Kabanata 19

1.7K 29 4
                                    

Nina Mae Zaldueco - my ex-bestfriend. 
Isang ahas na tinrato kong kapatid.  Lumingon ako sakanya at kahit gusto ko siyang sampalin ay hindi ko yun gagawin.  Hindi ako magpapakababa para sakanya.  Pag ginawa ko yun,  madami makakakita, magmumukha pa akong palengkera and knowing her?  I'm sure she's expecting me to act rashly.

Pero hindi ko yun gagawin.  Instead,  I will do the exact opposite. 

"Nina!" Ngumiti ako ng malaki sabay hug sakanya. Syempre lahat nagulat pati si Carl napanganga. 

Isang matagal na segundo ang lumipas bago naka snap out si Nina sa gulat.  "Ano to?" Ang bulong niya sabay hug pabalik saakin ng medyo mahigpit.

"Pagbati." Nagsmile ako ng huli sa gulat na mukha niya bago pumunta kay Carl. "Bes, halika na." Hinatak ko si Carl palayo kay Nina at huminga ng malalim. 

"Girl ang plastic ah." Ang bungad sakin ni Carl.

"Huh? Ano sinasabi mo?"

"Halata naman na magkaaway kayo. Nakita mo ba mukha ni ate bruha? Mukhang nakainom ng Datu Puti eh."

"Hala,  teka nga Carl,  pano mo naman nasabi na magka-away kami?"

"Hula hula ko lang Gurl. Kasi naman nung wala ka,  kuda ng kuda yang bruha dito.  Palaging pinupuna yung trabaho mo."

"Puna?  Ano pinupuna niya?"

"Yung pwera umalis ka daw ng matagal,  iniwan mo daw trabaho,  mga ganun.  My gosh,  wala kami pakels pero nakakairita lang kasi syempre besty kita eh hindi kita mapagtanggol sa bruha kasi boss ko siya."

"Alam mo,  okay lang yan.  Alam naman natin yung totoo." Natawa nalang ako sa nakwento saakin.  Ang lakas naman kasi maka sabi ni Nina ng ganun. In the first place,  kung bibilangin kung sino ang may mas madaming leave samin baka bigyan na siya ng gold medal.

"Sinabi mo pa,  Gurl...at"

"Carl, tama na ang tsismisan. Anong petsa na ba at hindi ka pa nagsisimulang magtrabaho." Naputol ang usapan namin sa boses ni Nina. 

"Pinapa recap ko lang siya kung ano ang na-miss out ko on my leave. So technically, nagtatrabaho na siya." ang reply ko sa pagpuna ni Nina.

"So, may secretary ka na pala ngayon?"

"Carl,  sige na. Ayusin mo nalang menu for today." pina-alis ko na si Carl para iniwan kami ni Nina.  "Ano problema mo Nina?"

"Ikaw." Tinaas niya ang eyebrow niya habang nakatingin sakin ng naiinis. 

"Alam mo Nina,  hindi ko aaksayahin ang oras ko kausapin ka.  Kasi alam naman nating dalawa kung sino ang may karapatang magalit dito." Tinignan ko siya from head to toe sabay umalis.  Well,  nag attempt na umalis kasi hindi ako nakalayo kasi pinigilan niya ko. 

"Karapatan magalit?  Bakit ano ba ang pinagmamalaki mo?"

"Wala naman,  Nina.  Pero kung meron man,  yun yung pag respeto ko sa pagkakaibigan natin na obviously,  wala ka."

"All is fair in the war of love,  Angel. And in the first place hindi naman ako ang unang lumapit sa ex mo."

"Fair talaga,  Nina?  Kelan pa naging fair ang pag aagaw sa FIANCE ng iba?  Tsaka common sense naman,  alam mong taken yung tao dapat hindi ka naging marupok."

Pareho kaming humihinga ng malalalim sa galit at nanlilisik ang mga mata sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ganito siya.  Ang kapal ng mukha na una siya magalit.  Kung tutuusin ang may karapatan magalit dito ay ako.  By now,  halos lahat ng staff ay nakatingin na samin. 

Kahit gusto ko pa siya sagutin ay kelangan ko na umalis dahil mamaya maya ay may papasok na,  na customers. 

Lumapit ako kay Nina at bumulong sakanya,  "Magisip ka naman." ang sabi ko na kami lang ang nakarinig sabay walk out.  Well,  again,  attempted to walk out kasi hindi pa ako nalakalayo ay pinigilan niya ulit ako. 

Hinila niya ang kamay ko at sasampalin sana ako pero natigilan kami sa malakas na boses ni Papa. 

"Ano ang nangyayari dito?!"

And just like that,  lumabas ang Nina na takot.  Binaba niya agad ang kamay niya at namuti ang mukha. At dahil gusto ko mang asar ay hindi ko siya sinumbong.  Mas maganda kasi mainis siya sa fact na kelangan niya parin ako para hindi mapahamak. 

"Wala naman pa,  may conflict of interest lang for the menu today pero all is well." Nagsmile ako kay Papa at yinakap siya. Alam naman naming dalawa na hindi totoo. Pero para respeto na rin kay uncle, tatay ni Nina,  hindi kami gagawa ng scandal dito sa restaurant.

"Sige na,  maghanda na kayo sa opening." Ang sabi ni Papa sa lahat ng nakatingin lang saamin. 

Pagkatapos magclear ang lugar ay lumapit si Nina saamin,  "Oonga pala Pa,  may papakilala ako mamaya sa dinner.  Make sure na andun lahat.  Importante kasi sasabihin ko mamaya."

"Anong importa.. " Naputol ang itatanong sana ni Papa dahil sa ingay sa may entrance.

Lumapit samin, well sakin,  na nagmamadali si Carl, "Gurl,  may hindi ka ba sinasabi saamin?" Sobrang excited ng boses niya na para bang taeng tae siya sa balita. 

"Huh,  ano?" Kumunot ang noo ko kasi hindi ko alam kung ano nangyayare. 

Not until nakita ko siya - may hawak na isang bouquet with the combination of Sunflowers and Red Roses. Naka suit siya,  sobrang iba sa nakasanayan kong shorts and polo shirt at masasabi kong this look just made him 100% hotter. 

Hindi ko alam kung saan ako magugulat though,  sa pagpunta niya dito or sa pag sabi ni Nina ng pangalan niya. 

"Nic.."

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon