Freeya Knoxville's POV
"Alam mo hindi talaga ako naniniwala na okay ka lang."
Para akong nagising mula sa pagkakahimbing ng marinig ko ang boses ni Demi. Lunch break na namin at magkasabay kami ngayon na naglalakad papuntang cafeteria. Nagtatakang lumingon lang ako sa kanya.
"I really have this feeling that you're up to something. Hindi lang ako masyadong nagtatanong noon kasi pareho tayong naging busy. Ikaw sa pagiging SSG president at pagiging top student. Ako naman sa midterms at pagpapakafan girl ko. So, ano nga iyon, BestFreey?"
I secretly bit my lower lip then turned to her with a wide smile. "Wala naman masyadong ganap sakin, Dems. Guni-guni mo lang yan."
Naniningkit ang matang pinakatitigan niya ako. "Wag mo akong idaan-daan sa pangiti-ngiti mong yan. Kilala kita, your eyes can't lie. Alam kong may bumabagabag sayo nitong nakaraang mga araw. You know you can tell me anything, right? Sige na. Madami na tayong oras ngayon."
Naguilty naman ako bigla. Siguro dapat ko na talagang ikwento ang lahat sa kanya. Maybe by then, gagaan ang pakiramdam ko. Mahirap pala yung sinasarili lang yung problema lalo na sa isang tulad ko. Dati kasi puro exams lang ang pinoproblema ko.
Until Lennox Lucchese came. Parang nawala sa balanse ang lahat. Everything about him is new to me.
"Dems kasi.. there's this guy.."
Suminghap siya. As in yung malakas na singhap na kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong halos lumuwa narin ang mga mata niya.
"BestFreey may boyfriend ka na?!" she exclaimed.
Natatarantang tinakpan ko yung bibig niya at nagpalinga-linga sa paligid. I heaved a sigh ng makita kong walang nakatingin samin.
"Wala! Ano ka ba?!"
"Okay. So, manliligaw?"
"Hindi rin. Ano---"
"Admirer?"
"Hindi rin. Dems naman! Patapusin mo muna ako--"
Nahinto na naman ako hindi dahil sa bibig niya kundi dahil sa umeksena niyang tiyan na tumunog. Nakangiwing lumingon siya sakin.
"Oops! Sarey. Mamaya muna pala tayong magkwentuhan. Kain muna tayo, bes."
Natatawa na lang ako sa kanya. Ang kulit rin nitong kaibigan ko. 'There's this guy' palang ang nasasabi ko pero ang dami ng sinabi. Paano pa kaya kung whole story na? I think tama siya, we really need a lot of time.
Pagpasok namin sa cafeteria ay agad kaming pumila sa pagkuha ng meal namin. Pagkatapos kong makuha ang pagkain ko ay nagpunta na ako sa pwesto namin. Si Demi? Ayun nahuli na naman. Nakitsismis pa kasi siya sa isang schoolmate namin kaya nasingitan siya ng isang grupo ng mga estudyante.
Inantay ko nalang siya habang inaaliw ang sarili ko sa pagtingin sa paligid.
Until something caught my eyes..
There they are again. Ilang tables lang ang layo mula sa kinauupuan ko.
They were talking while eating. He smiled. It was just a fleeting moment but I'm sure he smiled. Yung tipo ng ngiti na komportable at hindi pilit.I clenched my fist. Kasabay nun ang tila pagsikip ng paghinga ko na parang ako mismo yung pumipisil sa puso ko.
Right there and then, I realized what I'm feeling.
BINABASA MO ANG
Wild Sessions [Slow Update]
Teen FictionPROLOGUE "Wow! Naperfect mo yung sample quiz ko. Handa ka na sa exam niyo sa Math," masigla kong sabi kay Lennox Lucchese, ang tutee ko. As usual, wala na naman akong narinig mula sa kanya. I just saw him boredly sighed. "Uuwi na muna ako Lennox, ha...