Kabanata 6

2.2K 42 0
                                    

Hindi na ako nagdala ng kotse dahil baka makita pa nila ako sa parking kung sakali ngang pumunta sila sa Condo. Instead, dumiretsyo ako sa jeep station dala dala ang mga last minute empake ko. Hindi din naman sobrang bigat kasi onti lang ang dinala ko pero ganun pa man medyo hassle parin kasi punuan palagi ang commute. Pero eto, wala lang to. Kaya ko naman magcommute, hindi naman ako maarte pag dating sa ganyan.

Hindi katulad ni Nina.

High maintenance.

Pero siguro isa yun sa nagustuhan ni Gerard. Mahirap kasi ako dalhin sa mga events, lalo na pag nag ge-get together sila ng mga work mates niya puro pa-sosyal. Hindi ko talaga scene. Kaya ayun palagi akong awkward pag dating sa mga parties. Come to think of it, last July may birthday party sila, hindi ako nakapunta kasi may sakit ako nun. Pinilit ko si Nina pumunta para may makilala naman siyang maayos na lalaki. Ha, baka ang kinilala niya si Gerard.

Malandi.

"Bus station!" Ang sigaw ng jeepney driver.

O tignan mo, kung hindi pa isisigaw ng driver, hindi ko pa malalaman na andito na pala ako. Nagpasalamat ako kay manong at bumaba, pumunta sa ticket concierge. Habang hinahanap ko ang nakapaskil na oras sa Zambales ay nakita ata ng concierge na nagmamadali ako.

"Saan po ang punta miss?" Ang sabi niya sakin.

"San Felipe, Zambales po."

"Nako! Anong oras na ba? hmm 4pm? Wait lang Miss ah, sakto kasi may paalis kami ngayon, nadelay lang ng onti kanina. Check ko kung andyan pa." Kinuha niya ang telepono saka tumawag. "Hello, sir. Andyan pa po ba yung 4pm papuntang San Felipe...mmhm...okay okay...Sige po salamat."

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Sakto ka miss! Paalis na sila mga 5 minutes, may nagcr lang kaya iniintay nila. Meron din mga vacant seats kaya pwede ka pa makasakay."

"Ay ganun po ba. Maraming salamat po." Nagbayad ako ng 360 pesos sabay takbo papunta sa bus. Nasa pinakadulo siya kaya medyo nakakapagod pero kakayanin. Sabi ko nga wala lang to kung ikukumpara sa ginawa nila saakin. Makaalis lang ako dito sa Manila. Magpakalayo layo muna.

Pag akyat ko ng bus ay napuna ko ang seat sa likod. Sobrang perfect for me kasi wala masyado tao at pwede ako magdrama sa may bintana. Oo, mag fufull volume ako ng mga hugot na kanta at magddrama. Right ko yun bilang isang tao na naloko, na linoko. Umupo ako at pinikit ang mga mata. Naramdaman ko nang umandar ang bus pero may sarili na akong mundo sa isip ko.

LiwLiwa, Zambales.

Eto lang naman ang mapupuntahan ko na pwede magpaklaro sa utak ko. Dito kasi kami dati ng mga magulang ko pumupunta para magbakasyon o kaya naman makapag isip isip. Buo pa kami nuon, andyan pa si mama at si papa naman may oras pa para saamin. In short, masaya kami. Sobrang saya. Kung tatanungin ako kung ano pa wish ko nuon, sasabihin ko wala na. Kasi okay na ako sa ganun.

Pero hindi naman lahat ng masasayang panahon nagtatagal. Lahat talaga ng pagkakataon ay pahiram lang. Isang araw mawawala rin at yung araw na yun, hindi ko ineexpect na sa birthday pa ni mama. Bigla nalang siya inatake - heart attack. Dead on arrival na pagdating sa hospital. Biruin mo yun ang saya namin nung araw na yun tapos biglang, isang minuto lang, nawala ang lahat. Hindi namin alam kung bakit ganun ang nangyari. Sabi ng doctor samin na baka daw may mga symptoms na, na nararamdaman si mama pero wala lang siya sinasabi.

Nung mga panahon kasi nun, problemado din si papa sa trabaho niya - yung pinagttrabahuan niya na restaurant, palagi sila pinapaovertime. At wala din masyadong pera pa nuon. Kaya ayun, siguro naisip ni mama na wala lang yun. Na ayaw niya na dumagdag pa sa problema. Kaya ever since then, nung nawala si mama, todo trabaho na si papa. Siguro dahil part na rin yun na sinisisi niya sarili niya at ayaw niya na may mangyari na ganun ulit. Na pag nagkasakit ako may pang gastos na sa hospital bills.

Nung time na yun, sa wake ni mama, dun nabuo yung idea nila ni Uncle na magtayo ng French restaurant. Kaya ayun, here we are. A couple of years later, hindi ko talaga ineexpect na ang magttraydor sakin ay ang tinuring ko na kapatid.

Onting minuto pa ay hindi ko namalayan na unti-unti na akong nakakatulog hanggang ang huling tingin ko ay masikip na kalye ng Maynila.

✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon