Chapter 37 [061619]

11.8K 270 255
                                    

Freeya Knoxville's POV


I close my eyes as I feel the fresh air brushing through my face. The breeze of the wind is becoming colder but the cloth hugging me is giving me warmth. Unti-unti nang dumidilim ang paligid at kasabay noon ay ang pagkislapan ng mga ilaw mula sa iba't-ibang establisyemento. The tiny lights looked like constilations in the sky. Para ako ngayong nags-stargazing, sa baba nga lang nakatingin.



I heard Lennox faked a cough. Kanina ko pa ramdam ang mga titig niya pero hindi ko lang iyon binibigyan ng pansin. I'm still in awe with the sight in front of me.



"So.." parang nag-aalangan pa niyang sabi. "What did Finnick told you?"



Mula sa tanawin sa harap ko ay bumaling ang tingin ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa harap ng sasakyan niya. Inurong niya iyon ilang metro mula sa bangin para may maupuan kami.



"Yung alin ba?"



"Sinabi mo kanina na naguguluhan ka sa lahat ng sinabi sayo ni Finnick. So, what did he told you?"



"Ahh," oo nga pala, sinabi ko yun kanina bago niya ako hilahin. Akala ko hindi siya nakikinig non. "Kaya mo ba ako dinala dito para tanungin ang tungkol doon?"



"Nahh. I brought you here so you could vent all your confusions. I was thinking that this place might help you and me as well. Kung anuman ang gumugulo sayo ngayon, you can tell it to me. I won't mind."



I secretly bit my lower lip. The butterflies in my stomach are in chaos again. This is just so sweet. I can't believe that Lennox Lucchese is capable of doing this. Concern din pala siya sakin.



Kanina nang sinabi niyang he want to save me from drowning in my own thoughts, hindi ako agad nakapagreact doon. Hindi ko kasi agad naintindihan ang ibig niyang sabihin. Hanggang sa umalis siya at inilipat sa kinatatayuan ko ang sasakyan niya. Ito pala ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang ibahagi ko sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.



"Ano.. sabi kase ni Finnick, kapatid ko raw siya."



Wala akong makapang salita para idugtong sa sinabi ko. Sandaling namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa.



"How do you feel?" he asked again.



"Saan?"




"Now that you learned that you have a brother."



Natigilan ako sa tanong niya. Ano nga ba ang dapat kong maramdaman ngayon? All my life, I thought that I was an orphan. Then all of a sudden, may isang taong darating at sasabihing kapatid ko siya at yung taong nag-alaga sa akin ang tunay kong ama.




"Honestly, I still don't know what to feel and how to react. Naguguluhan pa kasi ako. Pang-badboy lang mamorma si Finnick pero ramdam ko na mabuti siyang tao. Pero hindi ko lang alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinabi niya."




I heard him sighed. "You know what? I never imagine that I will be saying this but.." umangat ang isang dulo ng labi niya at napailing-iling. "..trust that a-shole. Hindi siya nagsisinungaling."



"Paano mo naman nasabi yan? Gaano mo ba siya kakilala?"



"We're not that close like friends but we know each other like siblings."



Tumango-tango ako tsaka bumaling ulit sa harap. "Hay, hindi ko na alam. I never see this one coming. Tanggap ko na na tatanda akong wala sa piling ng tunay kong pamilya. Pero this past few days, marami akong nalaman. Nalaman kong kapatid ko si Finnick at sabi pa niya, si Tito Franco daw ang tunay kong ama. He also said that my parents didn't die in car accident. Sinadya daw silang ipapatay. At higit sa lahat, nalaman kong hindi mabuting tao si Tito Franco."



I paused for a moment.  Ang hirap talaga para sakin na tanggapin at paniwalaan iyon. Pero ano nga ba ang alam ko tungkol kay Tito Franco?



"Sa totoo lang hindi ko pa alam kung paano ko pakikisamahan si Tito Franco pagdating niya. I want to asked him to confirm everything. Pero natatakot ako sa kanya."



Iyon pa ang ikinababahala ko. Paano na lang kung dumating na nga si Tito Franco? Will I have the guts to confront him? He's been a good guardian to me. Ramdam kong ako ang pinakamahalaga para sa kanya. Pero hindi pwedeng iyon lang ang gamitin kong basehan para sabihin kung mabuti nga ba siyang tao. I witnessed how he hurt Nanay Nancy. At sabi pa ni Finnick, siya rin daw ang nagpapatay kina Mom at Dad.



"I can get you out of that place," bigla ay sabi ni Lennox. I looked at him and I saw how serious he is. He took my hands and look straight to my eyes. "Ngayon mismo. Kaya kitang itakas mula kay Franco Salvatore. Pwedeng hindi ka na umuwi sa mansion na iyon ngayon. Just say it," he said with full of sincerity. May himig ng pakikiusap ang boses niya.



"Bakit ko naman gagawin iyon?" nagtatakang tanong ko sa kanya.



"Franco Salvatore owns a drug empire. He is a member of a notorious syndicate. Hindi siya mabuting tao. Hindi ligtas para sayo na manatili pa sa poder niya."



Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Paano mo nalaman ang lahat ng yan?"



Natigilan siya at dahan-dahang umatras. "I-it's one of my job."



"Job? Tell me, ano nga ba talaga ang trabaho mo, Lennox?" lakas-loob kong tanong sa kanya.



He gulped hard. Matagal niya akong tinitigan. Magsasalita na sana siya nang tumunog ang cellphone ko. I took it out and saw the head of my security calling. Tumingin ako kay Lennox bago iyon sagutin.



"Hello."



"Hello po, Miss Freeya. Nasaan na po kayo? Kailangan na po nating umuwi."



"Ha? I'm.. I'm still at the SSG Office. Give me more minutes, lalabas na rin ako. Pakihintay na lang," agad kong pinatay ang cellphone at tumayo. "Lennox, kailangan na nating bumalik sa school bago pa man nila mahalata na wala ako doon," kinakabahan kong sabi sa kanya.




Bumaba siya nang kotse at lumapit sakin. Huminto siya sa mismong harap ko. "Uuwi ka pa rin ba sa mansyon na yun?"



Tumango ako.



"Freeya, nung sinabi kong kaya kitang ilayo kay Salvatore, seryoso ako dun. Pwedeng hindi mo na siputin ang mga guards mo ngayon. Just say it."



Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya. I can see it. I can feel it. He is dead serious right now. Nakakaingganyo ang inaalok niya pero kase...



"Lennox, hindi ganoon kadali iyon," I said in small voice.



He took a deep sigh before pulling me to him. He kissed my forehead. This time, it was not a quick kiss. Matagal at mariin ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Bahagya siyang lumayo at inayos ang suot kong jacket na sa kanya mismo. Pagkatapos ay inalalayan niya akong pumasok sa kotse at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. Ilang segundo lang ay binabaybay na namin ang daan pauwi.



Napansin kong tahimik na naman siya. His face is void with emotions. Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa daan. Nakaramdam na naman ako nang kaba ng makita ko kung anong oras na. Six-fifteen na pala. Kaya pala hinahanap na ako ng mga bodyguards ko.



We arrived at school. Agad kong kinalas yung seatbelt ko. Lalabas na sana ako nang kotse nang hawakan ni Lennox ang kamay ko.



"Freeya, I need to tell you something."



Napangiwi ako. "Ah, Lennox, can you save it for next time? Kailangan ko na talagang puntahan ang mga guards ko bago pa sila magtaka," dahan-dahan kong kinalas ang kamay niya. "Thank you for this day," iyon lang at agad akong lumabas ng kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon