Freeya's POV
"OPO, katatapos lang ng exams namin. Sige po. Maghihintay na lang po ako. Ingat po."
I turned off my phone at ibinalik ulit sa bag ko. Naglalakad na ako palabas ng gate. Nauna sakin si Demi dahil sinundo din siya ng parents niya. May dinaanan pa ako sandali sa office kaya ngayon lang ako nakalabas.
I just talked to Tito Franco. Siya daw ang susundo sakin ngayon. He's just on his way kaya ilang minuto pa akong maghihintay. Naupo muna ako sa waiting shed na nasa labas lang ng school gate. Buti na lang walang ibang nakatambay doon. It's already past five kaya nagsiuwian na siguro ang ibang students.
Hinimas ko ang batok ko. I feel so tired for the whole day. Limang exams agad ang natapos namin ngayon at may tatlo pa bukas. So far, confident naman ako sa mga naisagot ko kanina. Sana lang talaga magtop ako ngayon para may reward akong makuha kay Tito Franco.
I was thinking kung anong reward ang hihingin ko ng biglang may tumabi sakin. He rested his head on my left shoulder. Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng maamoy ko siya.
Geez! Pati amoy niya may epekto na rin sakin.
"Hey." Mahinang sabi niya.
Pinigilan ko ang sarili kong sumagot. Naalala ko yung pagbalewala niya sakin kanina. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong nakaramdam ako ng pagkapahiya ng linampasan niya lang ako kanina.
Hindi naman ako nasasaktan sa pagiging rude niya. Maybe I just expected to much.
"I'm sorry."
Mahina akong napasinghap ng marinig ko iyon sa kanya. I can't see his face but I can feel the sinserity in his voice.
"P-para saan?"
"Kanina. Sa cafeteria."
"Galit ka ba sakin?"
"No! It's not that." He said in desperate voice.
"Ayaw mo akong makasalo?"
"Hindi sa ganun. Believe me. It's not what I'm thinking. Kaya lang kasi---"
I lifted his face with my finger and cut him off with a light kiss. Sandaling-sandali lang iyon. Pagtingin ko sa kanya ay parang nakatulala siya.
Agad akong napangiti dahil sa reaksiyon niya. "Okay lang."
Doon lang siya parang nagpakurap-kurap. Nagpalingon-lingon siya sa paligid at pagkatapos ay tumingin siya sa taas namin.
There's a CCTV Camera na malapit lang sa waiting shed. Yun ang nagmomonitor sa lahat ng naglalabas-masok sa campus. May nagbiblink na red light doon sa may lens kaya alam kong gumagana iyon.
I looked at Lennox Lucchese. Napakatalim ng titig niya doon. Ilang sandali lang ay namatay na ang nagbiblink na red light sa may camera.
"Gumagana ba yan?" Di ko mapigilang itanong.
"Hindi na ngayon."
He touched my face and kissed me on the lips. This time, it's no longer a light kiss. It's wetter and wilder one. Inilayo niya ang labi niya at pinagdikit ang mga noo namin.
"Galit ka pa?" He asked through deep breathes.
Umiling-iling ako. "Hindi naman ako galit, eh."
He smiled. "Good."
"Sinadya mo bang hintayin ako para magsorry?"
"Sort of. May isa pa akong sasabihin bukod dun."
"Ano yun?"
"I'll be gone for tomorrow and the day after."
"Ha? Aabsent ka? Eh di ba exam pa natin bukas?"
"Actually, kaya rin ako na late sa paglabas ay dahil tinapos ko na lahat ng exams ko. I requested for a special exam."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?! Tinapos mo na lahat ng exams mo? Nakaya mo in just a day? Hindi kaya bumagsak ka na naman?"
He looked at me intently then smirked. "Wala ka talagang bilib sakin."
"I-I mean. Hindi sa ganun. Baka kasi minadali mo lang ang lahat. Saan ka ba kasi pupunta?"
"May tatrabahuin lang kami."
"Kami? May kasama ka?"
"Yeah. Mga kapatid ko."
Nanlaki na naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "May mga kapatid ka?!" Bulalas ko.
Tumango naman siya.
Sandali akong natahimik habang nakatingin sa kanya. Narealize ko kasing marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Bukod sa lugar na tinutuluyan niya, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya. Kung nasaan na ang mga magulang niya, kung ilan ang mga kapatid niya, kung may mga kaibigan ba siya. Si Keiko Adachi, alam kong may kaugnayan sila. Pero maski yun, hindi ko rin alam.
Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. "Pagbalik ko, ikukwento ko sila sayo." Malumanay niyang sabi.
Napangiti naman ako. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"Andyan na ang sundo mo."
Bahagya akong lumingon sa may parking lot. Kararating pa nga lang ng kotse ni Tito Franco. Medyo madilim sa kinalalagyan namin kaya alam kong hindi kami agad makikita mula roon.
"Do you want to meet him?"
Umiling lang siya. He gave me a light kiss bago ako tuluyang pinatayo.
I smiled and waved him goodbye. "See you when I see you."
Kanina lang, pagod na pagod ako. But now, I feel recharged all of a sudden.
BINABASA MO ANG
Wild Sessions [Slow Update]
Teen FictionPROLOGUE "Wow! Naperfect mo yung sample quiz ko. Handa ka na sa exam niyo sa Math," masigla kong sabi kay Lennox Lucchese, ang tutee ko. As usual, wala na naman akong narinig mula sa kanya. I just saw him boredly sighed. "Uuwi na muna ako Lennox, ha...