I stood outside of what I used to call home with shaky hands. Twirling the familiar key on my right hand seemed very nostalgic.
I've been here before. Everyday for two decades of my life. Dito ako lumaki. Alam ko ang bawat sulok, bawat uka at bawat gamit dito sa bahay na ito. But standing here makes me feel like a complete stranger - like I'm an outsider.
Nakapatay na ang mga ilaw sa bahay nung ihatid ako ni Nic. He was very confused but at the same time he understood. Naintindihan niya na hindi pa ako ready magsalita at magopen up sa nangyari. I know at some point ikkwento ko sakanya. Pero sa ngayon, all I need is clarification. How can a complete diva look exactly the same as my gentle caring mother?
May hindi ba ako nalalaman? Is this why I never knew my mother's family side? Am I related to the woman I saw earlier? Ang daming tanong at isa lang ang alam kong makakasagot.
My dad.
So even though, I just want to lay on my bed and think about how I miss my mother. I mustered up my courage, inhaled a mouthful of air to calm my nerves and walked in. Dahil kabisado ko ang bahay ay diretsyo ko binuksan ang mga ilaw. Everything looks the same. Knowing my dad, he kept where everything as is to preserve my mother's memories. And even Nina's parents did not change a thing. Yun na yung respect nila.
I was going through the pictures when I heard a click and then followed by slow footsteps. My dad is awake. Turning around, I saw my dad with disheveled hair na halatang kakagising lang wearing his pajamas and a jacket slowly walking towards me. Ngumiti siya nung nakita niya ako pero napalitan ng kunot ng noo nung napadapo na ang tingin niya sa hinahawakan ko.
Our family picture.
Lumapit siya saakin at kinuha ang frame sa kamay ko. Hinimas niya ang mukha ni mama at napangiti ng malungkot. "Walang kupas talaga ang ngiti niya, no?"
"Syempre naman, Tay. Nagawa ka ngang maghabol ng ngiti na yan eh." Ang sabi ko nang pabiro just like old times easing the pain a little.
Napatawa siya ng onti bago ibalik ang frame sa mesa. "Halika, doon tayo sa kusina magusap at para makainom naman tayo ng tsaa." Sinabi niya habang papunta sa kusina.
Pag dating doon ay pinaupo ko siya at ako nalang ang nagayos ng tea namin. "Tay, alam mo ba, sa sobrang walang nagbago dito sa bahay, pati lugar ng mga bagay bagay ay kabisado ko pa."
"Syempre. Para pag naging malimutin na ako ay alam parin ng katawan ko kung saan nakalagay ang mga gamit."
"Nako naman, tay. Matagal pa po iyon. Aabutin ka pa ng 100 years! Hahaha." Ang sabi ko ng pabiro habang linagay ang nagiinit na tsaa sa mesa, silently wishing na mayroon pa ngang 100 years more to spend on my loved one.
"Hahaha alam mo, namiss ko yang mga biro mo dito sa bahay." Ang sabi niya, he took a sip on the tea at pag lapag ay nagbago ang mukha niya. "Ano yung itatanong mo?"
And just like that. Naalala ko kung bakit ako pumunta ngayon - nagmamadali at natatakot.
"Iba ka talaga, tay. Kilalang kilala mo ako."
"Walang isang magulang ang hindi kilala ang anak nila, Angel. So?"
Tumingin ako sakanya ng ilang segundo bago tumingin sa baba at binulong ang, "Nakita ko si Mama kanina"
Pagkatapos ko sabihin yun ay tumahimik si papa. Matagal tagal din ang silence sa aming dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba sinabi ko na kamukha lang ni mama, na dapat hindi ko nalang binigla si papa?
Natigil ang aking pagiisip nung tinanong niya, "Ano itsura?"
"Si mama pero hindi siya. Yung nakita ko kanina hindi magaan ang loob ko. Pati mga ngiti niya napaka calculated. Pag gumalaw parang akala mo kaylangan siyang serbisyohan ng lahat. Pero kamukhang kamukha niya si mama. Isa lang ang tanong ko Tay, sino siya?"
"Gusto ko man sabihin sayo na buhay ang mama mo kasi nakikita ko sa mga mata mo na iyon ang gusto mo marinig. Pero hindi yun ang totoo."
"Mukhang alam mo kung sino siya, tay."
"She's your aunt."
Nagulat ako sa sinabi ni papa. Nagulat ako na kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. At most importantly, nagulat ako na may alam siya tungkol sa sikretong pamilya ni mama.
"Kapatid siya ni mama?"
Tumango siya at umiling iling. "Your mother's family is very complicated, Angel. You came from a very rich family. Napakaganda pakinggan na wala ka nang iisipin sa buhay pero my love lived in a prison. Lahat ng mga desisyon niya ay naka gwardya - very strict, very constricting. She followed the life that was planned for her until she met me. Wala lang naman ako nuon, just a regular worker trying to make ends meet but she loved me nevertheless. Everything was good, until her family knew. At first masaya ang lahat. Pero dumating duon sa punto na lumabas ang katotohanan. They hated me because they didn't believe I can give her a good life. In the end, itinakwil siya ng pamilya na iyon. Sinalo ko siya and we did our best to give you a good life." Napangiti siya at tumingin sakin ernestly.
I was speechless, trying to process everything out. I have a family beyond what I have now. Pamilya na pwede ako itakwil dahil sa hindi nila pagsangayon sa pagmamahalan ng mga magulang ko.
"I feel like we gave you a good life, Angel."
I thought of everything I experienced til now. Yung mga saya at hirap na naranasan ko kasabay sila. "Yes you both did. Pero Papa, may pinagsisisihan ka ba sa nangyari?"
Napangiti siya at sinabing, "I regret the time I wasted with her - yung mga away namin, mga hindi pagpansin. Those wasted time. Kung minahal ko siya every minute of her life edi sana we spent a lot of time together."
He smiled lovingly and then looked at me na para bang may alam siya, "Kaya anak, always remember, every minute you waste drowned in your thoughts about choosing who or what you want, is a minute you'll regret taking chances in."And that advice changed everything for me. My choice became clear, lahat ng dumi at doubts sa utak ko ay nabura.
I want Nickko Romano - not as a fake boyfriend, but a real one.
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...