Chapter 10.1

8.3K 179 5
                                    

Freeya's POV

"Tito Franco, someone is calling you."

Nasa sasakyan na kami ni Tito Franco at papunta sa school ng marinig kong nagring yung cellphone niya na nasa dashboard. His full attention is focused on the road kaya siguro hindi niya napansin iyon. Ako na ang umabot ng cellphone niya at binasa kung sino ang tumawag.

"What's the name, princess?" He asked.

"Ahmmm, Finnick?"

Nagulat ako ng bigla niyang hablutin sakin yung cellphone niya. Pinatay niya iyon at agad initsa sa dashboard.

I looked at him with confusion. "Why did you ended the call? Baka importante po yun."

"It's.. it's not important."

"Are you okay, Tito Franco? You look pale. Sino po ba si Finnick?"

"He's, ahm.. he's just one of those people who wants to ruin our company. Don't worry about it." Sabi niya. Hindi ako sigurado pero parang may himig ng kaba ang boses niya.

"Is he a threat? Parang naging kabado kayo bigla."

"No. Just, just don't mind him." He said, dismissing the conversation.

I just shrugged at hindi na nagtanong sa kanya.

Nang makarating sa campus ay agad kong tinahak ang hallway papuntang SSG office. Bumagal ang paglakad ko ng madaanan ko ang Administration building. Sa labas ng 4th floor ng building itinali ang grupo ni Winston. Siguro malaki ang atraso nila sa mga taong may kagagawan nun.

I know that what happened to them was too much. Pero mas mabuti na ring wala na sila dito sa school. Who knows, baka gawin pa nila sa ibang students yung ginawa nila sakin.

I just sighed bago nagpatuloy ulit sa paglalakad. Excuse ako ngayon sa lahat ng subjects ko. As the president kasi, I need to take the lead in the preparation for the incoming Foundation week.

Every year ay may mga hinahanda na programs para sa celebration. And this year, I want to make it lively and memorable. I'll do my best to make it a blast.

Buong araw ay nasa office lang ako with the other officers. We made plans and blueprints on what to do for the one-week celebration. Dapat kasi ay iba-iba ang activities each day kaya marami kaming kailangan trabahuin.

I feel so drained at the end of the day. Kalalabas ko lang ng office at naglalakad na ako sa may hallway palabas ng school. I was massaging my nape when I immediately felt a sense of deja vu.

I remembered a scene at the library where I was also touching my nape. Tumayo nun si Lennox Lucchese, dinala ang upuan niya sa tabi ko at naupo doon. Nung nagdidiscuss na ako, bigla niya nung hinawakan ang bewang ko. I was about to scold him but then he said that he won't do anything more than that. We were so close that we can even feel the heat coming from each other's body.

Mauulit pa kaya yun?

"BestFreey, okay ka lang?"

Napakurap-kurap ako ng marinig ko ang boses ni Demi. Hindi ko namalayang sumasabay na pala siya sakin sa paglakad.

"Heeey!" Umakto akong inaayos ang salamin ko at pilit pinagtatakpan ang pagkagulat ko.

"Anong hey? Kanina pa ako nandito pero ngayon mo lang in-acknowledge ang presence ko. Okay ka lang? Tulala ka na naman." Titig na titig na tanong niya sakin.

"Pasensya na. I feel so exhausted from all the works in the office." I apologized. "Wait, it's already past five. Di ba dapat nakauwi ka na?"

"Kanina pa talaga kami dinismiss. May dinaanan lang ako sa library."

Library..

Kailan kaya kami ulit magkakaroon ng tutorial session doon? Is he really serious when he said that I should stay away from him?

"Hooy!" Napaigtad ako ng biglang sumigaw si Demi at sikuhin ako. "Tulaley ka na naman dyan."

"Ha? H-hindi. May iniisip lang ako about sa meeting namin kanina."

"Oh, kumusta naman pala yung preparation niyo para sa foundation week?"

"Ok naman. We already stabilized some plans. Yung sa after-party na lang ang pinoproblema namin."

Narinig ko siyang suminghap. "BestFreey, diba palaging nag-iinvite ang school ng celebrity?"

"Yahh. That's exactly what our problem is. Wala pa kaming mapili para mainvite at magperform."

Bigla siyang humarap sakin at hinawakan ang mga kamay ko. "Bestfreey, pwede bang si Yankee-myloves na lang ang imbitahan niyo. Please, bestfreey! Gusto ko talaga siyang makita upclose." She plead.

Oo nga naman. Ba't hindi ko naisip yun?

Natatawang tumingin ako sa kanya. "Hayy, Demi. You are really crazy over him."

"Anong crazy over him? I'm obsessed with him kamo! So, ano nga?"

"Oo na, oo na. I'll see what I can do."

"Ha? Bat 'I'll see what I can do' lang??"

"Hindi naman kasi basta-basta yun. Syempre we still have to check his availability at kung kaya ng budget namin ang TF niya."

"Hayst! Ganun ba yun? Basta ha, siya ang first choice niyo."

"Oo ba."

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon