Our hug lasted for a minute - a short meaningful while.
Yes, bago pa man ito natigil dahil sa pag pasok ni David at ng isang kaibigan pa nila. At yes again, nahuli nila kami na nakahug. Tinignan nila kami, pabalik balik from me to Nickko, ang titig nila na siya namang ikinahiya ko. Ang init init ng pisngi ko sa hiya at for sure pulang- pula na ako by now. Pero imbis na magexplain si Nickko ay nagawa pa niyang umarte na para bang walang nangyari.
"Oh, Chris, Kamusta?" Ang bati niya sa kasama ni David, nag fist bump sila sabay lumayo saakin at nagusap. Ang narinig ko nalang ay ang "Talaga, bro?" na tanong ni Chris kay Nickko. Pagkatapos nun ay nagusap na sila ng pabulong at wala na akong narinig na kung ano man. Nakakahiya kasi baka kung ano na pinaguusapan nila at kung ano ano na rin ang tingin sakin ni David at Chris. Sino ba namang babae ang papayag mag hug agad sa kakakilala lang diba?
Pero nagkamali ako dahil mabait parin ang pakikitungo saakin ni David.
"May masakit ba sayo?" Ani niya, going into doctor mode.
"Ahh, wala naman. Para ngang wala akong sugat eh." Ang sabi ko para naman mag lighten ang mood. Sa ngayon kasi ayoko na isipin na may nagawa akong mali.
"Mabuti naman. Mga 2-3 days ka muna dito sa ospital para sigurado na gumaling at walang infection ang sugat mo. Naglabas siya ng checkist at naglista ng mga kaylangan ko. Binago niya rin ang dextrose na nakakabit saakin. Pagkatapos ay pinahiga niya ang kama ko at sinabing, "Sa ngayon ay kaylangan mo munang magpahinga para gumaling ang mga sugat mo agad." Tumingin siya kay Chris at Nickko at sinenyasan sila para umalis muna ng kwarto.
"Aalis muna kami para makapagpahinga ka. By the way, I'm Chris nga pala. Friend nila Nickko. Nice to meet you..."
"Angel."
"Angel. You look familiar though, have I met you before?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Chris. Wala naman akong naalalang nagkita kami nuon. Pero at the same time medyo mahina din ako makaalala ng mga mukha.
"Tigilan mo na yang pag lalandi sa pasyente Chris.." Ang sabi ni Nickko sabay darag sakanya palabas.
Bago lumabas si Nickko ay tumingin siya sakin - yung tipong nakakatunaw at nakakakilig na tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi para akong na frozen sa titig niya.
"Buti naman ako lang ang kinikilala mong Angel Gabriel. Makes me feel special." Ang hindi ko ineexpect na sinabi niya. Ang just like that, uminit nanaman ang pisngi ko pero this time may kasama nang butterflies in my stomach, yung feeling na sa sobrang kilig ay parang naiihi ka na pero hindi naman talaga. Buti nalang ay pagkatapos niya sabihin yun ay lumabas na agad siya ng pinto at hindi niya nakita ang namumula kong mukha.
For the first time after I woke up, I felt the silence na I longed for before. Dati kasi gusto ko palagi mapag-isa. Bago pa mangyari ang lahat, hindi talaga ako clingy na tao. At advantage din naman saakin na ang mundo ko lang nuon ay si Kristoff at ang nagiisa kong kaibigan ay si Nina kaya naman may time ako mapagisa.
Pero nakakapagod pala.
Ngayon ko lang naisip na maganda na may oras para sayo pero hindi siya healthy kung panay panay na nag-iisa ka. Nakalimutan ko na ang feeling na ganito. Na may masasayang kasama.
At bago ako matulog, isa lang nasa isip ko.
Lord, kahit na may nagawa akong hindi karapat rapat ay binigyan mo parin ako ng mga taong makakapagsaya saakin and I hope na magtagal sila kahit onti.
![](https://img.wattpad.com/cover/162889333-288-k573996.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...