Chapter 14.2

8.5K 198 51
                                    

Freeya's POV

PARA akong istatwa sa tuwid ng pagkakaupo ko. Hindi pa ako nakuntento at ipinatong ko pa sa kandungan ko ang backpack ko. Lumabas ulit si Kenjie para maglunch. Pero kahit alam kong nag-iisa nalang ako dito sa office, conscious na conscious parin ako sa sarili ko.

Deym! Bat ko ba nakalimutan na hinubad pala ni Lennox Lucchese ang underwear ko? Sa sobrang taranta ko kanina, basta ko na lang siya pinaalis.

I checked my wrist watch, it's already 12 PM. Now what, hindi na lang ba ako magtetake ng lunch?

Ayoko namang malakad ng walang undies sa labas. Two inches above the knee ang skirt namin at konting hangin lang, baka makita na ang private area ko.

Narinig kong may pumasok sa loob ng office.

"BestFreey?" Si Demi.

"I'm here, Dems!" Sagot ko.
Natatakpan kasi ang table ko ng mga cabinet kaya hindi agad nakikita.

"Hey, tara lunch na tayo." Aya niya ng makalapit siya.

Napangiwi ako. "Ahm, ano, mauna ka na lang muna, Dems."

"Ha? Hahayaan mo akong maglunch mag-isa? Ayoko nga. Alam mo namang ikaw ang gusto kong kasabay, diba?" Nakangusong sabi niya.

Geez! Panu ba 'to? Gutom na rin ako pero ayoko namang maglakad ng walang undies sa labas.

Pasimple kong pinakli-pakli ang mga papel na nasa table ko at nagkunwang binabasa ang mga yun.

"Ahm, a-ano kasi, m-may kailangan pa akong icheck na mga, ano, d-documents. Yahh." Geez! I'm not really good at lying. I can feel my voice trembleng.

"Hayy naku! Tama na nga muna yang paper works mo. Tao ka rin naman. You should take a break." Bigla niya akong hinatak patayo. "Let's go. Maglalunch tayo sa ayaw at sa gusto mo." She persistently said.

Bakit ko ba nakalimutang napakakulit ng kaibigan kong to?

I sighed in surrender. "Okay-okay. Aayusin ko lang ang sarili ko."

Bahagya kong ibinaba ang skirt ko at itinaas ang mga knee socks ko bago sumunod sa kanya. Nagbitbit rin ako ng ilang libro at hinawakan iyon sa bandang skirt ko. At least pag ganun, hindi masyadong gagalaw ang palda ko. Todo ingat ako sa bawat paghakbang ko habang naglalakad kami.

This is so louche! Who would have thought that a girl as decent as me will be walking around the campus with no undies on. Hindi ko naman pwedeng isisi ang lahat sa kapilyuhan ni Lennox Lucchese. Hinayaan ko din naman ang sarili kong madala sa ginawa namin kanina.

"Best, okay ka lang? Ba't ganyan ka maglakad? Tsaka, ampula ng mukha mo." Biglang tanong ni Demi.

I unconciously touched my cheeks. Ang init nga ng mukha ko!

Pasimple kong pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko at inayos ang eyeglasses ko.

"Ahm, medyo namamanhid kasi ang paa ko sa tagal ng pagkakaupo ko. At tsaka, mainit."

She just shrugged. Mabuti na lang at hindi na siya nangusisa, I'll get sick if I'll tell another lie.

Nang makarating kami sa cafeteria ay siya na ang pinag-order ko. Naupo na lang ako at hinintay siya. Pagkatapos naming kumain ay naglakad ulit kami pabalik.

"Demi, pwede bang iexcuse mo lang muna ako sa next subject natin?" I asked nung nasa hallway na kami.

Hindi rin naman ako makakapagconcentrate sa ayos ko ngayon kaya naisip kong umabsent lang muna. I'm sure my teachers will understand, lalo na kung malalaman na nasa SSG office ako.

"Bakit? Hindi ka papasok?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi lang muna. May mga unfinished works kasi ako sa office. Kailangan ko yung asikasuhin." Paliwanag ko.

"Okay. Ako na ang bahala. Ayy! Oo nga pala, may favor din ako sayo."

"Spill it."

"May bibilhin kasi ako mamaya sa mall. Samahan mo naman ako." Puno ng excitement ang boses niya.

Napairap naman ako. Alam ko na to. "Tell me na wala itong kinalaman kay Yankee Zaito."

"Yiiee, paano mo nalaman?" Tila kinikilig na tanong niya.

"Hay naku, Demi! Nagsheshape heart na naman kasi ang mata mo."

Pareho kaming natawa sa sinabi kong iyon. Pero agad kaming natigil ng may sumagi sa kaliwang balikat ko. Nahulog tuloy ang mga dala kong libro. Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang mga yun. Hindi ako pwede yumuko dahil baka kung ano ang makita sakin. Yung lalaking nakabunggo ko mismo ang pumulot sa mga libro.

My forehead furrowed. Teka, pamilyar sakin ang tindig niya. Sa suot niya palang na hood, alam ko na kung sino siya.

Dahan-dahan siyang tumayo at tila ba sinasadyang pasadahan ng tingin ang katawan ko.

I gulped when our eyes met. Iniaabot niya sakin ang mga libro. Wala sa sariling tinanggap ko naman yun.

Nanaunudyung bumaba ang tingin niya sa may skirt ko. I saw him smirked before he turned his back.

"Diba yung tutee mo yun? May pagkagentleman naman pala siya. Kaso hindi minsan nag-iingat." Ani Demi.

Pinakli ko ang cover page ng nasa ibabaw na libro. Tama ako, may sticky note siya na inilagay doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang nakasulat doon.

'5:00pm @ the library'

...

"Demi.. I think hindi kita masasamahan sa lakad mo mamaya."

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon