Kabanata 21

1.8K 26 1
                                    

"So ano?"

"Ano?"

"Ano ginagawa mo dito,  Nickko?"

Ngumiti siya at inabot saakin ang bulaklak. "Hindi pa ba obvious?" Nang makita niya na hindi ko tinanggap dahil nagpapakalunod ako sa pabebe moment ko ngayon ay lumapit siya hanggang mag nose to nose kami.

At syempre, dahil ako ay magulatin at marupok, naramdaman ko nanaman ang mga iniiwasan ko - pagtibok ng puso at butterflies in my stomach. Sino ba aman kasi hindi kikiligin kung nasa harap mo ay isang mukhang anghel na nilalang?

"A-ano?" Na-uutal utal ko na tanong. Si Nickko kasi yung tipong magugulat ka sa mga kilos niya. Kaya ayan palagi akong flustered mess.

Napatawa siya ng onti at lumayo, finally giving me the space I needed to breathe. "Pumunta ako ngayon para bigyan ka ng flowers."

"Flowers para?"

"Lahat ba talaga kaylangan mo tanungin kung bakit?"

"Ay hindi pa nauubos tanong ko, sir. Madami pa akong tanong. Buti nga yan palang ang binabato ko sayo eh."

"Alam mo ang mas maganda." Kinuha niya ang kamay ko, binuksan at linagay ang flowers. Bago pa man siya bumitaw ay sinadya niyang hawakan ang kamay ko ng medyo matagal Well, mga ilang segundo bago binitawan. But for me, naglast yun ng matagal.

"A-a-ano?"

"Hahaha.." Natawa nanaman siya bago nagsmile saakin, "Maganda ang kulay pula sayo."

"Kulay pula?"

Kinuha niya ang phone niya at ginamit ang selfie screen salamin para ipakita saakin ang namumula kong mukha. Na syempre mas lalo pang namula sa hiya.

"P-pwede ba. Okay, nabigay mo na ang flowers, ano pa pakay mo?"

"Go on a date with me?"

"Papagisipan ko." Ang sabi ko sabay lakad papalayo sakanya. Bago ako pumasok sa restaurant though, tinanong ko siya, "Paano mo pala nalaman kung san ako nagtatrabaho?"

Ngumiti lang siya at swabeng sinabi, "I have my ways, Angel. Dinner at 7pm mamaya, I'll pick you up here." at classic Nickko move, siya nanaman ang may huling salita.

I rolled my eyes at pumasok na sa restaurant. Syempre hindi ko pinakita na kinikilig ako pero deep inside tumatalon na ang puso ko. Pero lahat talaga ng magagandang bagay, natatapos at some point.

"Paano kayo nagkakilala?" Nagulat ako sa bungad ni Nina saakin. Kakapasok ko lang kasi sa restaurant at na kay Nickko pa ang isipan ko nang bigla siyang sumulpot.

Tumigil ako sa harap niya at tinignan ang taong pinagkatiwalaan ko ng sobra. Ang taong handa ako gawin ang lahat para sakanya dahil tinuring ko siyang kapatid. At ang huli sa lahat, ang taong ang sama na ng trato saakin ngayon. Should I add fuel to the fire and fight back or be the meek, vulnerable angel na kaylangan protektahan palagi katulad noon? Syempre, I would pick the first one. Enough is enough.

"Ano naman ang pake mo na nanliligaw siya saakin?" Tumaas ang kilay niya at nakita kong naiirita na siya with the way her eyes glare at me. At kung cartoon character lang siya ngayon? Literal na mayroon nang mga usok lumalabas sa tenga at ilong niya. Isa sa magandang bagay na nadulot ng dati ay kilala ko na si Nina. Alam ko na ang mga galaw niya at kung paano siya inisin. Hindi ko na siya inintay na matapos pa, "Whoops. Nasagot ko na pala tanong mo." Pagkatapos nito ay umalis na ako papuntang kitchen para magtrabaho.

And work, I did.

Sa buong araw na yun ay ako nagmanage ng lahat - kitchen, customers, minsan cashier. All around. Wala na kasi ibang mag susupervise sa mga tauhan. Umalis si Nina at buong araw siyang wala sa restaurant. Si papa naman at uncle ay may meeting with one of the suppliers sa probinsya at babalik sila hapon pa. Bago umalis si papa ay sinabi niya saakin na I owe him a kwento, which I did. Hindi ko pa kasi nakwento sakanya yung kay Nickko kaya talagang nagulat siya kanina.

"Carl, anong oras na?"

"6:30 na ateng. Diba may date ka?"

"A-h oo. Pero kamusta yung.."

"Nako ate, tama na sa trabaho at mag ready ka na." Kinuha niya yung towel sa kusina at binigay saakin. Tinulak niya ako papunta sa cr at dinala ang isang bag.

"Ano yan?"

"Makeup kit. Maghilamos ka na, beshy." Wow, prepared si Carl.

Pagkatapos niya ako ayusin at lahat lahat ay saktong 7pm na. "Nako bes, andyan na kaya siya?"

"Wag ka kabahan, Ang. Alam mo ba ang ganda mo kaya ngayon. Deep breaths, inhale, exhale. Halika na." Dahan dahan niya akong tinulak palabas ng cr at dahil nagmamadali kami ay may nabunggo ako pag labas.

"Angel?" Isang boses na napaka familiar to me ang nagsalita.

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang taong ito and my eyes met a pair of chocolate brown eyes na dating kinakakiligan ko.

"Gerard?"

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon