Chapter 22

7.4K 186 26
                                    

Freeya Knoxville's POV





Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin—ang lingunin si Kenjie na naiwang nakasalampak sa sahig o ang bulyawan ang taong mahigpit ang hawak sa braso ko ngayon. Naguguluhan parin ako sa bilis ng pangyayari. Nang makita kong malapit na kami sa gate ay saka lang ako natauhan.




Pilit na binawi ko ang kamay ko pero napangiwi lang ako ng mas lalo pang humigpit ang hawak niya roon.



"Hey! What are you doing? Bitawan mo nga ako!" I hissed at him pero hindi manlang niya ako nilingon.




Nilingon ko si Kenjie na ngayon ay pinipilit na makatayo. Halata sa mukha niya na may masakit sa kanya.




"Let go of me! Babalikan ko si Kenjie."




Imbes na huminto ay mas lalo niyang binilisan ang paglakad. Lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil sa laki ng bawat paghakbang niya. Nakarating kami sa parking lot. Marahas niyang binuksan ang sasakyan niya at basta-basta na lang akong initsa sa loob. Mabilis naman siyang umikot at naupo sa driver seat.




"What do you think you're doing?" Sigaw ko ng makapasok siya.




Gusto kong maiyak dahil sa ginawa niya kay Kenjie. Kawawa naman yung tao.





"That's supposed to be coming from me. What do you think you're doing?!" Natigilan ako ng umalingawngaw sa loob ng kotse ang boses niya. Napaatras bigla ang dila ko ng makita ang napakadilim na anyo niya. He looks so.. furious. "Bakit ka nakikipaghalikan sa werdong yun? Tangina, niloloko mo ba ako?!"





Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. I'm not immune to him speaking in straight Tagalog language with a cool accent.


No! It's not cool!


He said 'tangina'. Minura niya ako!


Naguguluhan man ay pilit kong sinalubong ang nagbabaga niyang mga mata.


"W-what are you saying? Hindi ako nagkikipaghalikan sa kanya. He was helping me kasi napuwing ako."


"Damn it! Wala akong pakialam! You shouldn't keep him that close to you in the first place."


"Ah, kaya ba nananapak ka nalang bigla?! Kawawa naman yung tao. And can you please stop cursing and yelling at me?!"


"Okay, sorry, it's not for you anyway. It's for that asshole."


"He's not an assho—"


"Stop. Spare yourself from that dirty word."


"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magmura at magdirty-talk?!"


"Tang i—This is not about me, this is about that ass—that weirdo. He should fucki—know his place. Kapag lumapit pa siya sayo, hindi lang yun ang aabutin niya."


"This is crazy. Palabasin mo ako dito, babalikan ko si Kenjie."


"Do that or else..."


"Or else what?"


"I'll kill him."



He will what? He's kiddi—



I gulped. His intense glare.. his dangerous voice.. his menacing look.. He seems to be serious at what he said.


No. He is really serious as hell.


Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon