Freeya Knoxville's POV
MAGKASABAY na liningon namin ni Demi ang entrance nang cafeteria nang muling pumasok si Finnick. Diri-diretso siyang umupo sa iniwan niyang pwesto at hinarap ang pagkain. Sumubo siya ng isang beses at wala sa sariling nilaro ang hawak na kutsara sa pagkain niya. Pagkatapos ay bigla na lang siyang natigilan at tinampal ang ulo niya. Pareho pa kaming napaigtad ni Demi si biglaang pagkilos niya.
"Shet, tama bang binigyan ko ng chance ang ugok na yun?" bulong niya habang nakatiimbagang.
Nagkatinginan kami ni Demi. Pagkatapos ay siniko niya nang malakas si Finnick. "Hoy, bess! Anong binubulong-bulong mo diyan?"
Parang natauhan naman si Finnick at bumaling samin. "Ha? Ah, wala, wala."
"Magkaibigan pala kayo ni Lennox Lucchese," sabi ko sa kanya.
"Hindi ah!" agad na alma niya. "Kakilala ko lang siya. He's not a friend, ew!"
"Ba't mo siya hinila palabas?" tanong ko ulit. Nagtaka talaga ako nang makita ko siyang hila-hila si Lennox palabas. Gusto ko sana silang sundan kaso ayaw magpaiwan ni Demi.
"Wala. May sinabi lang ako," he said with finality.
Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang wala din naman siyang balak na magkwento tungkol doon. Maybe it's just a boy thingy.
Bumalik din kami agad sa classroom pagkatapos naming kumain. Si Finnick na ang seatmate ko. Si Demi naman ay nasa likod namin. Kasalukuyan naming hinihintay ang subject teacher namin ng may maalala ako. Tiningnan ko si Finnick na ngayon ay nakayuko sa desk ng upuan niya.
"Finnick?"
"Yes, babygirl?" he answered lazily. Nanatili siyang nakapikit.
"May itatanong sana ako."
"Tungkol saan, baby girl?"
Bahagya na naman akong napangiwi sa pagtawag niya sakin ng 'babygirl'. I guess kailangan ko na lang talagang sanayin ang sarili ko na marinig iyon mula sa isang badboy na kagaya niya.
"Tungkol sana sayo... at kay Tito Franco."
Bigla siyang umayos ng upo at seryosong bumaling sakin. "What about him?"
I sighed. "Alam mo kasi, nalilito pa ako sa biglaang pagdating mo. Saan ka ba talaga galing? Saan ka ngayon nakatira? At kung totoong anak ka ni Tito Franco, bakit umalis ka sa poder niya?" I felt relieved when I finally voiced out those words. Ang dami talagang gumugulo sa isip ko ngayon at isa na roon si Finnick.
Matagal niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung para saan, pero pakiramdam ko ay sinusukat niya ako sa mga titig niya. "Freeya, will you believe me if... if I tell you that Franco Salvatore, my own father, wanted me dead?"
Napasinghap ako nang malakas. I even covered my mouth. Wala akong naging sagot sa kanya.
"Franco killed my biological mom. Ng magtagumpay siya, ako naman ang sinunod niya. He tried to kill me. Not once, not twice but many times."I gulped hard. Gusto kong isipin na maaring nagbibiro lang ngayon si Finnick. But looking at his eyes now, he seems to be really serious. Ramdam ko ang hinanakit niya sa bawat salitang binibitawan niya. "P-pero bakit?"
BINABASA MO ANG
Wild Sessions [Slow Update]
Teen FictionPROLOGUE "Wow! Naperfect mo yung sample quiz ko. Handa ka na sa exam niyo sa Math," masigla kong sabi kay Lennox Lucchese, ang tutee ko. As usual, wala na naman akong narinig mula sa kanya. I just saw him boredly sighed. "Uuwi na muna ako Lennox, ha...