"Hindi nga.""Bro, napanuod mo ba talaga yung episode. Tinalo sila ni Cersei."
"Siraulo ka ba. Nakita mo naman yung epekto nung ginawa ng mga Tyrells diba."
"Oo, pero pano sila nanalo eh, namatay naman sila?"
"Yung influence, bro. Influence is important."
Today is my last day here in the hospital at masasabi kong naging maingay at masaya ang stay ko dito. Bumisita din ang isa pa nilang kaibigan na si Trevor at pareho sila nang ugali ni Chris, parehong childish at mapagloko kaya naman palagi silang nagc-clash katulad ngayon. Napagtripan lang namin panuorin ang Game of Thrones, isang peaceful at nakakalibang na gawain pero ayan, ginawa nilang topic for debate, among other things. Pati yung maliit na bagay nag aaway sila. Sanay na nga ata si David at Nickko kasi tahimik lang sila while doing their thing. Yes, thing. Hindi ko rin kasi alam kung ano ginagawa nila, working, maybe?
After a while, umiiling-iling si David sabay umalis para sunduin si Layla, ang nakwento niyang asawa niya. Nakakatuwa dahil kahit hindi tayo sigurado sa forever nila ay atleast masaya sila ngayon sa isa't isa. Sa kanilang magbabarkada, si David lang ata ang marunong magseryoso. According to Trev, meron silang list of girls for every occasion at hindi excempted si Nickko dito, as much as I wanted him to be. Hindi ko nga alam kung bakit parang mabigat saakin nang marinig ko yun.
Focus, Angel, focus. Kakakilala mo lang sa tao. Walang crush crush dito. Hindi ka easy okay?
"Maayos ba pakiramdam mo?" Biglang nagtanong si Nickko, lumapit sa kama at linagay ang kamay sa noo ko.
"A-a-ano ginagawa mo?" Dahil nabigla ako ay napalayo ako sa init ng kamay niya. Suddenly, parang sobrang interesting ng kumot ko sa pagtitig ko dito.
"Ha.. Ha.. Hahhahahhaha" Isang malakas na tawa ang narinig ko galing kay Nickko. Tinignan ko siya at imbis na mainis ako ay para bang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang tumatawa - unfiltered at nakakabata sakanya.
"Bro, nasapian ka ba?" Biglang tanong ni Trevor. By this time nakatitig lang sila kay Nickko. Hindi naman ako nagtaka dahil halata sa kilos niya na minsan lang siya magpakita ng ganito.
Na para bang walang isang malaking wall sa emotions niya.
"Nic, ikaw ata ang dapat na naka-confine eh." Sunod ni Chris na patawa.
"Loko." Umupo si Nickko at kinuha ang magazine sa table at binuklat ito na para bang walang nangyare.
Lahat kami ay nakatingin sakanya - nagtataka pero natutuwa na makita siyang masaya. Naramdaman niya ata ang mga tingin namin dahil binaba niya ang magazine, lumapit sakin at hiniga ang kama ko.
"Oh!"
Linagay niya ang magkabilaang kamay sa dalawang gilid ng kama at kinulong ako sa mga braso niya.
"A-a-a-no ginagawa mo?" Nauutal utal na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nararamdaman ko ang init ng kanyang mga braso sa sobrang lapit nito. Pero mas ikinaproblema ko ang paglapit niya ng mukha saakin.
Lumaki ang mata ko nang dinikit niya ang ilong niya saakin. Pagkatapos ay dali dali kong pinikit ito. Ano ba trip niya? Hahalikan niya ba ako? Sa harap nila Chris at Trev?
Isa. Dalawa. Tatlo.
Tatlong pinaka matagal na segundo ng buhay ko ang nakalipas bago ako pinakawalan ni Nickko sa pag torture niya saakin.
At just like always, hindi ko nanaman inexpect ang ginawa niya.
Imbis na halikan ako ay sinabi niya, "Sleep, my Angel."
Binuksan ko ang mga mata ko para tignan sana siya pero umalis na siya at hinila ang mga nakangangang Trev at Chris palabas ng kwarto. Bago siya umalis ay tumingin siya saakin at ngumiti ng signature playboy smile niya.
"Hinay hinay sa pamumula Angel, baka isipin nilang may sakit ka."
"Sa--!" Bago ko matapos ang tanong ay umalis na siya at iniwan ako sa kwarto. Sakit? Baka sakit ng ulo dahil sakanya.
Ahhhh! Naloloka na ako. Bakit niya gagawin yun? Linagay ko ang kamay ko sa overdrive na puso ko pilit na pinapakalma ito.
Focus Angel, focus.
Pero not on him.
Huminga ako ng malalim at pilit isara ang mga mata para makatulog. Walang use ang peptalk ko though. Kasi pagka pikit ng mata ko ay nakita ko nanaman siya.
Si Nickko.
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Storie d'amore❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...