Kabanata 13

2K 41 3
                                    

Silence.

Isa.  Dalawa.  Tatlo.  Apat.  Lima. 

5 whole minutes ang nakalipas na nakatingin kami sa isa't isa.  Ako na nagiintay ng sagot niya at siya naman na nakakunot ang noo at paulit ulit na tumatagilid ang ulo na para bang may iniisip siyang malalim. Siguro iniisip kung anong nilalang ako at nakapagtanong ako ng ganun. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na yun.  Tatawa ba ako na para bang joke lang o iibahin ang topic. 

Hmm,  ano bang topic ang maganda? 

Bago pa man ako makaisip ng mapapagusapan namin ay bigla nalang siyang tumawa ng malakas.  Yung tipong unfiltered na tawa at wala na akong magawa kundi mahiya.  Ano ba to angel,  imbis na tanungin mo kung sino siya, napagkamalan mo pa siyang Angel Gabriel.  Nakakahiya talaga. 

Pero masisi mo ba ako?  Wala akong alam sa nangyayari.  Unang nakita ko pagkatapos kong magtangkang magpakamatay ay siya.  Pero now that I think of it,  nasa hospital ako.  Hospital room to be exact.  Namumuo ng white ang paligid - white cabinets,  white chairs,  white desk.  Kulang nalang pati TV white.  Hindi ko lang talaga alam kung bakit pag hospital palaging white ang kulay.  Tumingin ako sa gilid at nakita ang dextrose na nakakabit sakin, malamang nasa may likod ng kamay ko ito nakatusok, pero ayokong tignan.  Ayokong tignan kasi makikita ko ang nagawa ko at hindi pa ako handa para tignan ito.

"Ehem." Natigil ang pagiisip ko ng umubo ng malakas ang natawagan kong Angel Gabriel.  Medyo nakatapos na siya sa katatawa niya at ngayon naman ay nakakunot ang noo at mukhang nagaalala sakin. 

"Erm,  sino ka?" ang tanong ko, curious kung sino siya. 

"Siya si Nickko, at ako naman si David.  Kami ang nakakita sayo na malala ang condition" Bago pa man nakasagot si 'Nickko' ay inunahan siya ng kasama niya na ngayon ko lang nakita.  Pero based sa boses niya,  siya yung calming magsalita na para bang nasa beach ka at nagrerelax. So ibig sabihin ba nito totoo ang panaginip ko sa dilim? Talagang narinig ko silang naguusap?  

Teka,  sabi nila nakita nila ako?  Pero nasa kwarto ako?

"Pano?" Ang bulong ko.  Mahina ang boses sa pagtanong dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko.  Mahihiya ba o magpapasalamat? 

"Hindi na mahalaga yun.  Ang mahalaga ay ligtas ka.  Sa ngayon wag ka na munang magisip ng kung ano ano na makakastress sa pagiisip mo. Kaylangan ang main priority natin ay magpagaling." Ang sabi ni David sakin. Hindi niya na ako inintay na makasalita pa at nakita niya ata akong nagiisip ng malalim at nahihiyang sumagot.

Ang nagawa ko lang ay tumango dahil tama naman siya.  Alam ko yun. At may certain authority si David na pag siya ang nagsalita parang mag aagree ka nalang. 

"Aalis muna ako para tawagin ang doctor mo at sabihin sakanya na gising ka na." Ngumiti siya sakin at tumingin kay Nickko,  "Ikaw na muna bahala sakanya.  At wag masyadong maloko Nic,  kelangan ng pasyente magpahinga."

Tumawa ng onti si Nickko at nagsmirk saakin sabay sabi kay David,  "Ano ka ba Dave,  hindi naman ako maloko." and somehow, kahit ngayon ko lang sila nakilala, alam ko na kasinungalingan yun.

At syempre alam din ni David,  umiling iling siya sabay ngumiti sakin bago umalis. 

Okay.  Kalma,  Angel. Alam ko nakakaintimidate si Nickko pero kaya mo yan.  Inalis ko ang mata ko sa pintuan kung saan umalis si David at tumingin kay Nickko.  

"E-erm, pasensya kanina, hindi ko talaga alam bakit ko nasabi yun." Ang sabi ko. Syempre kelangan muna natin i-clear ang air bago pa man kami magusap at baka ang tingin niya palagi sakin ay ang babaeng napagkamalan siyang Angel Gabriel.

"Okay lang naman..." Ngumiti siya sakin at kumuha ng upuan sa tabi bago umupo sa tabi ng kama ko. Yumuko siya at linagay ang mga kamay sa binti para mas malapit saakin, sabay sabi, "Sanay nako." 

Napabukas ang labi ko sa gulat sa kakapalan ng mukha niya sabay kunot ng mukha ko at umiling iling. "Ang kapal ng mukha." Ang sabi ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, akala niya gwapo siya? Totoo naman pero syempre hindi ko na aaminin yun at baka lumipad na kami dito sa laki ng ego niya. 

Tinignan ko siya ng masama na siya namang ikinatuwa niya pa lalo. Tumawa siya ng malakas at sinabi, "Alam mo nakakatuwa ka magalit." 

"So, ano gagalitin mo ako palagi pag naguusap tayo?" Ang tanong ko sakanya habang tinitignan siya ng masama. 

"Hindi,  pero gusto ko yung salitang palagi. Ibig sabihin palagi tayo magkikita at maguusap. Maganda yan dahil may isa akong nabuong goal overnight."

"Goal? Ano naman kinalaman ko sa goal mo?" Ang weird kasi ngayon lang naman kami nagkita tapos kaylangan niya ako?

Biglang naging seryoso ang mukha niya at slowly kinuha ang right hand ko at hinawakan niya softly. Yung tipong pang pa relax kaya imbis na ang pangunahing instinct ko ay tanggalin ito, hindi ko nagawa. 

Tumingin siya sakin ng malalim at sabay sabi, "Kasi goal ko ngayon ay tulungan ka."

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon