Chapter 20

7.5K 170 12
                                    

Lennox Lucchese'


I was about to lay on my bed when I heard loud knocks at my door. Hindi ko na sana papansinin iyon pero parang sinasadyang linakasan pa nila lalo ang pagkatok. Alam ko naman kung sino ang gumagawa nun. And knowing them, hindi nila tatantanan ang pinto ko sa kakakalampag hanggat hindi ako nagpaparamdam.


Tinungo ko ang pinto at padabog na binuksan yun.


"Tangina!" Yankee Zaito hissed.


Muntik na kasi silang sumadsad sa sahig dahil sa biglaan kong pagbukas ng pinto. He's with Jasper Cohen na ngayon ay simpleng umayos lang ng tayo.


"Ano ba naman yan, mate! Ganun ka na ba ka insecure sakin at balak mong dungisan tong mukha ko?" Zaito added.


I remained my straight face. Tinalikuran ko sila at prenteng umupo sa lumang sopa na naroon. Pinagmamasdan ko sila habang papalapit sila sa kinauupuan ko. They have this ridiculous expression on their faces as they look around the place.


Nakangiwi si Jasper habang nakanganga naman si Zaito. Well, I can't blame them. This is the very first time that I let them in. Sa tuwing bumibisita sila noon ay palaging sa labas lang kami nag-uusap.


This place is small, old and messy. Quiet different from the cabin we have at the HHq.


"Did you seriously lived here for the past years, Lennox? Ang gulo naman dito and it's obviously not safe here-for your health and security. Hindi ka ba nagkakasakit dito? Dapat bumalik ka nalang sa HHq." Jasper said in his typical full-of-concern tone.


Nag-aalangan siyang pumwesto sa isa pang lumang upuan doon. He placed a small box on top of the wood table. First aid kit iyon. Now I know kung ano ang ipinunta nila dito.


"Oo nga. Panu kung nagdadala ka dito ng chicks? Saan kayo pumupwesto? Ano yun, kahit saan na lang makaraos lang?" Zaito asked.



Jasper grimaced. "Yankee, stop it. Lennox is not like that."


"Oh poor, Jasper. I doubt that. Iisa tayo ng kinalakihan at alam kung may mga babae rin tong si Lucchese. At ikaw rin. Hindi pa ngayon pero dadating din ang araw ng taglibog mo."


"This is ridiculous." Jasper firmly said in greeted teeth. Knowing him, alam naming deep inside ay naiiskandalo na yan.


"Tss. Lakas makavirgin." —Zaito


"Because I really am!" —Jasper


"And you're really proud of it? Poor boy." —Zaito


"I'm just telling the truth!" —Jasper


Naiiling na bumaling naman sakin si Zaito. "So, ano nga mate? Saan kayo pumupwesto pag nag-iinit na? Sa kwarto mo? Sa sahig? O baka naman diyan?!"


Biglang bumalikwas ng tayo si Jasper ng ituro ni Zaito ang kinauupuan niya. Nanlalaki ang matang napahalukipkip siya sa gilid. Humagalpak naman ng tawa si Zaito ng makita ang reaksiyon nung isa.


I shook my head.


Gusto kong pagsisihan bigla na pinagbuksan ko pa sila ng pinto. It's not really a good idea having them in one room. Zaito loves teasing Jasper with his blunt words. Si Jasper naman, kahit gaano kabait at kahinhin ay biglang naiiskandalo kapag nakakarinig ng mga makamundong bagay.


Tumikhim ako para agawin ang atensiyon nila. Agad naman silang tumahimik at napalingon sakin. I gave them both a sharp look.


Umayos ng upo si Jasper at humarap sakin.


Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon