"Ano sabi niya, Pa?" Ang tanong ko. By this time dinudurog ko na ang manobela ng kotse. Hindi pa ako nakakaalis sa building pero nabalita na nila? Ang bilis naman. Hindi pa nga siguro mag iisang oras nang breakup namin, irereport na agad? Hindi ko naman expect na ayusin pa ang relasyon namin pero atleast naman magkarespeto sila na patagalin muna nila kahit isang araw lang bago ipagsabi sa iba. Sabagay, pag ako ang nagsabi kela papa, siguradong magagalit sila. Hindi pag inunahan ako, pwede pa sila gumawa ng kung ano anong explanation sa side nilang dalawa. Pero ang kapal naman ng mga mukha nila. Anong explanation pa ba ang dapat na mangyari?
"Kelan kayo naghiwalay anak? " Malamang may nasabi si Gerard na hindi nagustuhan ni Papa kasi hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakakatuwa kasi kahit gumuguho na ang mundo ko ngayon ay alam kong may karamay ako. Si papa na andyan palagi sa tabi ko. Alam ko rin na nahihigh blood na siya sa pangyayari. At kung malaman niya ang kataksilan nila Nina? Nako, baka madamay pa ang restaurant sa galit niya. Ayoko naman mangyari yun.
"Kakahiwalay lang namin, Pa." Sinagot ko ng diretsyo ang tanong niya ng walang explanation dahil ayoko rin sabihin muna ang pangyayari kasi fresh pa ang sakit at irritado pa si Papa ngayon. Baka kung ano nalang ang magawa niya kay Gerard. Bago pa man makareply si Papa sa sinabi ko ay binungad ko ang pinakaunang request na hihingin ko sakanya, "Gagamitin ko muna yung leave ko pa. May pupuntahan lang ako."
Hindi ako nagleleave. EVER. Ang gusto ko kasi may naiipon ako para sa kinabukasan ko. Sa kinabukasan namin ni Gerard, na sana pag nagka-anak kami ay smooth ang buhay. Hindi mararanasan ng anak namin ang kahirapan. Pero ayun eh. Wala. Para sa wala rin ang pinag ipunan ko. Kaya why not gastusin ko nalang diba? Gawain din naman ni Nina ang pag leleave, so why not ako naman diba? Ako naman ang magpapakasaya.
"leave? Anong leave??" Halatang nagtataka na si Papa. Sino ba naman ang hindi? 3rd year anniversary namin tapos ang daming pasabog. First time magleave ng anak niya, syempre magtataka yun. Feeling ko rin nararamdaman niya na mabigat ang nangyari and knowing Papa? for sure bibigyan niya ko ng space. Space na makapagisip isip.
"Pa, please." Ang sabi ko sakanya. Mahina na ang boses ko dahil nagpipigil na ako ng luha. Gusto ko sabihin lahat sakanya pero hindi ko kaya. Nahihiya ako dahil ang daming preparations sa kasal, may mga oras na nabobother na si Papa sa kulit namin. Pero throughout the preparation, sobrang kalma niya lang - pinagbibigyan ako sa mga hiling ko. Dahil alam niya naman na dream ko na ikasal dati pa.
Tumahimik siya ng medyo matagal sabay huminga ng malalim. Naramdaman niya ata ang mabigat at malungkot na salita ko.
"Sige anak. Pero pagbalik mo kelangan namin ng paliwanag."
"Okay po. Love you pa." ang sabi ko.
"Love you anak. Magingat ka. "
Napasmile ako ng onti at binaba ang phone. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Naloloka na ata ako pero wala na ako pake. Ano ba ang pwedeng gawin? Ang sakit sakit. Sana pala hindi ko nalang binato ang singsing at isinanla ko na lang. Edi sana may extra money ako para ipang gastos sa vacation leave ko. Nakaganti pa ako sakanya.
Despite sa lost state ko ngayon, alam ko parin kung saan ako pupunta. Kung saan tahimik, kung saan ako makakarelax.
Pupuntahan ko ang lugar kung saan ko nakausap ng huli si mama.
Because what I really need right now is clarity.
Clarity kung ano ba ang nangyare bakit nagkaganito.
Clarity kung babalik pa ba ako o hindi na.
BINABASA MO ANG
✔ The Casanova's Angel (Filipino Novel)
Romance❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everything she could ever dreamed of - a career man fiance, a rich heritage, a loyal bestfriend, and a big l...