Chapter 15.2

7.9K 179 2
                                    

Freeya's POV

It is him again.

Parang nag-replay sa isip ko yung mga panahong sinagip niya ako. Una ay doon sa cafeteria, sinalo niya ang upuan na dapat ay sa akin tatama. Pangalawa ay nung muntik na akong pagsamatalahan sa gym ng grupo ni Winston, he beat them all. And now this..

"Freeya."

Tumayo ako ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. This is the very first time I heard him call my name and it's like music to my ears.

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. Marahas siyang bumaling sakin. I instantly saw relief in his eyes.

"Freeya. Are you---"

I grab his neck and cut him off with a fiery kiss. Nung una ay hindi siya gumalaw agad pero kalaunan ay tinugon niya din ang halik ko at ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko. I felt my knees melting like a jelly and so I encircled my arms around his neck.

Hindi pa ako nakuntento at inangat ko ang sarili at ipinulupot ang mga binti sa bewang niya. I darted my tounge inside and wandered his mouth. I was rewarded with a low groan.

I don't know why I initiated this kiss. But as I taste his lips on mine and as I felt his rugged breath, my heart is beating abnornally. Ngayon lang tumibok ng ganito kabilis ang puso ko ng hindi dahil sa takot, kaba o kasiyahan. I just can't name what I'm feeling right now but I know happiness is an understatement.

Humihingal na bumitaw ako sa paghalik sa kanya at  pinagdikit ang mga noo namin.

"I already claimed my prize at your office." He said playfully as he catch his breath.

"That's my 'thank you' for you. You saved me.. again. Salamat at dumating ka."

"Natakot ka ba?" He asked in a worry tone.

Humihibing tumango-tango ako. "Namatay kasi ang ilaw." I pout.

He planted a soft kiss on my forehead then on my cheeks, wiping away my tears. He was about to kiss me again on my lips when the closing song of the library tuned up. Tila naiiritang napapikit na lang siya ng mariin. Dahan-dahan niya akong ibinaba at inalalayan palabas. Kinuha lang namin ang mga gamit namin at umalis na.

"Kanina ba.. may nanilip sayo?" Bigla niyang tanong nung nasa hallway na kami.

I shrugged. "Wala naman.. siguro?"

Bigla siyang huminto at marahas na humarap sakin. "Siguro? So may nanilip nga sayo?" Kunot na kunot ang noong tanong niya.

"I-I mean, wala. Isang beses lang naman akong lumabas, nung lunch break lang. Hindi na nga ako nakapasok sa klase ko. Ikaw kasi, eh."

He sighed and continue walking again. "I'm sorry. I really am. I was just trying to tease you. Hindi ko naisip na maaaring mangyari yun sayo."

I bite my lower lip when I found no words  to say. I can't believe that the well-known 'douche bag' of the campus is now apologizing to me. Namayani ulit ang katahimikan saming dalawa.

We are walking side-by-side and our hands touched unintentionally for the nth time. Maybe he felt kinda irritated so he grabbed mine and intertwined it with his.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko.

"Is there anything wrong?" He asked as he look at me intently.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko."

"Inaalala mo parin ba ang nangyari kanina? Don't be afraid, I'm here."

"Yun na nga, eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sayo." I blurted nonchalantly.

I felt him stiffened. He didn't say anything so I continued.

"Ganito rin ang naramdaman ko nung kiniss kita kanina. Sa tingin mo, bakit kaya?"

Still, no response. Hindi ko na napigilan kaya siniko ko siya.

"Hoy! Tinatanong kita." He blink his eyes as if just waking up from a trance. "May sakit na ba ako sa puso?" I asked again. I'm really confused of what I'm feeling.

Tumikhim siya at parang hindi masalubong ang mga mata ko. "Wala. Maybe.. maybe you're just tensed."

Medyo hindi ako satisfied sa sinagot niya pero tumango na lang ako. There's a possibility din naman that he's right.

Malapit na kami sa gate. I lifted my gaze and saw Tito Franco leaning against his car. Nakatungo siya at busy sa cellphone niya.

Dinalian ko ang paglakad ko to the point na hinihila ko na ang kasama ko.

"Dali Lennox. Ipapakilala kita kay Tito Franco." Naeexcite na sabi ko.

Bigla siyang huminto kaya nahatak ako palapit sa kanya.
"No need." He said.

"Bakit naman? Mabait si Tito Franco and he loves meeting my schoolmates."

"I-it's not like that. I'm just.. hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Maybe some other time."

"Okay, if that's what you want. Oh, panu? Mauuna na ako, ha. Salamat ulit." I said as I turned my back. Nakakailang hakbang pa lang ako ay patakbong bumalik ako sa kinatatayuan niya. I tiptoed and planted a light kiss on his cheeks. "Ingat ka." I whispered.

Tumalikod na ako at nagmamadaling lumabas ng gate.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon