Chapter 4

8.8K 194 2
                                    

Freeya Knoxville's POV




"Princess, are you okay? Kanina ka pa walang kibo diyan." Tito Franco asked.


Kakasundo niya lang sakin sa school. Nasa kotse na kami at pauwi na. Tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana. Kadalasan ay nakikipagkwentuhan ako sa kanya at kinukumusta ang araw niya kaya siguro nagtataka siya sa mood ko ngayon.


"W-wala po, Tito Franco."


"You look so upset. May nangyari ba sa school niyo? May nang-away ba sayo? Tell me." May pag-aalalang tanong niya.


Sasabihin ko ba sa kanya?


I look at him intently. Tito Franco is like my Superman and it's really hard to keep a secret from him. Pero kapag sinabi ko naman sa kanya, baka magpunta siya sa school at ipatawag si Lennox. Baka maging issue pa kaming dalawa sa buong campus.


"Wala po talaga. I'm just a bit exhausted in school today." I said. This time ay medyo pinasigla ko na ang tono ng boses ko.


"Is that so? Akala ko may nang-away na sayo. Sabihin mo lang sakin at kukutusan ko yun." He jokingly said.


Bahagya akong natawa. "Owws, na touch naman ako dun." Pagbibiro ko rin.


"Anyway, how was your tutorial session with your classmate?"


I was caught off guard in his question. Akala ko pa naman malulusutan ko na. Siya pa pala mismo ang mag-oopen tungkol dun.


"Ahm, o-okay lang naman po. It went well. Yeah."


"Napakaswerte niya at isang top student ang naging tutor niya. Marami siyang matututunan sayo. Wait. Is this kid a he or a she?"


"He's a he, po."


"Lalaki? Is this guy harmless?"


"Yes, po. He's, ahm, harmless."


"Wala ba siyang ginagawang kakaiba? You know, kids this generation, malilikot na ang mga kamay ng mga yan."


I unconsciously touched my neck. Parang nasasakal na ako sa mga tanong niya. Kulang nalang ay ikukwento ko sa kanya ang totoong nangyari kanina.


"W-wala naman po. He's a good guy naman. Mahina lang talaga siya sa pagcatch up sa lessons nila so he needs a tutor."


"Okay. As long as he's harmless at walang gagawin sa'yo, okay na yun. Alam mo namang mahigpit ako sa mga guys na napapalapit sayo. I want you to focus first on your studies. Is that okay, princess?" he gently asked.


I just nod at him.


Hayyy, Tito Franco. If only you knew. He's neither harmless nor a good guy. He's a pervert!



KINABUKASAN ay napagdisesyunan kong magpasama na kay Demi sa library mamaya. Siya naman na ang nagsabi kahapon na willing siyang sumama, ako lang yung tumanggi.


I'm worried na baka ulitin na naman ni Lennox ang ginawa niya kahapon. Kaya para maiwasan yun, kailangang may kasama kaming iba.


"Naku, bestfreey, wrong timing ka! Hindi ako pwede ngayon." Sagot ni Demi ng ayain ko siya.


"Ha? Bakit naman?"


"Eeeh, fans day kasi ni Yankee-myloves bukas. Gagawa kami mamaya ng mga tarpaulins kaya kailangan kong umalis ng maaga," she apologetically said.


Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon