Kabanata 5

2.3K 46 3
                                    

Bumalik muna ako sa apartment ko at dali daling pinark ang kotse. Ayoko na maabutan pa ako ng mga taksil. For sure, either pupunta sila sa restaurant or hahabulin ako para pagtakpan ang kagagawan nila. Si Nina pa. Jusko, gusto nun palaging mukhang anghel siya sa harap ni Uncle. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko na siya pinagtatakpan. Yung mga times na umaalis siya at nagoovernight sa Bahay ng boyfriend niya, hindi ko yun sinumbong. Ang alibi pa namin ay nakaovernight siya saakin.

Pumasok ako sa unit ko at kumuha ng maliit na bag. Dali dali kong hinablot ang dalawang sundress na nakasabit sa closet at mga underwear na kekelanganin ko. Nagdagdag na rin ako ng isang swimsuit para sa pag eenjoy ko sa beach. After picking my sunglasses, sunscreen at cap ay sinara ko na ang bag. For the essentials, kinuha ko ang wallet ko at sinaksak ang atm na hinuhulugan ko. Strictly wag gagastusin ang atm na ito pero wala na eh. Magpapakasarap na ako ngayon. Bago ako umalis ay may nakita akong baka kaylanganin ko.

cutter.

Ngayon kasi hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kung gusto ko pa bumalik. Three years is a very long time. Si Gerard ang naging constant sa buhay ko. Si Nina naman ang nagiisa kong kaibigan. Ginawa ko kasi si Gerard na sentro ng buhay ko these past three years. Ngayon na nawala ang constant ko? Hindi ko alam kung kaya ko pa mabuhay. Kung kakayanin ko pa.

After everything else, umalis na ako sa unit ko. Tinignan ko ang three years old na condo ko. Naalala ko pa nung tinulungan ako ni Gerard sa paglipat. Gusto ko kasi maging independent. Kaya ayun, imbis na tumira ako kasama ang papa sa malaking bahay na shared ng pamilya namin ni Nina ay pinili ko tumira dito. Maliit man pero matatawag kong akin.

At oo, nakatira kami ni Nina dati sa iisang bahay. Sobrang close friends kasi ng mga papa namin. Kaya ayun dahil shared business na rin naman, bumili din sila ng malaking bahay para shared house na rin. Wala na kasi ang mama ko kaya the more the merrier ang family namin.

Kaso sa ginawa ni Nina ngayon? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. I don't hold a grudge sa pamilya niya, kay Nina lang. Sa pagkarupok niya. Nilang dalawa ni Gerard.

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko ang familiar black na Volvo XC60, kotse ni Gerard. Ha! Sabi na nga ba. Alam ko na pupuntahan nila ako dito. Hindi para manghingi ng tawad pero para sabihin saakin na wag ko sasabihin ang totoong nangyari. Alam ko na ang style ni Nina. Madami narin siyang nasira na relasyon dati. Pag kinekwento niya sakin minsan palagi ako nagtataka kung bakit ko pa siya naging kaibigan. Dapat pala naramdaman ko na ito dati. Dapat inexpect ko na ang pangyayari na ganito.

Akala ko naman kasi pinapahalagahan niya rin ang relasyon namin, pero hindi pala. Once a slut, always a slut. And I'm not being mean. Siguro karma ko narin ito dahil sa pagkokonsinte ko sakanya. Dahil nuong mga panahon na dapat ay may ginawa ako, sinumbong siya sa magulang niya o ano ay hindi ko nagawa.

Hindi ako lumabas sa main entrance dahil baka makita nila ako. Instead, sinulong ko ang pang staff na exit. Yung corridor papuntang trash bin sa labas. Yes, alam ko kung saan yun at paano lumabas from there. Ganun kasi gawain ko dati pag iniiwasan ko si Nina. Medyo makulit kasi siya tuwing gusto niya ako yayain sa pag shopping. May mga times na ang OA na, kelangan ako ang magdala sa mga shinoshopping niya - na ako mismo ang nagiging alalay niya.

Come to think of it.

Ngayon ko lang nare realize na hindi pala talaga magandang kaibigan si Nina.

Ang tanga ko talaga. Kung saan pa nangyari ang lahat ng ito, saka lang ako nagsisisi. Nagsisisi na binigay ko ang buong tiwala ko sa mga tao na hindi naman pala dapat. Nagsisisi na hindi na ako nagiwan ng para saakin. Nagsisisi na ginawa ko silang buhay ko - na hindi na ako naghanap ng iba kong pwede pagkaabalahan - kundi ang asikasuhin at intindihin silang dalawa.

Tignan mo ang nangyare ngayon. Walang natira saakin.

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon