Chapter 19.1

7.7K 184 2
                                    

Freeya's POV

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko ng ibinabagsak ang sarili ko sa kama. Tatayo ako pagkatapos hihiga na naman ulit. Today is saturday and supposed to be ay ineenjoy ko ang weekend pagkatapos ng stressful exam days namin. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali ng nandito lang sa loob ng kwarto at alam ko kung bakit.

I keep on thinking about Lennox Lucchese. Thursday and Friday ay hindi ko siya nakita sa campus. Expected ko naman iyon dahil nagpaalam siya pero hindi ko pa rin maiwasan na pakaisipin siya. Dalawang araw ko pa lang siyang hindi nakikita pero iba na ang nararamdaman ko.

Am I missing him?

Bigla akong napabalikwas ng bangon. Nagbihis ako at kinuha ang backpack ko.

I need to see him.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina. I saw Nanay Nancy busy cooking something.

"Nanay." I called her.

Paglingon niya sakin ay agad nangunot ang noo niya. "Freeya, ba't nakabihis ka?"

Naglalambing na inakbayan ko siya. "Nanay, gusto ko pong puntahan ang kaibigan ko."

"Freeya, kung si Demi iyan, siya na lang ang papuntahin mo dito." Malumanay na sabi niya.

"Hindi po si Demi, Nay. Siya po yung pinuntahan ko nung nakaraan, yung nagpatulong din po ako sa inyo para hindi ako mahuli ni Tito Franco."

Yun yung first time kong pinuntahan si Lennox Lucchese sa apartment niya. Weekend din nun at sakto na wala si Tito Franco sa mansion.

Bigla akong tinitigan ng matalim ni Nanay Nancy. "Umamin ka nga sakin, Freeya. Nobyo mo ba itong pinupuntahan mo?"

Parang nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. "Hindi po, Nanay! Wala pa po akong boyfriend! Kaibigan ko lang po siya." Naiiskandalong sagot ko.

Napabuntong-hininga siya. "Mabuti naman kung ganun. Pero hindi ka pa rin pwedeng umalis. Alam mo naman ang bilin sayo ni Señor, diba?"

"Alam ko po. Kaya nga sa inyo ako nagpapaalam, eh."

"Freeya, hindi talaga pwede. Magagalit ang Señor pag nalaman niyang umaalis ka ng hindi nagpapaalam."

"Eh, hindi naman po ako magpapahuli. Promise po, nandito na ako bago pa dumating si Tito Franco. At isa pa po, I promise to take full responsibility kapag nahuli ako. Sasabihin ko na lang po na hindi ako nagpaalam sa inyo para hindi kayo makagalitan. Please, Nanay! Let me go, po."

I put my palms together at nagpuppy eyes pa habang nakatingin sa kanya.

"Hay naku! Bata ka! Siguraduhin mo lang na nandito ka na bago mag-alas kwatro. Mapapata-- ang ibig kong sabihin makakagalitan ako ng Señor kapag nahuli tayo."

Natutuwang niyakap ko si Nanay Nancy ng mahigpit. Every person inside the mansion is very loyal to Tito Franco. Pero alam ko naman na hindi ako matitiis ni Nanay Nancy.

"Thank you po, Nanay. Ayy, ano po ba yang niluluto niyo?" I asked. Mukhang masarap kasi dahil ang bango ng amoy.

"Nilagang baboy sa tanglad. Oh, kain ka muna."

"Hindi na po. Magdadala na lang po ako. Pabaunan niyo po ako para sa dalawang tao."

Ilang minuto pa akong naghintay na matapos magluto si Nanay Nancy bago ako nakaalis. Nagtaxi lang ako papunta sa apartment ni Lennox Lucchese. I was gripping the food container tightly. Magtatanghali palang, saktung-sakto ang dala ko para sa lunch. Habang papalapit ako ay mas nakakaramdam ako ng excitement.

Nang makarating ako doon ay agad kong inakyat ang hagdan. Tahimik lang ang paligid. I knocked three times pero walang may sumagot.

"Lennox?!" I knocked again.
Hanggang sa naging salitan ang pagkatok at pagtawag ko sa kanya.

I bit my lower lip. Mukhang hindi pa siya nakakabalik. Bagsak ang balikat na tumalikod na ako. Pero hindi ko pa man nararating ang hagdan ay nakarinig ako ng pagkabasag ng kung ano mula sa loob. Dali-dali akong bumalik at kumatok ulit.

"Lennox?! Andyan ka ba? Open this door!" Hindi ko alam kung bakit pero biglang nilukob ng kaba ang dibdib ko.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mabibigat na yabag. Kasunod nun ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Lennox Lucchese. Sandali akong natigilan sa ayos niya. Topless siya at tanging slacks na itim lang ang suot. Pawisan din siya at gulung-gulo ang buhok.

"Pasok ka." Mahinang sabi niya.

Nagtataka man ay agad akong pumasok. Kumibot ang ilong ko ng salubungin ako ng masangsang na amoy. I can also smell alcohol in the air. Nakakita ako ng mga gamit na bulak sa mini table niya pero bago ko pa man iyon malapitan ay kinuha niya ang mga iyon at nagpunta sa kusina.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naupo na lang ako sa lumang sopa doon. Hindi rin naman ako mapakali kaya binitbit ko yung food container at sinundan siya sa kusina. Naabutan ko siyang nakaharap sa lababo.

"Hey! Okay ka lang?" I asked as I walked towards him.

Humarap siya sakin at pinakatitigan ako. Nakatanga lang ako doon habang sinasalubong din ang mga titig niya. I can sense that there's something off with him. Sa itsura niya palang parang pagod siya at may dinaramdam.

He looked at the food container I am holding. "I brought you food. Hindi rin ako kumain kasi gusto kong saluhan kita. Natapos na ba yung trabaho niyo? Nag-alala ako sayo kaya pinuntahan na kita. Pasensiya ka na, ha? Namimiss yata kasi kita."

There's a wide smile on my face pero hindi parin siya sumagot. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya napayuko ako. I bit my lower lip.

"Come here."

Agad akong nag-angat ng tingin ng magsalita siya. "Ha?"

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. I put the food container on the table and followed him. Nung nasa harap na niya ako ay bigla na lang niya akong sinunggaban ng halik. I closed my eyes and just let him. There and then, I realized how much I missed him.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon