Kabanata 17

1.8K 35 0
                                    

Hingang malalim, Angel

Pumikit ako at rineady ang sarili bago binuksan ang pintuan.  As expected,  ang bumungad saakin ay ang malinis kong apartment - same kitchen, same desks, same ornaments - walang pinagbago. Pero at the same time, I feel like ang laki ng pinagbago for these past weeks. Looking around, I see things na binigay saakin nila Nina and I realized na ang dami pala nilang impluwensya sa buhay ko, even things around my house.

So, first step of moving on? Yes, cleansing - getting rid of all the things that remind me of them. Kumuha ako ng malaking plastic sa cupboard at sinimulang ilagay ang lahat ng mga bagay na nakuha ko sakanila - even clothes. As in lahat. Hirap pa rin ako galawin ang mga braso ko dahil andun parin yung sugat pero I'm a strong woman, kaya ko to.

After ko ma discharge sa hospital ay napagusapan naming umuwi na. Nagoffer sila ng ride for me pero I declined. Ang sabi ko kung pag uwi palang ay hindi ko na kaya, parang sobrang weak ko na nun. After a lot of time and discussion ay napapayag na rin sila. Ang hirap mag goodbye kasi nakasanayan ko na ang pagiging makulit nila. Those few days na kasama ko ang magbabarkada ay isa sa pinakamasayang time sa buhay ko and I'll never forget them. Nag promise kami na we'll still stay in contact, especially Nic, pero we all know promises tend to be broken. And at this moment of my life, hindi na ako nageexpect nang sobra.

Expectations lead to disappointments.

So ayan, bagong buhay ako - cleaning everything. After 2 long hours ay natapos rin ang paglilinis ko at ang result? clean slate. Nagmukhang bago at walang nakatira ang apartment, but that's okay because I'm in the first page of my life. First step is done.

Next is shopping - for new clothes, new designs, new look. Hindi siya necessary pero gusto ko na burahin yung dating Angel. The Angel before na palaging nagpapa api. Yung Angel na hindi marunong mag - no. Yung Angel na walang courage magsalita. At huli sa lahat ay yung Angel na weak.

And for my new look, I decided to chop my long hair into a long bob cut. Unang una, sobrang init dito kaya it's practical for shorter hair at pangalawa ang lakas lang maka sosyal ng bob cut. Pagkatapos ko sa salon ay nagwindow shop ako - looking for pieces that fit my taste. Hindi kasi ako mahilig magshopping dati kaya naman palagi nalang ako sumasama kay Nina at kung anong gusto niya for me, yun din ang binibili ko. And I was okay with everything kasi alam ko naman na hindi pipili si Nina ng hindi babagay sakin. Infairness naman sakanya, hindi talaga siya pumili ng pangit. But nevertheless, the clothes weren't my style, but hers. Come to think of it, these past years, hindi ko na-eexpress ang sarili ko and it became my downfall.

Letting others dictate my life.

Not anymore.

And now I finally found it.

My style.

After browsing a lot of shops, I decided na ang pinakagusto ko palang style ay yung smart casual look. Blouses, Slacks and Loafers combination - pwedeng pang hangout and pang work at the same time - convenient, comfortable and classy. Dahil madami din naman akong ipon from before, I can spend a chunk of my money para sa bagong Angel and still have my savings intact. Yes, ganun ako ka kuripot before.

Nang matapos ako sa lahat ay umuwi na ako at linagay ang mga gamit sa isang tabi sa apartment at umupo. Nakakapagod pero at the same time it's calming to the soul.

It's calming to know na I'm doing this for me. Not for others.

And I'm ready to go back to work. Kaya naman pagkatapos ko makahinga ng malalim ay tumawag ako sa isang tao na alam ko hinding- hindi ako iiwan and to the only person I trust now,

"Hello, Dad?"

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon