Freeya's POV
"Good morning, class!"
Agad kaming nahinto sa pag-uusap at umayos sa pag-upo nang pumasok sa classroom si Miss Alba. It's early in the morning at siya ang first subject namin. Pumwesto siya sa may table at humarap samin.
"Before we start our lesson, I just want to inform you, guys, that the Foundation week celebration was a success. At hindi mangyayari yun kung hindi dahil sa efforts na inilaan ng SSG president ng school. So, Miss Knoxville, please stand." Nakangiting baling niya sakin. Sinunod ko siya at tumayo. "Students, let's all give Miss Knoxville a round of applause." She exclaimed.
Agad nagpalakpakan ang lahat ng classmates ko. Nakangiti naman ako habang nakaharap sa kanila. Natutuwa ako sa kahit ganito kasimpleng acknowledgement na natatanggap ko. It reminds me na may umaappreciate sa mga pinaghirapan ko.
Hindi sinasadyang napabaling ako sa side ni Keiko. Nakangiti siya at pumapalakpak din habang nakatingala sakin. Ginantihan ko rin siya ng ngiti.
Nang umupo ako ay naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Demi.
"Naks naman! Pa-fame ka talaga BestFreey. I'm so proud of you." Ani niya.
I gave her a sideway glance at kiming ngumiti. "Thanks, Demi."
Natapos ang first subject namin kay Miss Alba. Vacant period namin sa next subject kaya nandito lang kami sa loob ng classroom at kung anu-ano ang ginagawa. I'm reading some of my notes habang si Demi naman ay nakikipag-chitchat sa ibang classmates namin. And as usual, ang idolo na naman niyang si Yankee Zaito ang bukambibig niya.
"Freeya, nasa labas si Kenjie. Hinahanap ka." Imporma sakin ng classmate kong si Daisy. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat.
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Nakita ko ngang naroon si Kenjie, ang co-officer ko sa SSG.
"Ken, may kailangan ka?" I approached.
"Hey, Freeya. Sorry sa pag-iinterupt pero busy ka ba ngayon?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman, vacant subject namin ngayon. Why? Do you need anything?" Tanong ko. Nakita ko kasing may mga dala siyang papel.
"Oo sana. This regards with my financial report during the Foundation week. I need you to review it and kailangan ko rin ang signature mo. Kailan ka ba pwede?"
"Mmm, ngayon na lang siguro. I'll just get my things at sasama na ako sa office."
Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpaalam kay Demi. Wala naman na kaming klase ngayon, hinihintay na lang namin ang lunch break.
Sabay kami ni Kenjie na tinungo ang SSG office. He is our Committee on Finance. Every semester ay hinihingan kami ng financial report ng School Admin, at alam kung kailangan na iyong matapos ngayon since mag-eend na ang first semester.
Mahigit kalahating oras rin kaming naroon sa loob ng office. Kailangan kasing accurate ang mga details kaya ilang beses ko munang nireview.
"Aalis ka na?" Tanong ko sa kanya ng makitang nililigpit niya ang mga gamit niya.
"Yup. Kailangan ko kasing hanapin si Viviene. Her signature is needed here since she's the Auditor. How about you? Dito ka lang?"
Saglit kong chineck ang wrist watch ko. "Yahh. One hour pa bago maglunch break. Magpapaiwan na lang muna ako para magstudy."
"How do you do that?" Kapagkuway tanong niya.
"Do what?"
"Ang pagiging student leader at pagiging top one in academics at the same time."
"I don't know. Time management? Maybe?" Natatawang sagot ko.
"You know what? I wish I could be like that to. But I just can't handle too much stress and I'm not a multitasker like you."
"Wag mo namang maliitin ang sarili mo. Everyone has its own upswing and downfall. I'm sure, darating then ang moment na magagawa mo ang gusto mo." I said as I pat his shoulder.
"Grabe, you're really good at your words. Thanks for that little advice. Good luck, then. I'm going." Nakangiting paalam niya.
Nang mapag-isa ako ay saka ko kinuha ang mga notes ko. Kahit kasi sabihing excuse ako sa klase during our preparation for the foundation week, responsibilidad ko paring humabol sa mga lessons. I was scanning my notebook ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ko kanina kay Kenjie.
Yah. I can say that my career as a student is really on the upswing. Pero kelan naman kaya ang downfall moment ko?
Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto. I also heard a 'click' sound which means inilock iyon. I assumed na si Kenjie iyon at baka may binalikan lang.
"Ken? Bumalik ka, may nakalimutan ka ba?" I asked without raising may head.
Narinig ko ang papalapit na yabag sa table ko.
"Enjoying some privacy with that dork?"
BINABASA MO ANG
Wild Sessions [Slow Update]
Teen FictionPROLOGUE "Wow! Naperfect mo yung sample quiz ko. Handa ka na sa exam niyo sa Math," masigla kong sabi kay Lennox Lucchese, ang tutee ko. As usual, wala na naman akong narinig mula sa kanya. I just saw him boredly sighed. "Uuwi na muna ako Lennox, ha...