Kabanata 1

3.4K 48 16
                                    

One Year Later

"Miss, isang cheesecake po yung maliit lang." Tinuro ko yung cute na cake sa stante. Nandito ako sa coffee shop na paboritong puntahan ni Gerard tuwing may case siya na mahirap. Sila kasi ang nagseserve ng 'the best cheesecake ever', according to him. Na tuwing sumasakit ang ulo niya sa kaka isip sa solusyon ay gumagaan ang loob niya sa isang kagat ng malinamnam na cake. And because this place is equipped with soft music and a nice calming aura, madaming tao pumupunta dito to work.

Well, what's the best gift for our anniversary? Syempre eto plus may dala pa akong red necktie na nabili ko sa Mark's. Palagi kasi siya naka suit sa office kaya naisip ko na babagay sakanya ito. Tsaka gusto ko kasi yung simple lang. Always simple pero may bagay. Alam din naman kasi niya na hindi ako mahilig sa mga pabongga kaya naman minsan lang kami bumili ng mga mamahalin. Mas gusto ko yung moments ang i-cherish, hindi mga kagamitan.

Minsan naiisip ko na baka magsawa siya sakin kasi yung mga nakakahalubilo niya sa work and parties puro yayamanin na bongga manamit. Pero we're three years going strong and last year lang, he asked me to marry him. Although naka hold ang wedding namin for now kasi syempre we're still thinking of our careers and saving up for the future, masaya pa naman kami sa isa't isa.

At ngayong araw na to, September 25, 2018, marks our three years together.

"Okay na po yung order ninyo." Ang tawag sakin ng cashier. Inabot ko ang bayad at kinuha ang cake na nakabalot sa cute na plastic. Pagkatapos ko batiin ang cashier ay agad na akong lumabas at hinarap ang fresh pollution. Oo, mainit init na usok ang sumalubong sa mukha ko.

Pero nope. Hindi ako magpapaapekto. Maganda ang araw na ito. Anniversary namin, walang makakasira. Sumakay na ko sa kotse ko at tumingin sa passenger seat. Hmm, mini balloons - check, happy 3 years balloon - check, cake - check, at last but not the least necktie - check! Yes, okay na.

Alam ko ngayon ay day off niya kasi kakatapos lang ng case nila against the..umm, Ramons? Rasons? Rumina? Basta R something. Nakalimutan ko na pero ilang weeks niya yun pinagiisipan. Sa huli wala naman daw nanalo kasi nagsettle nalang pero ang sabi niya sakin if ever natuloy ang kaso may malaking chance na matalo sila. Kaya ayun lately ang high blood niya at palaging nag rarain check sa lakad namin. Syempre, dahil supportive girlfriend ako, hinayaan ko nalang siya. Palagi ko siya dinadalhan ng pagkain o kaya naman pinupuntahan sa office o bahay niya para icomfort. Tsaka naiintindihan ko naman siya. Afterall, work comes first with a career man like him. Hindi naman tayo nabubusog sa pagmamahal.

We're practical - kaya okay naman ako dun. Never ako naging clingy dahil alam ko naman na mahal niya rin ako at mahal ko rin naman siya. And with relationships, kelangan magbigayan yan. If your partner need time off to do his work, then let him.

Pero sana ngayon matuwa siya sa surprise ko. Ang alam niya kasi nasa restaurant ako, nag babantay sa mga tauhan. Pero eto nga papunta ako ngayon sa condo niya, isusurprise siya. Normally pag may anniversary o monthsary, ako ang una nag ggreet sakanya pero ngayon wala ako sinabi para todo surprise siya.

riiing .. riiiing..riiiiing.

Baka si Gerard? Kinuha ko phone ko sa bag making sure na tumitingin parin ako sa daan. Huh? Si Nina?

"Hello, Ni?"

"Uy Gelly, asan ka?"

"Uhmm.." Nako, hindi pa naman ako nagsabi na pupunta ako kay Gee. "Nasa labas lang kakain kasi nagutom ako eh. Babalik din ako agad." Ang sabi ko. Sana hindi nagmukhang may tinatago ako. Ayoko lang kasi pagusapan nila ang surprise ko. Mas gusto kong samin lang ni Gee yun, hindi kasi ako sanay na binobroadcast ang buhay ko sa iba.

"Ahh ganun ba. Nasa labas din ako eh. Mamaya pa ako uuwi, may lakad lang hahaha." Ang sabi niya.

Phew. Buti naman hindi niya nahalata. Hindi ko rin siya nakita kanina sa may restaurant nung umalis ako kasi umaga palang wala na siya. Yes, ganyan si Nina. Hindi siya hands on sa trabaho kasi alam niya naman na hindi kami malulugi with our dads managing the business. Kaso kahit alam ko na ganun, syempre tinututunan ko pa rin ang ropes ng business. Kung pano magpalakad ng ganung business, paano kausapin ang mga tauhan at madami pang iba. Hindi mo kasi matututunan sa school yun eh kundi sa experience.

"Ah okaay sige. Yun lang ba?"

"Oo, ay wait. Hindi mo ba..uhh..pupuntahan si Gerard?"

Huh? Bakit siya nagtatanong?

"Hindi sa nangingialam ako ahh, kasi diba anniv niyo? Hahaha" Sabi niya na para bang tumaas ang boses sa ibang parts.

Weird.

"Umm, hindi eh. Mamaya siguro. Alam mo naman busy sa resto madami pa akong aasikasuhin."

"Ahh ganun ba? Sige wait.." Medyo nawala siya sa linya sabay may pagtawang nagaganap at parang may narinig akong boses ng lalaki. Hindi ko lang masyadong maconfirm kasi mahina ang boses. "babe ano ba!" Ang sabi niya sabay putol sa telepono.

Yup, confirmed. May lalaki nanaman si Nina. Haay. Hindi naman sa judgemental ako o ano. Pero kasi saakin mas okay ang long term relationship. Kay Nina parang nagpapalit lang siya ng damit pag dating sa lalaki. Pero ika nga nila "You do you." Kung ano ang gusto mong gawin, ikaw na bahala dun basta wala kang natatapakan na tao.

Although, medyo ang weird lang kasi kelan pa siya naging concern samin ni Gerard? As far as I remember hindi naman siya nagtatanong ng mga ganun lalo na sa mga dates namin. Basta simula nung Birthday niya last April, hindi na siya nangealam saamin. Ika nga niya, ayaw niya na daw makakita ng mga nasa long term relationship.

And ever since then, kung ano man nangyari duon, made her bitter towards my relationship with Gerard.

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon