Sa buong buhay ko, pag naririnig ko ang salitang 'surprise' ay natutuwa ako dahil alam kong may kasama itong magandang pangyayari. Yung masaya. Ngayon ko lang narealize na saakin lang pala yun dahil lahat ng bagay ay may Mabuti at masama. At ngayon ko lang naranasan ang masamang surprise.
Eye-opening..
at sobrang sakit.
"G-g-gelly..." Ang nauutal na sabi ni Nina. Ang mukha niya na normally blooming sa tingin ng mga tao ay namumuti na ngayon. Hindi ata kinaya ng blush on niya ang mukha ko sa harap niya. Hindi ko alam kung sa hiya kasi hindi naman siya nahiya nung kahalikan niya ang fiancé ko o baka naman naguguilty siya? ay hindi rin siguro kasi hindi naman niya inisip ang mararamdaman ko nung halikan niya si Gerard.
Si Gerard naman tumayo agad sa kama at nagshorts. "Babe, bakit ka nandito?"
Napatawa ako kasi ineexpect ko na yung line na this is not what it looks like. yung mala teleserye pero ayun nga sa teleserye lang siguro nangyayari yun. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, magagalit ba? Iiyak ba? O ano. Sobrang numb ko na kasi ngayon para bang sa sobrang gulat ko wala nako nararamdaman. Nanlalamig rin ang mga kamay ko sa nangyayari ngayon.
I'm hoping very hard na sana panaginip lang ito. Na sana hindi siya totoo. Kinurot ko ang arm ko para siguraduhing hindi ako nananaginip, pero hindi eh, andito parin ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanila ng pabalik balik.
From Gerard to Nina.
Naghahanap ako ng explanation kung ano nangyari. Kung bakit ganito..pero wala. Wala silang sinasabi. Nagulat din sila sa nangyari na hindi naman dapat kasi diba sila nga ang may alam na may ganitong kababalaghan. Tapos sila pa ang magugulat ngayon?
Binato ko ang susi ni Gerard sakanya. Sabay na rin ang mga gift ko dapat. Isang malaking kalat ang nangyari sa cake kasi mid-air bumukas ang lalagyan at natamaan ang kama. Buti nga. Linisin nila yan. Mga hayop. Mga manloloko.
Tinuro ko si Gerard, "Masarap ba? Akala ko magiintay ka?" Tumingin lang siya saakin na parang gulat parin. Napatawa nalang ako. Dahan dahan kong kinuha ang singsing sa kamay ko at sabay tapon nito sakanya. "O ayan, break na tayo. Kasi diba hindi ka naman makaintay sa kasal natin edi ayan, you're free."
Hindi ko na inintay ang mga explanation nila. Ang tanga ko naman diba? Nakita ko na nang harap harapan tapos mageexpect pa ako na may sabihin sila to eleviate the situation. Wala na. Hindi din naman sila nagoffer ng explanation, sobrang nagulat ata.
Bago ako umalis, tinignan ko ng masama si Nina. Si Nina na napakaganda. Si Nina na bestfriend ko. Si Nina na pwede naman makuha ang lahat ng lalaking magustuhan niya pero bakit si Gerard pa?
"Thank you, sis" ang sabi ko sakanya. "Thanks for hurting me."
Tumalikod ako at tumakbo sa pinto. Lumabas at binagsak ito. Bahala sila kung masira ang pinto. Pwede naman yun ayusin.
Pero yung trust? Yung trust na winasak nila ngayon. Ha, baka nga may iba pa silang trust na winasak eh. Mga hayop talaga.
Pag labas ko at habang naglalakad dun ko na naramdaman ang ginawa nila sakin. Hindi ko napigilang umiyak sa may elevator dahil sa sobrang sakit. Hindi ko pinakita ang mga luha ko sa harap nila dahil winasak na nila lahat, ayoko pati pride ko sirain nila.
Ano ba ginawa ko? Bakit ganun? Naging mabuting girlfriend naman ako kay Gerard. Palagi ko siya binibigyan ng space niya. Hindi naman ako clingy. Palagi ko siya inaalagan. Pero bakit? Ganun ba talaga kahalaga ang sex? Pagpapalit ang three years for that? Ikakasal nanaman kami pero bakit ganun?
Si Nina naman, tinuring ko na bilang kapatid. Alam niya kung gano ko kamahal si Gerard. Sakanya ko kinekwento lahat. Pero bakit ganun?
"Miss?"
"Huh?" Tumingin ako kanan ko at nakita ang isang gwapong lalaki na nakatingin sakin. Lecheng mga gwapo at mukhang matitino. Yun pa yung mga manloloko. O ano gusto mo? Iyakan din kita?
"Miss?"
Ang sabi niya ulit. Pinurse niya ang lips niya na para bang na aawkwardan siya sa tingin ko. Oh bakit? Anong awkward? Ginusto mo na tignan kita diba?
"Uhh, hindi miss. Nasa ground floor na kasi tayo." Ang sabi niya sabay turo sa floor buttons. "Pa down kasi yung sayo, ipipindot ko na yung up, so dito ka ba sa ground floor o mag uup ka ulit?"
Tinignan ko ulit ng mabuti ang top screen na nakaindicate na nasa ground floor na kami. Tumingin ako ulit sakanya at sa sobrang hiya ay napa bow nalang na para bang nasa japanese karate movie ako at sabay takbo palabas.
Dire-diretsyo ako palabas ng building at papunta sa kotse. Pag dating ko sa kotse ay dun na ako umiyak ng sobra.
"Nakakahiya leche." ang sabi ko habang tumutulo na parang gripo ang luha ko. ang sakit.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako nakatingin sa kawalan sa loob ng kotse na nakapark sa Mcdo. Natigilan nalang ako ng magring ang cellphone ko.
Riiiing. Riiing.
"Hello?" ang sabi kong pabulong.
"Angel Marie Fueco. Ano itong narinig ko?!" Ang bungad ng papa ko.
"Ano?"
"Tumawag si Gerard, hindi na daw tuloy ang kasal? Anong kababalaghan ito? Nakipag break ka daw sakanya?"
Ahh siya pa ang may gana na pangunahan ako sa pagbibitiw ng balita?
![](https://img.wattpad.com/cover/162889333-288-k573996.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...