Chapter 19.2

8.8K 236 49
                                    

Freeya's POV

After that wet kiss, he rested his forehead on my shoulder at mahigpit na hinawakan ang bewang ko. I can feel his heavy breathing.

"May masakit ba sayo?" I asked as I gently combed his hair.

Ungol lang ang isinagot niya at hindi ko alam kung Oo o Hindi ba iyon. I was tracing his bare back when I touched something wet. Naramdaman kong napaigik siya. Pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo na. Nanlalaki ang matang lumayo ako sa kanya at tiningnan ang likod niya.

"Oh my!" I gasped when I saw bleeding scratches on his back. Meron rin sa balikat niya at pati narin sa may dibdib. Siguro hindi ko lang agad napansin dahil sa dilim ng paligid. "May mga sugat ka! What happened to you? Nasaan ang first aid mo? We need to treat those." Frantic na sabi ko.

He gently held my hand. "No need. Galos lang yan."

"No! Gagamutin natin yan." Hinalughog ko ang mga cabinet niya at agad ko namang nakita yung first aid kit na kinuha niya kanina. "Tara sa kuwarto mo."

I held his hand and made him sit on his bed. Agad akong kumilos at isa-isang inaplayan ng alcohol at betadine ang mga sugat niya. My heart is beating so fast and my hands are trembling. Ingat na ingat ako sa bawat hagod ng kamay ko kahit wala akong naririnig na reklamo mula sa kanya. Mostly sa mga sugat niya ay maliliit lang pero dumudugo parin. May ilan ring malalim at mahaba ang hiwa. Doon ako nahirapan. Hindi lang iyon galos, it's like he's been stabbed by a knife.

Wala akong alam sa panggagamot pero nagawa ko naman. Maybe my instinct and the adrenaline rush told me what to do. Sa huli ay linagyan ko ng band aids ang mga sugat niya.

His eyes were already closed when I faced him. Malalim narin ang paghinga niya na parang natutulog na talaga. How did he manage to sleep in this position? Sa mga ninja sa tv ko lang to nakikita.

Nangingiting dahan-dahan ko nalang siyang itinulak pahiga. Hindi naman siya nagising but he grabbed me kaya napahiga narin ako. He hugged me so tight and inhaled my hair.

Nang malalim na ang paghinga niya ay saka ako naupo. Kailangan ko pang asikasuhin ang pagkain namin. Nagugutom narin kasi ako. I stared at his face for a while.

There are so many questions that I want to ask him. Pinigilan ko lang magtanong kanina kasi gusto kong magfocus sa paggamot sa kanya.

How did he get those wounds?

Napaaway ba siya?

Naaksidente?

I kissed his forehead bago ako dahan-dahang tumayo. Kinuha ko ang mga ginamit sa paggamot sa kanya at lumabas na. I went to the kitchen to prepare our food. Luckily, may nakita naman akong bigas sa isang cabinet niya kaya nakapagsaing ako. I know how to cook rice dahil nagpaturo ako kay Nanay Nancy pero sa electric rice cooker lang.

Habang naghihintay ako na maluto iyon ay nagpunta ako sa living area. I stand on the middle at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Wala manlang dekorasyon sa paligid tapos luma pa ang mga gamit doon. I don't know what kind of living Lennox Lucchese has.

Mahirap lang ba siya? Sino ang sumusuport sa gastusin niya? He's just a young adult pero how come na may sarili siyang sasakyan?

Lumapit ako sa maliit na mesa na nasa isang corner ng bahay. I noticed something on top of it. Isa iyong picture frame na nakataob. Kinuha ko iyon and I saw an old man.

He's wearing a black suit at pormal na pormal ang mukha habang nakatingin sa harap. He's old but he has this aristocratic aura that screams power and dominance. I know for sure that he's not a full blooded filipino-- o kung pinoy nga ba siya.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon