang fiance ngayon. Tinignan niya si Nic from head to toe sabay tingin sakin.

"Nina... " Simula ni Papa and again,  I stopped him. 

"Big accusations coming from you, Nina. Alam naman natin kung ano talaga ang nangyari and besides single naman ako ngayon so ano bang problema na mag entertain ng manliligaw." Nagkaroon kami ng staring session for about a minute.  Hindi rin masira ang silence sa buong restaurant kasi lahat ng empleyado ay naka concentrate saamin. "Oh,  and I'm not the proven serial liar here." ang sabi ko sabay hatak sa nakangiting Nic palabas ng restaurant.

And yes,  I just fueled the war between us at kung akala niya uurungan ko siya then she's dead wrong. 

But first,  harapin ko muna itong kryptonite ng mga mata ko. 

At naka smile siya with all his dimples and everything.. just great.  Paano ako magagalit nito?

"So,  ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon