Chapter 35 [060219]

5.3K 141 17
                                    

Lennox Lucchese'

Tuesday morning. Class hours. I am supposed to be at our designated classroom, stiffling a yawn while listening to some boring lectures but here I am, fighting my @ss off with these four bastards.

Gigil na tumama ang kamao ko sa lalaking nasa harap ko. Kasunod nun ay ang pag-indayog ng binti ko sa likod. Tinamaan ang isa pa. Dalawa silang pansamantalang humandusay. May isa pang sumugod sa gawi ko na may hawak na kutsilyo. Paglapit niya ay agad kong nabawi ang armas at sinuntok din siya sa panga. I grabbed his head and twisted it forcely. He fell to the ground lifeless.

May isa pang sumugod. Pero bago pa man ito makalapit, tumakbo agad ako patungo sa pader para bumwelo. I jumped and kicked the wall. My bended knee fell to the bastards chest, breaking his ribcage due to the strong impact. Lupaypay na bumagsak siya sa lupa.

Tumayo ako at matalim na tinitigan ang dalawang natitira. I can see how their knees shook and their lips trembled. Halatang naalerto sila sa sinapit ng dalawa nilang kasama. I lifted the other side of my lips to annoy them more. Nagkatitigan sila at magkasabay na sumugod sa gawi ko.

I readied myself. Tinadyakan ko ang isa at yung isa naman ay malakas kong sinuntok. Tumama ang ulo niya sa pader. Hindi pa ako nakuntento. I grabbed his head and banged it to the wall. Bahagya pa iyong nagbounce dahil sa impact.

Binalingan ko naman yung isang tinadyakan ko kanina. Hindi pa siya nakakatayo. Lumapit ako sa kanya at ilang ulit na sinuntok ang mukha niya. Nang makuntento ako ay itinayo ko siya at isinandal sa pader.

"Sino kayo? Paano kayo nakapasok dito? Who ordered you to attack me?" sa wakas ay naitanong ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari pero hindi ko magawang magtanong sa kanila kanina  dahil sa sunud-sunod nilang pag-atake. Wala na akong nahitang sagot sa kanya. Nawalan siya ng malay at lupaypay na bumagsak sa lupa.

Bumaling ako sa iba pang naroon na nakahandusay na rin sa lupa. I gritted my teeth. Dapat pala tinanong ko muna sila bago ko patumbahin. I'm not sure if they are still breathing. Well.. I don't really give a damn. Wala akong pananagutan sa kung anuman ang kinahinatnan nila ngayon. Nananahimik ako at sila itong bigla-bigla na lang nanunugod.

I'm still oblivious of what's happening. Few minutes ago, I was just walking at the hallway when they suddenly dragged me to this woody part of the campus. Hinawakan nila ang dalawa kong kamay at tinakpan ng sako ang ulo ko dahilan para wala akong makita. I thought for a moment na sila Damian lang iyon at pinagtritripan ako pero bigla na lang nila akong itinulak pababa. Sinimulan nila akong sugurin ng tadyak at suntok. Doon na ako nanlaban.

Base sa mga itsura ng apat na to, mukha rin naman silang hindi gumagawa ng mabuti. Matitigas ang pangangatawan nila at may alam sa pakikipaglaban. I also noticed their identical tattoos while I was having a physical combat with them. I have a hint that they are members of a gang or a certain syndicate.

Pero paanong nakapasok sila dito sa campus? Ano ang kailangan nila? Well, sure as hell that they came here to attack me. Pero sino ang nag-utos sa kanila?

I sighed deeply. Inayos ko ang suot kong uniform at nagpagpag ng alikabok. Damn! Of all places, dito pa talaga nila napiling sumugod sa loob ng campus. Nagkalat pa tuloy ako. Bahala na. Kung sino man ang makakita sa kanila, sila na magligpit.

I was about to get out of that place when I heard loud claps. Bumaling ako sa likod ko pero mga puno lang ang sumalubong sakin. Tumingala ako. And there, I saw Finnick Salvatore smirking like a dog, his so-called signature smile. Nasa taas siya ng isang malaking puno sa harap ko at prenteng nakaupo sa isang sanga.

"Woo! Palakpakan mga kababayan! Grabe, wala ka paring kupas, Lucchese. You beat them all in four minutes. Ang galing mo! Sana kunin ka na ni Lord ponyeta ka!" nakangising bulyaw niya habang pumapalakpak na parang batang nanonood lang ng paboritong palabas.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon