Chapter 27 [012019]

7.1K 199 35
                                    

Freeya Knoxville's




Nararamdaman kong may mga pawis ng namumuo sa noo ko at namamanhid na rin ang kamay ko. Kanina ko pa sinusubukang abutin ang isang textbook para sa research ko dito sa library pero sa kamalasan ay sa mataas na bahagi ng shelves pa yun nakalagay. Wala rin akong makitang stairs kaya pinipilit ko na lang abutin yun.




I pout my lips. Ayaw talagang maabot, eh.




Just when I was about to give up, bigla na lang may kamay na sumulpot at linagpasan ang kamay ko. Walang kahirap-hirap na naabot nun yung librong sadya ko.




"Ito Miss, oh." sambit nang kung sinumang nasa likod ko.




Tumalikod ako para humarap sa kanya. Sinalubong ako ng isang nakangiting mukha ng lalaki. Nakayuko siya habang inaabot sakin yung libro. Parang otomatikong napangiti tuloy ako. Kasi naman, ngiti palang niya, masasabi mo nang mabait at mabuti siyang tao.




"Wow, thank you ha." nakangiting sabi ko at inabot yung libro.




Hindi pa siya umalis sa harap ko. Naramdaman kong hinagod niya ako ng tingin-yung walang malisyang tingin.




"Grade 10 ka pa lang diba? Hindi naman sa ipinagdadamot ko itong lugar, pero anong ginagawa mo dito sa library namin? If you don't mind me asking, by the way." malumanay niyang tanong. Parang iniiwasan niya talagang maging bastos pakinggan o kaya ay maoffend ako.




What a nice person.



"Wala kasi sa textbooks namin yung topic ko sa research. Sabi nung teacher namin, pangcollege daw yung topic kaya nagpunta ako dito." Nasa library kasi ako ngayon ng college department.




"Ah, ganun ba? Mabuti na lang napadaan ako dito. Mukha kasing hirap na hirap ka na. Pasensya ka na sa library namin ha. Pangcollege kasi ang height at matataas yung shelves kaya hindi talaga madaling maabot ng tulad mo-h-hoy! Hindi ko sinasabing maliit ka ha! Sadyang mataas lang talaga yung shelves. Wag mo sanang masamain yung sinabi ko."




Hindi ko napigilang mapahagikhik dahil sa itsura niya. Alanganin siyang nakangiti habang kumakamot sa ulo niya. Para siyang nakasakit ng tao at hiyang-hiya sa sinabi niya.




Mukha siyang mahiyaing tao pero madaldal naman pala.




"Hindi no. Totoo naman yung sinabi mo, maliit ako kumpara sa height niyong mga college. Ang tangkad mo kaya. Parang kasing height mo si..." Lennox.




"Sino?"




Umiiling ako. "Ah, wala. Yung kakilala ko lang. By the way, I'm Freeya."




"Freeya Knoxville, right? Actually, kilala na kita."




"Oh? Pano?"




"Ikaw yung tutor ng kapatid ko, diba? Ako nga pala si Jasper, Jasper Cohen. Third year, Bachelor of Science in Mechanical Engineering."




Inabot niya sakin yung kamay niya pero hindi ko iyon nabigyang pansin. Sandali akong natigilan at pinakatitigan ang mukha niya.




Isa siya sa mga kapatid ni Lennox Lucchese? Bakit magkaiba ang apelyido nila? At bat parang hindi naman sila magkamukha? Kung gaano kasi ka strong ang features ni Lennox, siya namang kinaamo ng mukha nitong kaharap ko.




Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon