Chapter 33 [032219]

5.7K 155 35
                                    

Freeya Knoxville's


HINDI ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Tinitimbang ko pa kung ano ang dapat kong gawin. Tatakbo ba ako?

Napaigtad ako ng bigla siyang pumitik sa harap ko. "Ang gwapo ko ba? Natulala ka na kasi." He smiled playfully.

"Ikaw yung lalaki kanina," wala sa loob kong bulong. Bigla kong hinablot ang lampshade na nasa gilid ng kama ng humakbang siya palapit. "Don't you dare move a bit!"

"Hey! Calm down, baby girl. Hindi kita sasaktan."

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Anong kailangan mo? G-gagantihan mo ba ako dahil sa ginawa sayo ni T-tito Franco?" Sunud-sunod kong tanong. Nangingilid na ang luha ko dahil sa takot.

"Please, wag kang umiyak!"

"Answer my questions first kung ayaw mong lumipad patungo sayo ang lampshade na'to! N-nananakit ako!" My voice was trembling but I tried my best to sound convincing.

"Woah. You're learning to fight back. That's a good progress," there's amusement in his voice.

Nakangiting humakbang siya paatras hanggang sa dumikit na siya sa may bintana. Iika-ika pa siya. Naalala kong may tama siya ng baril sa binti. His bruises are still visible. Seryoso bang nagawa niyang umakyat dito sa kwarto ko sa lagay na yan?

Komportableng umupo siya at sumandal sa dingding. "Okay, dito lang ako. Hindi kita lalapitan. I just want to talk to you. Pero bago yun, pwede bang umupo ka muna? Relax." Dahan-dahan akong umupo sa kama pero hindi ko parin binitawan ang lampshade. "There you are. Ano nga ulit yung tanong mo? Isa-isa lang ha, mahina ang kalaban," he chuckled.

Huminga muna ako ng malalim.

"Sino ka?"

"I'm Finnick Salvatore."

Salvatore? So.. "Anak ka ba talaga ni Tito Franco?"

Pinaikot niya ang mga mata niya. "Unfortunately.. yes."

I gasped. "Pero bakit ngayon lang kita nakita?"

"Hindi mo ba ako maalala?" Umiling ako bilang sagot. "Hindi talaga pamilyar sayo ang mukha ko?" tanong niya ulit.

"Sigurado akong ngayon lang kita nakita."

Kumunot ang noo niya at tila nag-isip. "Paano nangyari yun? We were separated 5 years ago. You were already 11 years old. Dapat naaalala mo na ako."

"May sinasabi ka?" tanong ko. Bubulong-bulong kasi siya.

"Damn that old man! Siguradong may ginawa siya para makalimutan mo kami."

Lalong nangunot ang noo ko. Ang gulo niyang kausap. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. "I'm sorry but I really don't know what you're talking about."

"How about your parents? Naaalala mo pa ba sila?"

Bigla akong napaisip sa tanong niya. "Actually, wala akong masyadong matandaan about them. I was still young when we met a car accident. Nakaligtas ako pero nagkaroon daw ako ng head trauma kaya siguro blurred ang iba kong memories. Kung anak ka talaga ni Tito Franco sigurado akong kilala mo sila. Tito Franco said na bestfriend niya daw si mom." I don't know why but I just found myself telling my story to him.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon