"So talaga bang hindi mo ako papansinin?"
Pang 50th na ata niyang tanong saakin yan and of course I didn't answer. Unang una, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Pangalawa, I'm in a state of shock. Gulat sa lahat ng nasabi ni Nina pero higit sa lahat gulat kasi ang galing galing talaga ng Diyos - lahat ng bagay konektado - fate.
"Alam ko na naririnig mo ako and I know you have a lot of questions..." Tumigil siya at kumaliwa papunta sa isang building. Sa kakaisip ko ay hindi ko na pala napansin kung saan kami pupunta, kung saan niya ako dadalhin.
"Asan tayo?" Ang tanong ko sakanya with my eyes matching his - the first time I looked at him on this car ride after Nina revealed the bomb.
And he noticed. Ngumiti siya ng onti at sinabi, "My condo."
Kumunot ang noo ko, "Condo mo?!"
"Yup." He said coolly na para bang walang mali sa ginagawa niya habang ako naman ay napanga nga lang. Maya maya pa ay tumingin siya saakin, "Andito na tayo."
"Huh?"
"I know you're confused and frustrated right now and I will be too if I was in your position. Kaya napagisip isip ko na anong best place para makapag-usap tayo. Syempre hindi sa public place. I was going to ask you earlier pero hindi mo ako pinansin kaya naman I decided on my own." Tinignan niya ako for a while to get my response.
Tumahimik lang ako kasi alam ko naman na tama siya. "Okay."
"Okay. Let's go?" Sumunod ako sakanya palabas ng kotse at papuntang elevator. All the while walang nagsasalita saaming dalawa kahit walang tao. Para kasing meron kaming hidden agreement na mas okay kung sa loob nalang ng bahay niya magsimula. Confrontations shouldn't be cut in the middle kasi makakapag overthink ang tao, lalo na ako.
Prone to overthinking.
I knew Nickko is rich pero iba parin talaga pag nakikita mo yung reality sa alam mo lang. The elevator hit the top floor before it opened.
Penthouse.
Nakatira siya sa isang grandeng penthouse - nothing less from Nickko Romano. Binuksan niya ang pinto at una akong pinapasok. Unang bungad palang ay makikita mo na ang pagka rich bachelor niya. Napaka neutral ng place with white, blue and black tone sa mga furnitures. Sobrang masculine ng feel at void of feminine touch ang loob ng bahay.
My eyes roamed his house. His space. Onti onti ko nang nakikita ang ugali niya by the way his house looks clean, the art pieces scattered perfectly in the walls, yung guitar na naka sabit beside a door at marami pang iba.
"Angel?"
"Huh?" Tumingin ako kay Nickko at nakitang nasa may kitchen area siya medyo malayo na kaysa sa tinatayuan ko. Namula ang pisngi ko sa hiya na baka iniisip niya na ang creepy ko, lost in my mind yet again. Nagmadali akong lumapit sakanya at tumayo beside the kitchen table, in front of him.
"Wine or water?"
Definitely wine. Kaylangan ko ng alcohol ngayon. First, to calm my nerves and second, to prepare me for what's coming next.
Tumalikod siya at kumuha ng wine sa cabinet and by the look of the glass, kitang kita na pang yamanin ang wine na meron siya. What do I know? Hindi naman ako nainom. Come to think of it, hindi pa nga ako nalalasing in all my life.
"Here." Naputol ang train of thoughts ko sa alcohol ng ibigay niya saakin yung baso.
Kinuha ko ito agad at dahil I'm a mess right now, ininom ko siya ng straight without even looking at him. Dapat ba cheers? For me at this moment, wala nang cheers cheers, I just want to know the truth. Ang katotohanan kung worth ba siya ng time ko.
"O-okay. Nauuhaw ka ba?"
"Ginagamit mo lang ba ako?"
Sabay kami nag tanong sa isa't isa. Well, ako kasi straight to the point na at mukhang gulat siya sa tanong ko. "So?"
Umuubo ubo pa siya sa na samid niyang wine kaya inintay ko muna siya matapos and just raised my eyebrow. Pagkatapos ay tumingin siya sakin and with a nod pumunta siya sa may living room at umupo. Understanding na mag oopen up na siya, umupo ako sa harap niya at nagtinginan kami.
With a sigh, he said, "Where do I start?"
"From the beginning."
___
Hi guys! Sorry sobrang tagal bago ako nakaupdate. Sobrang hectic lang talaga ng schedule huhu
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...