Chapter 18.1

7.9K 179 6
                                    

Freeya's POV

Pinunasan ko ng kamay ang salamin para mas maging malinaw ang repleksiyon ko. Katatapos ko lang maligo at nakatapis lang ako ng tuwalya kaya agad kong nakita ang redmark sa kanang dibdib ko. I traced it with my fingers. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko kung paano ako nagkaroon nun.

Lennox Lucchese put it there as a mark. Hindi ko alam kung para saan ang markang ito pero natutuwa ako kapag nakikita ko to. This reminds me of him. Of us.

Hindi ko alam kung ano na ang meron samin ngayon. Alam kong hindi na lang basta tutor-tutee ang relasyon namin ngayon. Hindi rin naman kami basta magkaibigan lang dahil lumampas na kami sa limitasyong iyon. Hindi naghahalikan at naghahawakan ang normal na magkaibigan.

I felt my cheeks heating up on that thought. Agad akong kumilos at lumabas na ng banyo para maghanda na sa pagpasok. Ayoko munang pakaisipin ang tungkol saming dalawa. Bahala na kung anuman ang mangyari samin. As of now, I just want to live in the moment.

I was humming a song as I open the door. Nabungaran ko si Nanay Nancy na pakatok na sana sa pinto ko. Medyo nagkagulatan pa nga kami.

"Hey! Good morning po, Nanay Nancy." Nakangiting bati ko.

"Oh, good morning rin, Freeya. Nahuli ba ako sa pag-akyat o sadyang ang aga mo lang ngayon?" Nangingiting tanong niya.

I checked my wrist watch. "Ay! Oo nga. Ang aga ko po ngayon."

Nauna akong bumangon kesa sa alarm ko at hindi ko na chineck yung exact time. Today is our midterm exam pero imbes na kabahan ako, parang naeexite pa akong pumasok. Hindi ko alam pero parang ang gaan lang ng pakiramdam ko. It feels like there are invisible wings in my toes.

I ran towards the dinning area and surprise Tito Franco with a hug from behind. "Good morning to the most wonderful man on earth!" I exclaimed and kissed his cheek.

"Hey, princess!" Nakangiting bati rin niya.

Naupo na ako sa harap niya. Nararamdaman ko naman na nakatitig siya sakin. "What's with the good mood today?" Nakakunot ang noo niyang tanong pero nakangiti pa rin siya.

"What's with what?" I chuckled.

"Hmm. Let me guess. May gusto kang hingin sakin kaya ka naglalambing no?" He asked, teasing me.

"Tito, wala po."

"C'mon. Spill it." Pangungulit niya pa. Natawa na rin ako dahil sa wrong speculations niya.

"Si Tito talaga. Naglalambing lang may kailangan na agad."

"Well, you can't blame me. It's not everyday that I get to hear from you that I'm the most wonderful man on earth. Mukhang ang ganda talaga ng gising mo ngayon."

"Siguro excited lang po ako sa exam namin mamaya."

"And I know you'll gonna nail all your exams. Dating gawi. Kapag nagtop ka ngayong midterms niyo, I'll give you a reward. Anything you wish."

I immediately felt excited. Tumayo ako ulit at yinakap siya. "Thank you po, Tito Franco. You're really the best!"

"Anything for you, my princess. Anything for you."

Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami. Sumabay na ako kay Tito Franco sa pagpasok. Pagtingin ko sa wrist watch ko ay 6:45 am palang. 7:30 pa ang first exam ko pero okay lang.

Patakbo akong pumasok ng gate. Inilibot ko agad ang paningin ko sa paligid. I was silently praying to see a familiar silhouette of a man.

Nandito na kaya siya?

Lumiko ako sa isang hallway. Agad bumagal ang paglakad ko ng makita ko ang hinahanap ko. Ang dali namang pagbigyan yung hinihiling ko.

Ilang metro lang mula sa kinatatayuan ko ay isang lalaking nakajacket at nakahood na itim. Mukhang kami palang ang tao sa hallway. Hindi gaanong mabilis ang paglakad niya kaya agad ko siyang nasabayan.

"Hi!" I greeted as I walked beside him.

Naramdaman kong bahagya siyang natigilan pero hindi niya ako nilingon. "H-hi."

"Good morning!" Bati ko na naman. This time ay bahagya ko na siyang nilingon.

"Good morning."

"Exam niyo rin ngayon, diba?"

"Yeah."

Tumango-tango ako. "Kami rin, eh. Anyway, goodluck sa exam niyo. Kaya mo yan. Matalino ka naman, eh. You just have to believe in yourself. Kapag nakapasa ka, payag akong iclaim mo ang prize mo mula sakin. Galingan mo, ha?"

Bahagya akong namula ng marealize ko yung sinabi ko. So, ako na ang nag-ooffer ng 'prize' ngayon?

Pag-angat ko ng tingin ay saka ko lang napansin na medyo dumistansya na siya sakin. Magkasabay parin naman kami pero nasa kabilang dulo na siya ng daan.

Dumaan sa gitna namin ang dalawang babaeng estudyante. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang titig nila saming dalawa. Para rin silang kinakabahan habang nakatingin kay Lennox Lucchese, na ngayon ay nakayuko lang.

I was about to talk pero inunahan niya ako. "I'll go ahead." Mahinang sabi niya bago tuluyang lumayo.

I just sighed as I watched him from behind. Gusto ko pa naman siyang makausap.

THAT morning ay dalawang exams agad ang natapos namin. Magkasabay kaming nagpunta sa school cafeteria ni Demi. Papasok na kami roon ng makita ko sa di kalayuan si Lennox Lucchese. As usual ay mag-isa na naman siya. Pinauna ko na sa loob si Demi. Sinalubong ko naman siya.

"Hey!"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sakin. I kept my smiling face. Sanay naman na ako sa cold eyes niya kaya okay lang. Nararamdaman ko rin ang mga titig ng ibang schoolmates namin.

"Kakain ka na? Sabay ka na samin ni Demi." Alok ko.

Hindi siya sumagot at linampasan lang ako.

"Grabe, ang harsh niya talaga."

"Oo nga. Si Freeya Knoxville na nga ang nag-invite sa kanya pero denedma niya lang."

"Hay naku. Dapat lang talaga. Hindi sila bagay maging friends. Bad influence siya."

Binalewala ko na lang yung mga naririnig ko at pumasok na rin ng cafeteria. Lennox Lucchese has really a bad reputation in the whole campus. Kumbaga sa isang pamilya, siya ang black sheep dito. These past days, naobserbahan ko kung paano siya katakutan at husgahan ng mga estudyante dito.

I will not say that they're wrong dahil base sa pinapakita niyang image dito sa campus, hindi ko masisi kung bakit ganoon siya ituring ng mga co students namin. Parang sinasadya niyang iwasan at katakutan siya dito.

But I will not say na tama rin sila. Kasi alam kong hindi ganoon kasamang tao si Lennox Lucchese.

Naupo na ako sa mesa namin. Buti na lang iniorder na ako ni Demi. Kumakain na kami ng may mahagip ang paningin ko.

"Bestfreey, bakit?"

Hindi ko sinagot si Demi at nanatiling nakatingin lang sa isang mesa di kalayuan samin.

"Di ba minsan mo ng tinanong noon kung magkaibigan ba ang dalawang yan? Well, mukhang oo ang sagot dun."

I saw how Keiko Adachi approached Lennox Lucchese. Umupo siya sa harap nito at kumain rin. They were even talking. Napakaattentive ni Lennox habang panay ang kwento ni Keiko. He patted her head na ikinangiti naman ng huli. He smiled a little.

Siguro magkakilala nga talaga sila. Maybe they are close friends. Maybe even more.

"Hoy, bestfreey! Tulaley ka na naman diyan. Dalian mo na at may exam pa tayo."

Pilit kong inilayo roon ang paningin ko. Kumain na ulit ako. Pero kada subo at lunok ko parang bumabara lang iyon sa lalamunan ko. I can't help but to think of those two people.

Wild Sessions [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon