"Ano ginagawa mo dito?" ang unang tanong ko sakanya after everything that's happened ang dami scenarios na naglaro sa isipan ko kung paano kami magkikita ulit, kung ano ba ang gagawin ko o kaya sasabihin ko. Pero diba like everything else, iba parin talaga ang mga plano sa realidad.
"You look..." Tinignan niya ako ng ilang segundo bago tinapos ang sinabi niya, "very beautiful."
Natigilan ako sa sinabi niya because even if I don't want to care, I still do. Para lang kasing old times ang nangyare. He would always call me beautiful and the me before held that very dearly. Kaya ayun, yung plano ko na sana wag siya pansinin o kaya naman magtaray sakanya ay nawala. Hindi ko alam pero parang na frozen ako at the moment.
"Okay, beshy. Malalate ka na. Let's go!"
"Wai..."
Bago pa man natapos ang sasabihin ni Gerard ay hinatak na ako ni Carl palayo at papunta sa entrance na siya namang hinayaan ko nalang.
Thank God for Carl.
I needed this.
Someone who will wake me up to the truth just in case maging marupok ako katulad ngayon.
Nang makalayo layo na kami ng onti ay nagbulong saakin si Carl, "Bes, stay strong."
Nagtinginan kami ng mga ilang segundo at pagkatapos ko makuha ang courage ko ulit ay ngumiti ako sakanya. "Thank you."
Two simple words which meant a lot.
"Oh sha sha, halika na at baka andyan na si.. " Naputol ang sinabi niya sa nakita namin.Nasa may entrance na si Nickko - The gorgeous Nickko Romano na naka suit and tie but it wasn't his looks that stopped us. Kundi ang matinding stare off nila ni Nina. Si Nina na naka sultry red backless dress.
Hindi ko alam pero compared sa pastel blue A line dress ko parang tinalo niya ako ng ilang milya. Naramdaman ata ni Carl ang pag seself doubt ko at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na para bang he's saying na no matter what happens andito siya sa tabi ko.
And that woke me up. Bakit ko ikukumpara ang sarili ko kay Nina? Bakit ako magiging affected sakanilang dalawa? At huli sa lahat bakit ako magseselos kung wala naman akong karapatan?
But he's my date at hindi ako magpapatalo kay Nina when it comes to what's mine. Not anymore.
"Nic.. " Ang sabi ko to get his attention from Nina. And just like that, his eyes are on me, drinking me in just like what I'm doing to him.
Yung chocolate brown na buhok niya naka swept back which made him look fresh. And his face, his angelic handsome face looks really perfect, parang out of the magazine with his long natural lashes caging in his rich deep dark brown eyes, sinamahan pa ng matangos na ilong niya with a little crook on the bridge like it's been broken before, plus his sultry lips. At ang pinakasexy sa lahat? His hard edged jaws.
"Umm, bes!"
Nagulat ako sa pabulong na sigaw ni Carl, tinignan ko siya at lumalaki ang mata niya. Inikot ko ang mata ko sa paligid at lahat ay nakatingin saakin pati si Nina at Gerard.
Nawala ang confusion ko nung may humawak sa kamay ko at may tumawa.
Si Nickko.
And we're so close with my fingers almost touching his jaw.
Oh my Gosh!
My fingers? Touching his Jaw?!
When did this happen?
At bakit sobrang lapit namin sa isa't isa?!
Lumaki ang mata ko at agad agad nag step back para bigyan kami both ng space but not very far kasi hawak niya ang kamay ko.
Tumingin siya sakin, his deep rich chocolate eyes meeting my hazel ones and said, "You look really beautiful... " Lumapit siya saakin at bumulong sa tenga ko with his lips touching my ear, "My Angel."
"Nickko!"
"Iho!"
"Bastos ka!"
Sunod sunod na sigaw ang narinig ko pagkatapos mangyari yun.
At sunod sunod din ang mga pangyayari - ang bilis at ang gulo but all I can think about was the warmth of his breath on my ear.
![](https://img.wattpad.com/cover/162889333-288-k573996.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...