Chapter 10.2

8K 171 3
                                    

Freeya's POV

The days passed by without me even noticing it. Siguro ganun nga talaga kapag masyadong busy. It's already the fifth and the last day of the foundation week celebration.

Naglalakad ako papuntang comfort room habang hinihimas ang batok ko. I'm really feeling tired and drained for the passed days. Nanlalagkit narin ako dahil sa pawis. Pagnairaos ko ang araw nato, I'll really reward myself with a relaxing shower.

Mula rito sa linalakaran ko ay dinig na dinig ang hiyawan mula sa loob ng gym. Kasalukuyan kasing nagpeperform ang ilan sa invited guests namin. The after-party is the last part of the event. Pumuslit muna ako dun para magbanyo.

"Ay!" Paliko na ako ng may makasalubong akong lalaki. Hindi naman kami nagbanggaan, nagkagulatan lang.

"Freeya Knoxville."

Nagtigilan ako ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako ng mamukhaan ko siya.

"Yankee Zaito?!" Bulalas ko. Isa siya sa mga celebrities na invited sa after-party. I can't believe that I'll meet him this close. Ang ibang officers kasi ang sumalubong at nag-asikaso sa kanya ng dumating siya. Siguradong maiingit si Demi kapag nalaman niya to. "Wait, what are you doing here?"

"Ahm, nagbanyo?" Alanganin niyang sagot.

"Ahh." Tumango-tango ako ng maalala kong comfort room nga pala ito ng gym. Nagtatakang nilingon ko siya ng may maalala ako. "I heard you mentioned my name. Kilala mo ba ako?"

"Haa? Ikaw kilala ko? Hindi no! Ano, kuwan..." Parang hindi niya alam ang isasagot at naging malikot yung mata niya. "Ayan! Nakasulat dyan, oh." Turo niya sa harap ko.

Wala sa sariling napatingin din ako sa harap ko. Oo nga pala, may ID akong suot. Ang assuming ko naman para isipin na kilala ako ng isang Yankee Zaito.

Nakarinig kami ng mga boses na mula sa hallway at mukhang papalapit sa kinatatayuan namin.

"Ahh, sige, mauna muna ako ha. Baka kuyugin na naman ako dito. Anyway, it's nice to finally meet you Freeya Knoxville." Sabi niya bago tumakbo palayo.

Ano daw? To finally meet you?

Umiling-iling ako para mawala kung anuman ang iniisip ko. I feel so drained para iover analyzed pa ang sinabi niya.

Pumasok na ako ng banyo para gawin ang kailangan kong gawin. Nang matapos ako ay naglakad ulit ako pabalik sa loob ng gym.

I check my wrist watch. It's quarter to five. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang party. Makakauwi na ako at makakapagpahinga.

"Miss Knoxville?"

I snapped out when I heard my name. Pag angat ko ng tingin ay si Mrs. Castro ang nakita kong papalapit.

"Good evening, Ma'am." I greeted and smiled at her.

"Good evening. Anyway, di ba ikaw yung tutor ni Mr. Lucchese?"

Natigilan ako ng marinig ang pangalan na yun. These past days, hindi ko na siya naisip dahil sa sobrang busy ko. Magmula nung niligtas niya ako, hindi ko na siya nakita pa ulit.

"Ahm, yes po." I answered.

"In any case, nakikita mo pa ba siya? The days before the Foundation week celebration kasi, hindi na siya pumasok sa lahat ng classes niya. One week after this event, it's already your midterm exam. I'm worried na baka hindi na naman siya makapasa." Nag-aalalang sabi niya.

"Pasensya na po pero hindi ko na rin siya nakikita. And besides, naging busy rin po ako ngayong week."

"Ganun ba? Tinanong ko na rin kasi lahat ng classmates niya but no one knows kung bakit hindi na siya pumapasok. Wala ring may alam kung saan siya nakatira. Hayy! Ang batang yun talaga, napakamisteryoso. Anyway, thank you for your time Miss Knoxville."

Tumango lang ako bilang sagot.

Nang makalayo siya ay saka ko lang pinakawalan ang buntong hininga ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Please, Freeya. Stop caring for him. Siya na mismo ang nagsabing lumayo ka sa kanya, remember?

But you still have a responsibility on him as his tutor. And besides, alam mo rin kung saan siya nakatira.

Napahawak ako sa noo ko ng makaramdam ako ng pagkalito. Ito na naman, ginugulo na naman niya ang sistema ko.

Hanggang sa pag-uwi ko ay patuloy ko paring tinitimbang kung ano ang gagawin ko. Hindi naging maayos ang tulog ko ng gabing iyon sa kakaisip sa kanya.

No matter how may times I tell myself not to care for him.. No matter how many times I remind myself to stay away from him.. Kinabukasan, namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng taxi, tinatahak ang daan papunta sa lumang apartment ni Lennox Lucchese.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon